18/08/2026
๐๐๐๐๐ง๐๐ก๐ ๐๐ฆ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง๐ฆ | ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐: ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐น๐ฒ๐๐ฎ, ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Sa gitna ng sigaw ng pagpupugay at walang patid na palakpakan, pormal na isinagawa ang Awarding Ceremony para sa Intramurals 2026 sa Fr. Guido Colleti Gymnasium upang kilalanin ang pagsisikap, husay, at dedikasyon ng mga bata at kabataang atleta.
Isang makabuluhang yugto ang naturang pagtitipon upang bigyang-parangal ang mga mag-aaral mula Pre-Elementary hanggang High School na nagpamalas ng natatanging galing at tunay na diwa ng palakasan sa nakalipas na mga araw ng kompetisyon.
Tampok sa ginanap na awarding ceremony ang paggawad ng medalya at tropeo sa mga kampeon ng iba't ibang laro, pati na rin sa mga nangingibabaw na pangkat sa larangan ng pangkulturang pagtatanghal.
Nanguna at itinanghal na kampeon sa Mass Dance Competition ang Grade 1 para sa Level 1 (Grade 1-3) at ang Grade 4 para sa Level 2 (Grade 4-6). Samantala, iginawad naman ang tagumpay sa Chair Dance Competition sa Grade 9 para sa Level 1 (Grade 7-9) at sa Grade 12 para sa Level 2 (Grade 10-12) matapos ang kanilang nakamamanghang hataw at malikhaing koreograpiya.
Higit sa mga napanalunang parangal, nangingibabaw ang mga ngiti, nabuong pagkakaibigan, at mga alaalang binuo ng bawat isa. Pinatunayan ng bawat kalahok ang kanilang pagiging tapat na Jamesian sa pamamagitan ng pagpapakita ng matatag na Pusong Oblatos at buhay na Diwang Marelliano.
Bagamat naipamahagi na ang karamihan sa mga parangal, hindi pa rito ganap na nagtatapos ang palaro. Patuloy pa ring aapoy ang kompetisyon dahil nakatakda pang tapusin ng High School department ang mga natitirang huling laban sa Volleyball at Sepak Takraw na tiyak na maghahatid ng mas matinding kapanabikan.
โ๏ธ Jana Francheska M. Buenviaje
๐ท๐ป Andreia Nichole P. Bangcuyo, Jana Francheska M. Buenviaje, Rayne Maryell C. Montalbo, Francheska Maye D. Perez
๐ฐ ๐ง๐ต๐ฒ ๐๐ฎ๐บ๐ฒ๐๐ถ๐ฎ๐ป | ๐ง๐ต๐ฒ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป