11/04/2026
Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng Grade 10 Completers ng Lamon Bay School of Fisheries sa matagumpay na ginanap na Moving Up Ceremony! 🎓✨
Ang araw na ito ay patunay ng inyong pagsisikap, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy ninyo ang inyong mga pangarap sa susunod na yugto ng inyong buhay akademiko. Ipinagmamalaki namin kayong lahat! 💙
Lubos din ang aming pasasalamat sa aming butihing Guest Speaker na si Mrs. Angela A. Bancal sa kanyang napakagandang mensahe at walang sawang suporta sa aming paaralan. Hindi lamang siya nagbahagi ng inspirasyon kundi nagkaloob din ng mga biyaya—mga regalo para sa Grade 10 advisers at iba pang g**o, Jollibee Chickenjoy para sa lahat ng completers at sa lahat ng teaching at non-teaching personnel ng LBSF at halagang ₱500.00 sa bawat mag-aaral na nagkamit ng karangalan. Bukod pa rito, nagbigay rin siya ng tulong pinansyal sa paaralan bilang patunay ng kanyang malasakit at pagmamahal sa edukasyon. 💖
Maraming maraming salamat po, Mrs. Bancal, sa inyong kabutihan at bukas-palad na pagtulong. Isa po kayong tunay na inspirasyon sa aming lahat. 🙏
Muli, pagbati sa ating mga completers! Patuloy ninyong abutin ang inyong mga pangarap! 🌟