Usapang BONI

Usapang BONI Welcome to Usapang BONI, the Official page of G10-Andres Bonifacio of Gumaca NHS

π—•π—”π—¦π—”π—›π—œπ—‘ || Ang masidhi at rebolusyonaryong paglalahad ng pag-ibig ni Andres Bonifacio kay Gregoria De Jesus o Ka Oryang....
10/05/2026

π—•π—”π—¦π—”π—›π—œπ—‘ || Ang masidhi at rebolusyonaryong paglalahad ng pag-ibig ni Andres Bonifacio kay Gregoria De Jesus o Ka Oryang.πŸ†ŽπŸ‡΅πŸ‡­

Ika-1 Mayo 1897

Mahal kong Oryang,

Mali ka. Hindi kita nakasalubong upang sa dulo ng kalsada, ako ay liliko sa kanan at ikaw sa kaliwa. Sapagkat saan man tayo dalhin ng ating pakikibaka, ikaw lang ang aking itatangi at makailang ulit na ihaharap sa pulang bandila. Hindi tayo nagpalitan ng mga kwento upang sa pinakahuling tuldok ng pangungusap, ang karugtong ay alingawngaw ng katahimikan. Walang pagod kitang aawitan ng imnong pambayan, Oryang. Hindi kailanman ako mauubusan ng salita upang maialay sa iyo bilang mga tula. Maging ang bulong at buntung-hininga’y magpapahayag ng pagsinta sa tulad mong umiibig din sa bansa. Hindi tayo sabay na tumawa, nagkatinginan, at tumawa pa nang mas malakas, upang sa paghupa ng halakhak ay may butil ng luha na mamimintana sa ating mga mata. Loobin man ng Maykapal na pansamantala tayong magkawalay, tandaan mong ang halakhak at sigaw ng ating mga kasamahan ay sa akin rin. Hindi ka dapat masabik sa akin sapagkat ako’y mananatili sa iyong piling. Hindi kita niyakap nang ilang ulit upang sa pagkalas ng mga braso ko sayo ay maramdaman mong iniiwan kita. Habambuhay akong magiging tapat sa ating panata, Oryang. Kapara ng binitawan kong sumpa sa ngalan ng bayan, tayo’y mananatiling katipun, kawal, at bayani ng ating pagmamahalan. Hindi tayo bumuo ng mga alaala sa umaga, tanghali at gabi upang sa muli mong paggising ay maisip mong hindi tayo nagkasama sa pakikidigma. Hindi ko man hawak ang bukas, nais kong tanganan mo ang aking pangako na ilang ulit kong pipiliing mabuhay at pumanaw upang patunayan sa iyong mali ka. At kung magkataong ako’y paharapin sa ating anak na si Andres, buo ang loob kong haharap sa kanya at sasabihin ko sa kanyang mali ka. Hindi ako bumati sa simula upang sa huli ay magpaalam.

Ikaw ang aking bayan,
Andres



MAY 10, 1897 || π—”π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺ π—‘π—š π—žπ—”π— π—”π—§π—”π—¬π—”π—‘ π—‘π—œ 𝗔𝗑𝗗π—₯π—˜π—¦ π—•π—’π—‘π—œπ—™π—”π—–π—œπ—’Si Andres Bonifacio y de Castro ay isang kilalang bayani ng Pil...
10/05/2026

MAY 10, 1897 || π—”π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺ π—‘π—š π—žπ—”π— π—”π—§π—”π—¬π—”π—‘ π—‘π—œ 𝗔𝗑𝗗π—₯π—˜π—¦ π—•π—’π—‘π—œπ—™π—”π—–π—œπ—’

Si Andres Bonifacio y de Castro ay isang kilalang bayani ng Pilipinas. Siya ang nagtatag at naging Supremo ng Katipunan, isang sikretong samahang naglayong makamtan ang kalayaan ng Pilipinas mula sa kolonyalismo ng Espanya noong ika-19 dantaon. Isinilang siya noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Maynila.

Si Bonifacio ay anak ng mag-asawang Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nagtrabaho siya bilang manggagawa sa tabako bago maging lider ng kilusang rebolusyonaryo.

Natapos siya sa Mababang Paaralan ni Guillermo Osmena ng Cebu at sa gulang na 14, ang kaniyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababatang kapatid. Bilang hanapbuhay, inatasan niya ang kaniyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kaniyang itininda sa lansangan.

Una niyang asawa si Monica na namatay sa ketong. Muling nag-asawa si Andres sa katauhan ni Gregoria de Jesus noong March 1893. Isinilang ang kaisa-isa nilang anak na pinangalanan din nilang Andres na pumanaw din noong Hunyo 1896 dahil sa smallpox.

Siya ang nagsimula ng Himagsikang Filipino noong 1896. Bnansagan siyang Ama ng Katipunan at tinawag na Supremo. Sa naganap na Tejeros Convention, sinubukan ng mga kasapi ng lupon ng mga Magdalo na usisain ang kakayahan ni Andres Bonifacio na gawin ang tungkulin ng isang Tagapangasiwang Panloob na ayon sa kanila ay gawain lamang ng isang abogado kaya nainsulto si Bonifacio. Idineklara ng Supremo, bilang tagapanguna ng Katipunan na walang bisa ang naganap na eleksyon dahilan sa diumano’y pandaraya ng mga Magdalo sa botohan. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil. Habang hindi pa nakaalis sa Cavite, siya ay ipinahuli. Iniutos kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagpatay kay Bonifacio kasama ang kaniyang kapatid na si Procopio noong May 10, 1897 sa Bundok Buntis sa Maragondon, Cavite.



Hey GNHSers! πŸ‘€
27/04/2026

Hey GNHSers! πŸ‘€

Malalaking banner ng iba't-ibang batch ng π—šπŸ­πŸ¬-𝗔𝗑𝗗π—₯π—˜π—¦ π—•π—’π—‘π—œπ—™π—”π—–π—œπ—’, literal! Sino ba namang makalilimot sa mga eksenang ito ...
30/03/2026

Malalaking banner ng iba't-ibang batch ng π—šπŸ­πŸ¬-𝗔𝗑𝗗π—₯π—˜π—¦ π—•π—’π—‘π—œπ—™π—”π—–π—œπ—’, literal! Sino ba namang makalilimot sa mga eksenang ito sa bawat laban.

π—šπŸ­πŸ¬-𝗔𝗑𝗗π—₯π—˜π—¦ π—•π—’π—‘π—œπ—™π—”π—–π—œπ—’πŸ‡΅πŸ‡­
Simple.Masaya.Positibo.

27/03/2026

PARTING IS SUCH A. SWEET SORROW!

Ang huling "Goodbye Class!" Baunin ang mga aral na natutunan sa paaralan at gamitin ito sa pagharap sa totoong hamon ng buhay. Sa labas ng Bonifacio, andun ang tunay na laban at sukatan ng totoong tagumpay. Tandaan na ang itinuro ay walang saysay kung hindi isasabuhay. Sa huli, ang pinakamahalaga pa din ay ang pagiging mabuting tao.

π—šπŸ­πŸ¬-𝗔𝗑𝗗π—₯π—˜π—¦ π—•π—’π—‘π—œπ—™π—”π—–π—œπ—’πŸ‡΅πŸ‡­
Simple.Masaya.Positibo.

SUCCESSFUL FINAL DEMO!Congratulations sa aming mahusay na Student-Teacher, Mam Johara Luna sa kaniyang matagumpay na Pak...
20/03/2026

SUCCESSFUL FINAL DEMO!

Congratulations sa aming mahusay na Student-Teacher, Mam Johara Luna sa kaniyang matagumpay na Pakitang-Turo sa Araling Panlipunan kasama ang G10-Andres Bonifacio sa pamamatnubay ni Sir Jonathan Escolano. Goodluck Mam sa iyong karera sa hinaharap at alam namin na mas magiging matagumpay pa ito dahil sa iyong ipinamalas na dedikasyon, galing, siipag at pagmamahal sa bawat isa sa amin. Congratulations din sa iyong nalalapit na pagtatapos sa Kolehiyo. Mahal ka po namin Mam. Thank you and God bless you always. πŸ†ŽπŸ’–πŸ™

Isa ka pong inspirasyon sa bawat batang nangangarap.

π—šπŸ­πŸ¬-𝗔𝗑𝗗π—₯π—˜π—¦ π—•π—’π—‘π—œπ—™π—”π—–π—œπ—’πŸ‡΅πŸ‡­
Simple.Masaya.Positibo.

LAST 10 DAYS AS G10-ANDRES BONIFACIO, BUT THE MEMORIES WILL SURELY LAST A  LIFETIME! As time passes, our time together s...
13/03/2026

LAST 10 DAYS AS G10-ANDRES BONIFACIO, BUT THE MEMORIES WILL SURELY LAST A LIFETIME!

As time passes, our time together slowly running out. Today we took our completion photos, wearing a smile that genuinely shows the memories from being G10 knowing that someday we will miss being part of Andres Bonifacio.

"Simple, Masaya, Positibo " a guiding principle we won't forget. "Anak ni Sir Escolano", words dedicated to our beloved adviser. And now we are ready to take another step of our life and achieve a lot of new victories.

Behind those beautiful smiles and faces is a person that was mold with purity and love ready to face any challenges along the way.

G-10 ANDRES BONIFACIO, ANAK NI SIR ESCOLANO, MABUTING PILIPINO...!!!πŸ†ŽπŸ’’

π—šπŸ­πŸ¬-𝗔𝗑𝗗π—₯π—˜π—¦ π—•π—’π—‘π—œπ—™π—”π—–π—œπ—’πŸ‡΅πŸ‡­
Simple.Masaya.Positibo.

Address

Gumaca National High School, Brgy. Mabini Gumaca, Quezon
Gumaca
4307

Telephone

+639777492168

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Usapang BONI posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category