SPC College of Computer Studies

  • Home
  • SPC College of Computer Studies

SPC College of Computer Studies The official page of St. Peter's College of Iligan - College of Computer Studies

The moment you’ve been waiting for has finally arrived! Meet the incredible candidates who will step forward, represent ...
06/09/2026

The moment you’ve been waiting for has finally arrived! Meet the incredible candidates who will step forward, represent their Houses, and compete for the prestigious titles of MR. & MS. CCS!

But the journey to the crown won’t be decided on the stage alone. Your support can make a difference!

❤️ 1 Heart Reaction = 1 Point
🔄 1 Share = 3 Points

Show your support, choose your favorite, and help your candidate rise to the top!

Who will capture the crown?
The votes are in your hands. Let the race begin!

📷: Bradford Samson

It’s time to level up, prepare your moves, and enter the arena! CCS Days 2026 is officially dropping this September 11–1...
04/09/2026

It’s time to level up, prepare your moves, and enter the arena! CCS Days 2026 is officially dropping this September 11–12, 2026, and we’re bringing full Pokémon League energy to campus!

Four legendary houses. Four elemental forces. One ultimate championship. Which house will code their way to the top and catch the victory?

🌊 WEB WARRIORS (Squirtle)
🍃 CODE WIZARDS (Bulbasaur)
⚡ TECH TITANS (Pikachu)
🔥 BINARY BANDITS (Charmander)

Gotta debug ‘em, gotta beat ‘em, gotta win ‘em all! See you at the league arena, Trainers!

Isang buwang puno ng wika, kultura, kasaysayan, kaalaman, talento, at pagkakaisa ang ating ipinagdiwang sa Buwan ng Wika...
31/08/2026

Isang buwang puno ng wika, kultura, kasaysayan, kaalaman, talento, at pagkakaisa ang ating ipinagdiwang sa Buwan ng Wika, ASEAN Month, at History Month. Noong Agosto 19, nakiisa ang CSSO at mga faculty ng College of Computer Studies, kasama ang buong CCS community, upang ipakita ang pagpapahalaga sa ating pagkakakilanlan at kultura.

Sa buong buwan, isinagawa ang iba’t ibang gawain tulad ng Salita Ng Araw, Fun Facts, Trivia Questions, Film Showing, Filipino Literature Campaign, Poster Making, Pubmat Competition, brochure distribution, at short classroom discussions tungkol sa wika, kasaysayan, at ASEAN, at pamamahagi ng cute stickers na nagdagdag saya at kulay sa ating pagdiriwang. Hindi rin magpapahuli ang Confession Wall, na ilan sa mga confession na ating natanggap ay binigyang-buhay din sa pamamagitan ng komiks, na naghatid ng saya, kilig, at relatable na kuwento sa ating CCS community

Higit sa mga aktibidad at patimpalak, ang bawat pakikiisa ay naging daan upang matuto, lumikha, magbahagi, at magkaisa bilang isang komunidad.

Maraming salamat sa CSSO, faculty, students, participants, creative team, at sa lahat ng tumulong at nakiisa. Kung wala kayo, hindi magiging ganap ang kulay at tagumpay ng ating pagdiriwang.

Isang buwan man ang natapos, ang pagpapahalaga sa wika, kultura, kasaysayan, at pagkakaisa ay patuloy nating dadalhin.

“Sa lupang binudburan ng dugo at luha, umusbong ang kalayaang minana natin sa mga pusong hindi kailanman natutong umuron...
31/08/2026

“Sa lupang binudburan ng dugo at luha, umusbong ang kalayaang minana natin sa mga pusong hindi kailanman natutong umurong.”

Sa bawat kalayaan, may kwento ng sakripisyo. Sa bawat tagumpay ng bayan, may mga bayaning naunang lumaban.

Ngayong National Heroes Day, ating alalahanin at parangalan ang mga Pilipinong nag-alay ng kanilang panahon, lakas, at buhay para sa kinabukasang tinatamasa natin ngayon.

Ngunit ang pagiging bayani ay hindi lamang tungkol sa mga taong nasa kasaysayan. Patuloy itong nabubuhay sa bawat taong handang tumulong, may malasakit sa kapwa, at gumagawa ng tama para sa ikabubuti ng bayan.

Ang kabayanihan ay hindi natatapos sa kasaysayan, ito ay ipinagpapatuloy natin.

TRIVIA, TALENTO, AT TAGUMPAY!Handa na ba kayong malaman ang mga nagwagi sa ating mga patimpalak?Bilang bahagi ng pagdiri...
29/08/2026

TRIVIA, TALENTO, AT TAGUMPAY!

Handa na ba kayong malaman ang mga nagwagi sa ating mga patimpalak?

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ASEAN Month, at History Month, narito na ang resulta ng ating mga kompetisyon!

BUWAN NG WIKA PUBMAT COMPETITION
🥇 1st Place: Jasonn Villaver
🥈 2nd Place: Melcorvin Macaliag
🥉 3rd Place: Jessiel Mae Jangao

ASEAN POSTER MAKING COMPETITION
🥇 1st Place: Earl Lumosad
🥈 2nd Place: Justine Ryan Alipio
🥉 3rd Place: Rizalyn Oyangorin

TRIVIA QUESTION WINNERS
Para sa ating mga nanalo sa Trivia Question, ang inyong reward ay maaari nang makuha ngayong Miyerkules, Setyembre 2

Congratulations sa lahat ng winners at participants! Ipinakita ninyo ang inyong talento, pagkamalikhain, sipag, at dedikasyon sa bawat likhang inyong ipinamalas. Tunay na kahanga-hanga ang inyong mga obra at pagsisikap!

Maraming salamat din sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ASEAN Month, at History Month. Sama-sama nating ipinagdiriwang ang ating wika, kultura, kasaysayan, at pagkakaisa!

Isang patunay na mas matalas ang panulat kaysa sa espada.Ngayong Buwan ng Wika at History Month, binibigyang-pugay natin...
25/08/2026

Isang patunay na mas matalas ang panulat kaysa sa espada.

Ngayong Buwan ng Wika at History Month, binibigyang-pugay natin ang dalawang obrang gumising sa natutulog na diwa ng mga Pilipino: ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal.

Sa pamamagitan ng ating Filipino Literacy Campaign, patuloy nating isinusulong ang kahalagahan ng pagbabasa at pag-unawa sa ating kasaysayan. Dahil ang bayang nagbabasa, hindi kailanman muling magagapos.

Sama-sama tayong magbasa at matuto!

Ilabas ang galing sa Digital na Disenyo!May angking talino ka ba sa paglikha ng makabuluhan at kaakit-akit na visuals? P...
23/08/2026

Ilabas ang galing sa Digital na Disenyo!

May angking talino ka ba sa paglikha ng makabuluhan at kaakit-akit na visuals? Panahon na upang ipakita ang iyong husay sa aming PubMat Making Contest para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto! Gamitin ang digital na sining upang maipahayag ang kagandahan ng ating wika at kultura.

📌 Paksa (Theme): Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.
🗓️ Huling Araw ng Pagpapasa: Aug 28, 2026 | 11:59 PM

Iparating ang ganda ng ating wika sa bawat pixel at disenyo! Basahin ang buong detalye: https://forms.gle/sJFpRvxX2rQRjGf5A

In celebration of ASEAN Month, we invite you to explore our ASEAN Digital Exhibit!Take a moment to swipe through and cel...
22/08/2026

In celebration of ASEAN Month, we invite you to explore our ASEAN Digital Exhibit!

Take a moment to swipe through and celebrate the unity that makes Southeast Asia so strong.

Day 5 of 5! Para sa ating huling hirit ngayong Agosto Trivia Special, heto na ang pinakahuling fact para sa inyo!Sana ay...
21/08/2026

Day 5 of 5! Para sa ating huling hirit ngayong Agosto Trivia Special, heto na ang pinakahuling fact para sa inyo!

Sana ay marami kayong natutunan sa loob ng limang araw. Hanggang sa muli nating trivia time!

Pang-apat na araw na! Hindi pa tayo tapos sa pagbabahagi ng mga nakakamanghang detalye tungkol sa ating wika, kasaysayan...
20/08/2026

Pang-apat na araw na! Hindi pa tayo tapos sa pagbabahagi ng mga nakakamanghang detalye tungkol sa ating wika, kasaysayan, at rehiyon ng ASEAN.

Address


Opening Hours

Monday 08:00 - 18:00
Tuesday 08:00 - 18:00
Wednesday 08:00 - 18:00
Thursday 08:00 - 18:00
Friday 08:00 - 18:00
Saturday 08:00 - 12:00

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SPC College of Computer Studies posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to SPC College of Computer Studies:

Shortcuts

  • Want your school to be the top-listed School/college?

Share