01/08/2026
Maraming Salamat sa Lahat ng Nakiisa! ๐๐ฟ
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month na may temang "Nutrisyon at Kalikasan: Ating Pangalagaan!" na ginanap sa San Pedro Child Development Center, San Pedro, Hagonoy, Bulacan.
Ang tagumpay ng ating programa ay naging posible dahil sa suporta, pakikiisa, at sama-samang pagtutulungan ng bawat isa.
Lubos po naming pinasasalamatan sina Kapitan Danilo Jumaquio, Kagawad on Nutrition Placido Cruz, at ang buong Sangguniang Barangay San Pedro sa kanilang walang sawang suporta sa ating mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga bata. Maraming salamat din kina SK Victoria Nicole Coral, SK Thoby Escarza, at sa buong Sangguniang Kabataan ng San Pedro sa kanilang aktibong pakikiisa at pagtulong upang maging matagumpay ang ating pagdiriwang. Pasasalamat din sa ating mga Barangay Tanod, sa pangunguna ni Hepe Simon Bernardo, sa kanilang mahalagang serbisyo sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng programa.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa ating mga NGOsโMary Anne Maclang, Jessica, at Aileen Acuรฑa Fabianโsa kanilang pakikiisa at suporta. Isang espesyal na pasasalamat kay Ma'am Aileen A. Fabian sa pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa wastong nutrisyon at pangangalaga.
Lubos din po kaming nagpapasalamat kay Ma'am Regie Dalmacio sa kanyang tulong upang maisakatuparan ang makabuluhang health talk ni Nurse Olivia D. C. Nuyte, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kahalagahan ng deworming at pagbabakuna laban sa tigdas, na napakahalaga sa kalusugan at tamang paglaki ng mga anak.
Isang taos-pusong pasasalamat din kay LLN Annalyn Ato-Sinon Delos Santos, sa ating mga Mother Leaders, at sa ating mga Barangay Health Workers (BHWs) sa kanilang dedikasyon at patuloy na suporta sa mga programang pangkalusugan at pangkaunlaran ng ating komunidad.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa ating mahal na Mayor Ma. Rosario Ate Charo Sy-Alvarado at sa Hagonoy Municipal Nutrition Office, sa pangunguna ni MNAO Jeffrey Reyes, sa kanilang patuloy na paggabay, pakikipagtulungan, at suporta sa mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon ng ating barangay.
At siyempre, isang malaking palakpakan para sa ating mga munting mag-aaral na buong husay at kumpiyansang ipinakita ang kanilang makukulay na kasuotan. Kayo ang tunay na inspirasyon ng selebrasyong ito.
Maraming salamat sa inyong lahat! Sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilos, nawa'y patuloy nating maisulong ang wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalikasan, at kalusugan ng bawat bata tungo sa isang mas malusog, mas ligtas, at mas magandang kinabukasan.
๐ฑ๐ Happy 52nd Nutrition Month! ๐๐ฑ