08/03/2024
๐๐๐๐๐๐: Matagumpay na idinaos ang programa para sa kababaihan sa paaralang Golgol bilang suporta sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan o National Women's Month 2024 na may temang "โ๐พ๐
๐๐๐ถ๐๐ฐ ๐ซ๐ถ๐๐ถ๐ ๐๐ถ โฌ๐ถ๐ฐโด๐๐ฐ ๐ซ๐พ๐๐พ๐
๐พ๐๐ถ๐: ๐ฆ๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐ถ๐ ๐๐ฐ ๐ฆ๐ถ๐ท๐ถ๐ท๐ถ๐พ๐ฝ๐ถ๐, ๐ซ๐ถ๐๐๐๐๐๐ถ๐๐ถ๐"
Ito ay selebrasyon para ipakita at kilalanin ang halaga ng bawat babae sa lipunan.
Sa nasabing selebrasyon, napakinggan mula kay Ghylleane Sabido, mag-aaral sa Ikaanim na baitang, ang kasaysayan ng araw ng kababaihan at mula naman kay Jeiffelyn Gale Tadiamon, ang presidente ng SELG, nalaman ang importansiya ng selebrasyong ito.
Nagbahagi din ng mensahe ang ulongg**o ng paaralan na si Bb. Sarilyn S. Carmen. Ika niya, kung meron man malakas na tao, yun ay walang iba kundi ang mga nanay. Totoo nga namang walang papantay sa sakripisyong ginagawa ng mga ina sa tahanan.
Nagpakitang gilas din ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsayaw, pag-awit at pagtula, lahat ay konektado patungkol sa kababaihan.
Isang matagumpay ang naganap na selebrasyon sapagkat may mga taong sumuporta at nakiisa sa paghahanda, walang iba kundi ang mga g**o ng GES at ulongg**o na palaging nakaalalay.