ASU-Ibajay Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino

ASU-Ibajay Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ASU-Ibajay Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino, Education Website, Colongcolong, Aklan, Ibajay.

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ก!โœจNagkamit ng Best Paper Award sa kategoryang On-Going Extension Program/Project ang papel na โ€œClick, Read,...
19/12/2025

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ก!โœจ

Nagkamit ng Best Paper Award sa kategoryang On-Going Extension Program/Project ang papel na โ€œClick, Read, Conserve: The Katunggan It Ibajay Mangrove Storybook, Animated Video Scripts for Literacyโ€ na isinagawa nina Dr. Sharon C. Masula, Prof. Jerby J. Paderes, Dr. Perlita R. Israel, G. Ricky Latosa, Gng. Cristina Sejera, Joven Morales Resusta, Gng. Meyzcel P. Cuesta, Gng. Charmaine Key S. Masula, at G. James Lyndon Garcia.

Ang pagkilalang ito ay iginawad sa Year-End University Extension Program In-House Review na ginanap noong Disyembre 1, 2025 sa ASU Conference Hall, Banga, Aklan.

Patunay ang parangal na ito sa makabuluhang ambag ng proyekto sa pagsusulong ng literasiya at pangangalaga ng kalikasan, lalo na sa pagpapahalaga sa yamang bakawan ng Ibajay. Higit pa rito, binibigyang-diin nito ang mahalagang papel ng mga programang pang-ekstensiyon ng unibersidad sa paglilingkod sa komunidad at sa pagtataguyod ng napapanatiling kaunlaran.

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ก!โœจ

Nagkamit ng Best Paper Award sa kategoryang On-Going Extension Program/Project ang papel na โ€œClick, Comprehend, & Conserve: The Katunggan It Ibajay Mangrove Storybook, Animated Video Scripts for Literacyโ€ na isinagawa nina Dr. Sharon C. Masula, Prof. Jerby J. Paderes, Dr. Perlita R. Israel, G. Ricky Latosa, Gng. Cristina Sejera, Joven Morales Resusta, Gng. Meyzcel P. Cuesta, Gng. Charmaine Key S. Masula, at G. James Lyndon Garcia.

Ang pagkilalang ito ay iginawad sa Year-End University Extension Program In-House Review na ginanap noong Disyembre 1, 2025 sa ASU Conference Hall, Banga, Aklan.

Patunay ang parangal na ito sa makabuluhang ambag ng proyekto sa pagsusulong ng literasiya at pangangalaga ng kalikasan, lalo na sa pagpapahalaga sa yamang bakawan ng Ibajay. Higit pa rito, binibigyang-diin nito ang mahalagang papel ng mga programang pang-ekstensiyon ng unibersidad sa paglilingkod sa komunidad at sa pagtataguyod ng napapanatiling kaunlaran.

๐Œ๐š๐ฅ๐ฎ๐ ๐จ๐ ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ข๐ง๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ก๐š๐ฅ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐จ๐š๐ซ๐ ๐จ๐Ÿ ๐“๐ซ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ž๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ง๐ฎ๐ง๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐š ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ, ๐ˆ๐ง๐œ.!Isang ta...
13/12/2025

๐Œ๐š๐ฅ๐ฎ๐ ๐จ๐ ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ข๐ง๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ก๐š๐ฅ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐จ๐š๐ซ๐ ๐จ๐Ÿ ๐“๐ซ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ž๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ง๐ฎ๐ง๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐š ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ, ๐ˆ๐ง๐œ.!

Isang taos-pusong pagbati kay Doc. Sharon Masula sa kanyang pagkakahalal bilang bahagi ng lupon. Ang tagumpay na ito ay patunay ng iyong dedikasyon, at walang sawang paglilingkod sa panitikan at sa mga manunulat na Pilipino. Nawaโ€™y magsilbi kayong inspirasyon sa patuloy na pagpapayabong ng wika, kultura, at malikhaing diwa ng bayan.

Mabuhay ang panitikang Pilipino!
Mabuhay kayo, Doc. Sharon Masula!

๐€๐ง๐ฎ๐ง๐ฌ๐ฒ๐จ!๐Ÿ”ˆSa pagsalubong natin sa  araw ng Disyembre, inaanyayahan ang lahat na simulan ang linggo at buwan nang may sigl...
30/11/2025

๐€๐ง๐ฎ๐ง๐ฌ๐ฒ๐จ!๐Ÿ”ˆ

Sa pagsalubong natin sa araw ng Disyembre, inaanyayahan ang lahat na simulan ang linggo at buwan nang may sigla, disiplina, at pagkakaisa sa pamamagitan ng ating Seremonya ng bandila bukas, 7:45 AM, sa ASUโ€“Ibajay Quadrangle.
โ€Ž
โ€ŽBilang isang nagkakaisang komunidad, nawaโ€™y patuloy nating isabuhay ang mga pagpapahalagang pagkamakabayan, pananagutan, at pagkakabuklod habang sama-sama nating isinusulong ang kapayapaan at mataas na kalidad ng edukasyon. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
โ€Ž
โ€ŽPaalala: Ito ay isang obligadong gawain para sa lahat ng mag-aaral na may klase tuwing Lunes ng umaga. Mahigpit na imo-monitor ang pagdalo.
โ€Ž
โ€ŽSimulan natin ang unang araw ng buwan nang may paggalang, pagmamalaki, at buong puso sa pagdadala ng diwa ng pagiging tunay na CHARRMians. ๐Ÿ’š๐Ÿ’›๐Ÿงก

Isang Maligayang Kaarawan sa aming matiyaga at pursigidong g**o, Gng. Meyzcel P. Cuesta!!!Sa araw na ito ipinagdiriwang ...
27/10/2025

Isang Maligayang Kaarawan sa aming matiyaga at pursigidong g**o, Gng. Meyzcel P. Cuesta!!!

Sa araw na ito ipinagdiriwang natin hindi lamang ang iyong espesyal na kaarawan bagkus maging pati na rin ang iyong mga natatanging kontribusyon sa buhay ng ating mga kaguruan at mag-aaral. Ang iyong dedikasyon upang maitaguyod ng mas maganda at mas progresibo ang ating programa ay patuloy na nagsisilbi sa amin bilang isang inspirasyon, kaya buong-puso po namin itong binibigyang halaga at pinasasalamatan.

Mula po sa iyong BSED family, ipinapanalangin po namin sa Panginoon na bigyang gabay, proteksyon at pagpapala ang iyong personal at propesyonal na buhay. At hinahangad namin na mapuno ng pagmamahal, kasiyahan at higit sa lahat ay maging makabuluhan ang araw na ito sa iyo.

Muli, Maligayang Kaarawan, Gng Cuesta!
Mabuhay ka!!!

Maligayang Araw ng mga G**o sa aming minamahal na BSED Faculty at sa lahat ng mga g**o saan man panig ng mundo! Sa bawat...
04/10/2025

Maligayang Araw ng mga G**o sa aming minamahal na BSED Faculty at sa lahat ng mga g**o saan man panig ng mundo!

Sa bawat araw na inyong inilaan upang magturo, magbigay-inspirasyon, at maghubog ng mga kabataan, kayo ay tunay na mga bayani ng lipunan. Ang inyong tiyaga, dedikasyon, at malasakit ay nagsisilbing ilaw na gumagabay sa amin tungo sa tamang landas. Hindi matutumbasan ng anumang bagay ang sakripisyo at pagmamahal na inyong ibinibigay upang matuto kami at maabot ang aming mga pangarap. Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng karunungan, lakas, at kaligayahan habang isinasabuhay ninyo ang dakilang tungkulin ng pagiging g**o. Muli, isang taus-pusong pagbati ng Happy Teacherโ€™s Day! Mabuhay ang ating mga g**o! ๐Ÿ’™

Maligayang Kaarawan sa aming masigasig na g**o, Gng. Angeline Amor V. Canoy!!!Ang araw na ito ay hindi lamang para ipagd...
28/09/2025

Maligayang Kaarawan sa aming masigasig na g**o, Gng. Angeline Amor V. Canoy!!!

Ang araw na ito ay hindi lamang para ipagdiriwang ang iyong espesyal na kaarawan, kundi pati na rin ang iyong determinasyon, husay at buong-pusong pagmamalasakit para sa ating programa. Mula po sa BSED family, lubos po naming pinasasalamatan ang iyong walang-sawang pagbabahagi ng suporta at napakahalagang kontribusyon sa pagpapabuti ng ating mga kaguruan at mag-aaral.

Nawa'y patuloy kang patnubayan at pagpalain ng ating Diyos - ang iyong kalusugan, tagumpay, personal at propesyunal na buhay. At hangad po namin na mapuno ng kasiyahan, pagpupunyagi at higit sa lahat maging tunay na makabuluhan hindi lang ang araw na ito, gayundin para sa panibagong kabanata ng iyong buhay na tatahakin.

Muli, Maligayang Kaarawan po, Gng. Canoy!!!

Isang Maligayang Kaarawan, Engr. Johnee Jess R. Cahilig!!!Sa araw na ito, taos-puso po naming ipinapaabot ang ang isang ...
28/09/2025

Isang Maligayang Kaarawan, Engr. Johnee Jess R. Cahilig!!!

Sa araw na ito, taos-puso po naming ipinapaabot ang ang isang maligayang pagbati sa Tagapangulo ng OSAS na si Prop. Johnee Jess R. Cahilig. Nawa'y patuloy kang pagpalain ng Diyos - ang iyong kalusugan, tagumpay, personal at propesyonal na buhay.

Ang iyong dedikasyon at kahusayan sa pamumuno na nagsisilbing inspirasyon hindi lang sa mga kaguruan, kundi pati na rin para sa mga mag-aaral ay lubos po naming pinasasalamatan. Hangad namin na mapuno ng mga magagandang pangyayari, masasayang alaala, at higit sa lahat ay maging makabuluhan ang araw na ito sa iyo.

Sa muli, Maligayang Kaarawan po, Prop. Johnee Jess R. Cahilig.

โœจ๐“๐š๐จ๐ฌ-๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ!โœจSa likod ng bawat matagumpay na programa ay may mga taong handang tumulong at magtiwala. Lubos...
09/09/2025

โœจ๐“๐š๐จ๐ฌ-๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ!โœจ

Sa likod ng bawat matagumpay na programa ay may mga taong handang tumulong at magtiwala. Lubos po kaming nagpupugay at nagpapasalamat sa aming mga mahal na sponsors na buong puso at walang pag-aalinlangan na nagbigay ng suporta para sa ginanap na Lakan at Lakambini ng Wika 2025 noong Agosto 29 sa Aklan State University Ibajay Campus.

Ang inyong kagandahang-loob at pagtitiwala ay nagsilbing inspirasyon sa amin upang mas lalo pang pagyamanin ang ating wika, kultura, at tradisyon. Dahil sa inyong tulong, nagkaroon kami ng pagkakataon na maipakita ang galing at talento ng ating mga kabataan, pati na rin ang pagmamahal sa ating bayan.

Mula sa kaibuturan ng aming puso, maraming-maraming salamat sa pagiging katuwang sa adhikain ng pagpapaunlad at pagpreserba ng ating pambansang pagkakakilanlan. Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain at bigyan ng mas marami pang biyaya upang makapagbahagi ng inspirasyon sa iba.

Hinihikayat namin ang lahat na itangkilik at kilalanin ang ating mga sponsors na walang pag-aalinlangang nagbigay ng kanilang panahon, tulong, at mga biyaya. Nawaโ€™y patuloy natin silang suportahan tulad ng walang sawang pagsuporta nila sa ating mga adhikain. โœจ

TINGNAN|๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ข๐ฌ๐š๐ ๐ฐ๐š ๐š๐ง๐  "๐๐€๐†๐‡๐ˆ๐‹๐ˆ๐’๐€๐˜๐Ž๐ƒ" ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐œ๐ก๐ž๐ฅ๐จ๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐๐š๐œ๐ก๐ž๐ฅ...
04/09/2025

TINGNAN|๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ข๐ฌ๐š๐ ๐ฐ๐š ๐š๐ง๐  "๐๐€๐†๐‡๐ˆ๐‹๐ˆ๐’๐€๐˜๐Ž๐ƒ" ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐œ๐ก๐ž๐ฅ๐จ๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐๐š๐œ๐ก๐ž๐ฅ๐จ๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐’๐ž๐œ๐จ๐ง๐๐š๐ซ๐ฒ ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ฃ๐จ๐ซ ๐ข๐ง ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ.

Ibajay, Aklan โ€” Matagumpay na isinagawa ng mga programa ng Bachelor of Elementary Education (BEED) at Bachelor of Secondary Education (BSED) Major in Filipino ang โ€œPaghilisayodโ€ 2025 Program Orientation noong Setyembre 4, 2025, sa Aklan State Universityโ€“Ibajay Gymnasium.

Ang programa ay pinangunahan ni G. Niรฑo Miko L. Delfin bilang tagapagdaloy, ang oryentasyon ay nagsilbing makabuluhang pagkakataon upang bigyang-gabay ang mga estudyante sa pag-unawa ng kanilang paglalakbay-akademiko at mga responsibilidad para sa darating na taon.

Binuksan ang programa sa pamamagitan ng mga panimulang gawain kabilang ang panalangin, pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas at Himno ng ASU, at sinundan ng Pambungad na Pananalita mula kay Dr. Dennis C. Baladjay, BEED Program Chairperson. Nagbahagi rin ng makabuluhang mensahe si Prop. Jerby J. Paderes, Campus Director.

Ipinakilala sa oryentasyon ang Vision, Mission, Goals, and Objectives (VMGO) at ang Quality Policy ng pamantasan. Pormal ding ipinakilala ang mga g**o at tagapayo ng dalawang programa, kalakip ang masusing paglalahad ng kabuuang balangkas at layunin ng BEED at BSED.

Tinalakay rin ang mga mahahalagang paksa tulad ng Admission at Retention Policy, Sistema ng Pagmamarka at Latin Honors, at mga Oportunidad para sa Scholarship. Ipinaalala rin sa mga estudyante ang mga patakaran hinggil sa Code of Conduct, Student Services, at ang pormal na Pagsout ng Uniporme.

Sa pagkukumpleto ng programa, pormal na ipinakilala ang mga bagong halal na opisyal ng BEED at BSED student organizations, na pinamumunuan nila June Rey T. Calizo, Gobernador ng Young Educator's Society ( YES) at Aterus Mython O. Alejandro, Gobernador ng Samahan ng mga Mag- aaral Sa Filipino (SAMAGFIL).

Nagtapos ang gawain sa pamamagitan ng Pangwakas na Pananalita mula kay Dr. Sharon C. Masula, Chairperson ng BSED Program.

Ito ay matagumpay na natapos mula sa aktibong pakikinig at pagbabahagi ng bawat nakibahagi sa nasabing programa.




๐ŸŽ‰ Welcome, Future Educators! ๐ŸŽ‰Get ready for โ€œPaghilisayodโ€ a Program Orientation for Academic Year 2025โ€“2026! ๐Ÿ’ก๐Ÿ“Œ Program...
04/09/2025

๐ŸŽ‰ Welcome, Future Educators! ๐ŸŽ‰

Get ready for โ€œPaghilisayodโ€ a Program Orientation for Academic Year 2025โ€“2026! ๐Ÿ’ก

๐Ÿ“Œ Programs Featured:
๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ Bachelor of Elementary Education (BEED)
๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ Bachelor of Secondary Education (BSED)

๐Ÿ—“ When: September 4, 2025 | 1:00 PM โ€“ 5:00 PM
๐Ÿ“ Where: ASU Ibajay Gym

โœจ This orientation will walk you through university life, student services, and program essentials to jumpstart your ASU journey.

โœ… Be there and donโ€™t miss out!

โœจ ๐๐š๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ ๐ฐ๐š๐ ๐ข ๐š๐ญ ๐€๐ค๐ญ๐ข๐›๐จ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ก๐จ๐ค! โœจIpinapaabot ang aming taos-pusong pagbati sa lahat ng mga pangkat na na...
03/09/2025

โœจ ๐๐š๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ ๐ฐ๐š๐ ๐ข ๐š๐ญ ๐€๐ค๐ญ๐ข๐›๐จ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ก๐จ๐ค! โœจ

Ipinapaabot ang aming taos-pusong pagbati sa lahat ng mga pangkat na nagwagi at aktibong nakilahok sa Interaktibong Aktibidad: Isang Wika, Isang Diwa! bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may temang: "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa".

Ang inyong dedikasyon, pakikiisa, at pakikipagtulungan ay patunay ng tunay na may diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa ating wika at kultura!

โœจ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ข๐ง๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ฐ๐š๐ ๐ข ๐ฌ๐š ๐ข๐›๐šโ€™๐ญ ๐ข๐›๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ค ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š!โœจNarito ang mga nanalo sa p...
03/09/2025

โœจ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ข๐ง๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ฐ๐š๐ ๐ข ๐ฌ๐š ๐ข๐›๐šโ€™๐ญ ๐ข๐›๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ค ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š!โœจ

Narito ang mga nanalo sa patimpalak na Pagsulat ng TULA.
Silaโ€™y makatatanggap ng sertipiko ng pagkilala at mga premyo bilang pagkilala sa kanilang husay, malikhaing isipan, at dedikasyon.

Address

Colongcolong, Aklan
Ibajay
5613

Telephone

+63362892612

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ASU-Ibajay Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to ASU-Ibajay Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino:

Shortcuts

Share