26/05/2026
Ang Travesia Elementary School ay muling nag-aanyaya sa lahat ng mga magulang, mag-aaral, alumni, stakeholders, at mga kasapi ng komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela 2026 na gaganapin sa darating na Hunyo 01-05, 2026 sa loob ng paaralan.
Layunin ng Brigada Eskwela na maihanda ang ating mga silid-aralan at pasilidad upang maging ligtas, malinis, at maayos para sa pagbubukas ng klase. Inaasahan ang inyong aktibong pakikilahok sa mga gawaing tulad ng:
Pangkalahatang Paglilinis ng paaralan
Pagpipintura at pagkukumpuni ng mga silid-aralan
Pagbibigay ng donasyon tulad ng pintura, gamit panglinis, at iba pang school supplies
Inaanyayahan namin ang lahat na maglaan ng oras, lakas, at suporta upang sama-sama nating maitaguyod ang isang maayos at makabuluhang pagbubukas ng klase para sa ating mga mag-aaral.