13/06/2026
Matagumpay na isinagawa ng San Isidro Elementary School ang kauna-unahang General Parent-Teacher Association (PTA) Meeting para sa Taong Panuruan 2026–2027 noong Hunyo 11, 2026. Dinaluhan ito ng mga magulang, at mga g**o ko upang talakayin ang mahahalagang impormasyon at programa para sa kapakanan at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Pinangunahan ni Gng. Ma. Cristina C. Magpantay, Principal I, ang pagpupulong at tinalakay ang mahahalagang probisyon ng DepEd Order No. 9, s. 2026. Binigyang-diin niya ang komprehensibong gabay sa pagpapatupad ng School Calendar and Activities para sa SY 2026–2027 upang matiyak ang maayos, organisado, at epektibong paghahatid ng edukasyon sa ilalim ng Three-Term School Calendar.
Ipinaliwanag naman ni Gng. Vina Saira H. Untalan, Teacher III, ang DepEd Order No. 15, s. 2026 o ang Revised Guidelines on Classroom Assessment, Grading System, and Awards and Recognition for the K to 12 Basic Education Program. Nakatulong ang talakayang ito upang mas maunawaan ng mga magulang ang mga pagbabago sa sistema ng pagtataya at pagkilala sa mga mag-aaral.
Inilahad ni Gng. Wanda Merced M. Landicho, Teacher III, ang opisyal na class schedule para sa bagong taon ng pag-aaral, habang tinalakay ni G. Ramon Z. Alano, Teacher III at DRRM Coordinator, ang DepEd Order No. 14, s. 2026 na tumatalakay sa mga alituntunin para sa pagpapatuloy ng pagkatuto sa panahon ng mga emerhensiya at kalamidad.
Nagbigay rin ng ulat si Irish I. Rebleza, Teacher II at SIES Faculty Treasurer, hinggil sa mga usaping pinansyal at iba pang mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa pondo ng lukad.
Naging makabuluhan ang pagpupulong dahil nagkaroon ng pagkakataon ang mga magulang na maunawaan ang mga polisiya at programang ipatutupad ng paaralan ngayong taon. Higit sa lahat, napatunayan nito ang kahalagahan ng matibay na ugnayan ng paaralan at tahanan sa pagtataguyod ng kalidad na edukasyon.
Patuloy na hinihikayat ng San Isidro ES ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na makiisa sa mga susunod na pagpupulong at programa ng PTA upang higit pang mapagtibay ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa tagumpay ng bawat mag-aaral.