DepEd San Vicente Integrated School

DepEd San Vicente Integrated School Official Page of San Vicente Integrated School

20/08/2026

RUN - ALERT - SECURE/HIDE - INFORM
Response to Active Shooting Incidents

★★★★★★★★★★★★★★★




PNP PRO1 Public Information Office
PBGEN JOVENCIO S BADUA JR
★★★★★★★★★★★★★★★
Enhanced 𝗔.𝗟.𝗘.𝗥.𝗧.𝗢. Framework
𝗔nti-criminality and 𝗟aw 𝗘nforcement through 𝗥esponsive and 𝗧ransformative 𝗢rganization

✨ Maligayang Kaarawan! ✨Nawa’y maging mapagpala at masaya ang iyong kaarawan, Kap. Helena Flores! Patuloy nawa kayong ga...
18/08/2026

✨ Maligayang Kaarawan! ✨
Nawa’y maging mapagpala at masaya ang iyong kaarawan, Kap. Helena Flores! Patuloy nawa kayong gabayan ng Panginoon sa bawat hakbang, pagkalooban ng kapayapaan, mabuting kalusugan, at palibutan ng Kanyang walang hanggang pagmamahal, ngayon at magpakailanman. 🙏💐✨

16/08/2026
14/08/2026
📚 Makabuluhang Pagbisita sa San Vicente Integrated School!Nagbigay ng mahalagang suporta at gabay si Dr.  T. Giron, Regi...
14/08/2026

📚 Makabuluhang Pagbisita sa San Vicente Integrated School!

Nagbigay ng mahalagang suporta at gabay si Dr. T. Giron, Regional Education Program Supervisor in Araling Panlipunan, hinggil sa Literacy "Bawat Bata Makabasa" at Open High School Program (OHSP)—mga programang naglalayong palawakin ang pagkakataon sa pagkatuto at pag-unlad ng bawat mag-aaral. 💙

Maraming salamat po Dr. Editha T. Giron sa inyong pagbisita at patuloy na suporta sa edukasyon! ✨

PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG TAUNANG PLANO SA PAGPAPATUPAD (AIP) 2026Isang makabuluhan at produktibong araw ng pagbabahagi...
13/08/2026

PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG TAUNANG PLANO SA PAGPAPATUPAD (AIP) 2026
Isang makabuluhan at produktibong araw ng pagbabahagi, paglalahad, at pagsusuri ng aming Taunang Plano sa Pagpapatupad (Annual Implementation Plan o AIP) 2026.
Taos-pusong pasasalamat kay Dr. Jaime Jr. Campos, EPS sa Agham, kay Sir Winifredo Palma Pe Benito, M&E Specialist, sa mga kawani ng Planning, kay Ma’am Camile P. Marinas, kinatawan mula sa Finance Section, at kay Dr. Rosalinda Laurente , District SBM Coordinator, para sa kanilang mahalagang paggabay, mga makabuluhang pananaw, at walang sawang suporta.
Ang inyong mga ambag at mungkahi ay naging malaking bahagi upang maging mas makabuluhan, maayos, at matagumpay ang gawaing ito. Maraming salamat sa inyong dedikasyon at pakikiisa sa patuloy na pagpapabuti ng ating mga programa at serbisyo para sa edukasyon. 🙏🇵🇭

Belated Happy Birthday sa aming SGC President sir Dionisio Palado! 🎉🎂Kahapon man ang inyong kaarawan, taos-puso pa rin p...
12/08/2026

Belated Happy Birthday sa aming SGC President sir Dionisio Palado! 🎉🎂

Kahapon man ang inyong kaarawan, taos-puso pa rin po naming ipinapaabot ang aming mainit na pagbati! ❤️

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, malasakit, at paglilingkod bilang SGC President at ABC President ng Bayan ng San Vicente. Malaki po ang inyong ambag sa ating paaralan at komunidad.

Nawa’y pagpalain pa kayo ng Diyos ng mabuting kalusugan, kalakasan, karunungan, at mas marami pang biyaya upang patuloy kayong maging inspirasyon sa ating mga kabataan at sa buong komunidad.

Belated Happy Birthday! May God bless you always! 🙏🎂

With love and warmest wishes from your SVIS Family. 💚💛

📰 BALITANG-PAARALAN 🏆 TAGUMPAY NINA KOBE AT ALFONSO, KIKILALANIN SA SIGLAT ISKWELA AWARDS 2026 🏫 San Vicente Integrated ...
12/08/2026

📰 BALITANG-PAARALAN

🏆 TAGUMPAY NINA KOBE AT ALFONSO, KIKILALANIN SA SIGLAT ISKWELA AWARDS 2026

🏫 San Vicente Integrated School | Agosto 12, 2026

Isang dakilang karangalan ang natanggap ng ating paaralan mula sa tagumpay ng dalawa nating mag-aaral sa larangan ng Jiu-Jitsu: sina Kobe Rivera Paz (Poblacion) at Alfonso Jay III Reclusado Raquel (Bayubay Norte).

📌 Ang Kompetisyon

Noong Hunyo 13, 2026, lumahok sila sa Manila International Open Championship 2026 – Gi and No-Gi sa Gateway 2 Mall, Quezon City.

- 🥈 Alfonso Jay R. Raquel: Silver Medal – Male White Kid 5 – Light Feather
- 🥉 Kobe R. Paz: Bronze Medal – White Kid 3 No-Gi – Light Feather

Dahil sa kanilang husay, sila ay kinilala bilang International Awardees sa SIGLAT ISKWELA Awards 2026. Ang seremonya ay orihinal na nakatakda noong Agosto 6 ngunit ipinagpaliban; isasagawa na ito bukas, Agosto 13, 2026, sa Chavit Coliseum, Tamag, Vigan City.

👨‍👩‍👧‍👦 Suporta ng Pamilya at Paaralan

Malaki ang papel ng kanilang mga magulang:

- Kobe: Anak nina G. at Gng. Jhon Michael Paz (Baitang 2 | Gurong Tagapayo: Gng. Regina R. Ragasa)
- Alfonso Jay: Anak nina G. at Gng. Jaymar Emerson Raquel (Baitang 6 | Gurong Tagapayo: Gng. Donna Requilman )

💬 “Kobe, huwag mong kalimutang unahin ang Panginoon sa lahat. Magpasalamat sa bawat tagumpay, maging mapagpakumbaba at disiplinado.” — Gng. Regina R. Ragasa

🎉 Mensahe ng Punong-Guro

Binati ni Dr. Rosalinda Laurente , Principal IV, ang mga mag-aaral at pamilya:

“Ang inyong sipag, talento, at determinasyon ay tunay na inspirasyon sa lahat.”

Ang buong SVIS Family ay nagpupugay sa inyo! Patuloy na mangarap at maging mabuting halimbawa sa kapwa mag-aaral.

Congratulations, Kobe at Alfonso! 🥋👏

📸 Mga larawan: Mula sa kompetisyon at pagkilala







Address

Poblacion, San Vicente
Ilocos Sur
2726

Opening Hours

Monday 8am - 4:30pm
Tuesday 8am - 4:30pm
Wednesday 8am - 4:30pm
Thursday 8am - 4:30pm
Friday 8am - 4:30pm

Telephone

+639171035576

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd San Vicente Integrated School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category