03/09/2026
Ang pamunoan, g**o, magulang, at mag-aaral ng Elizabeth-Lanas Elementary School ay nagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat kina:
Noel Guillermo (Nhogi Florendo)
Owner & Manager, MIGANOGUILLZ Salon
at sa mga Partner Sponsors : BALAY NI ARRAN (Apartment), Desiree Abadilla, Team Kartib (Rogelio Agoto, Jr. & Rafael Pagtulingan) at isa pang anonymous na tagasuporta nila
sa matagumpay na pagsasakatuparan ng "Libreng Gupit sa Eskwela Project and Feeding Program" na ginanap noong Agosto 19, 2026 sa Elizabeth-Lanas Elementary School.
Ang inyong kabutihang-loob, panahon, at rekurso ay nagbigay-linaw at kasiyahan sa aming mga mag-aaral — mula sa maayos na tikas at kalinisan hanggang sa masustansyang pagkain na inihanda para sa kanila. Ang bawat gupit ng buhok at bawat plato ng pagkain ay hindi lamang simpleng tulong kundi patunay ng malasakit at pagmamahal ninyo sa kabataang Pilipino.
Nawa'y patuloy na pagpalain ng Panginoon ang inyong puso at negosyo, at sana'y patuloy pa rin ninyong pagyamanin ang diwa ng pagbibigay at pagmamalasakit sa ating mga kabataan.
Muli, MARAMING SALAMAT PO!
Mula sa lahat ng bahagi ng Elizabeth-Lanas Elementary School Family 🙏💇✂️🍽️