11/05/2012
This is the WARNING !! Please read and be WARE !!! We shouldn't be afraid, but let us anticipate. We may not be the PERFECT PERSONS, but we can do things at the remaining Moments of our stay on this world. or we should do what we have to.
♥ MAYAN PROPHECY DECEMBER 21, 2012 ♥
♥ ANO nga kaya ang mangyayari sa DECEMBER 21, 2012 ?
Marami ang Natawa at Marami rin ang Natakot sa mga kumakalat nabalita na magugunaw na ang mundo sa darating ng DECEMBER 21, 2012.
Ilang dokumentaryo na ang ginawa at ilang balita na ang lumabas ukol sa “ Dooms Day ” nalubhang lumikha ng takot lalo na’tPapalapit na ang DECEMBER 21, 2012.
Sinasabing nagsimula ang Prediksyong ito sa Mayan calendarna nagtatapos sa DECEMBER 21 na papatak ngayong taon sa ganap na ika-7:11 ng Gabi ( sa Pilipinas).
Ayon sa mga Pananaliksik ang mga Mayan ay mahuhusay na astronomers at mathematician. Mataman nilang pinag-aaralan ang kilos ng mga planeta at mga bituin sa langit dahil sa “Precise mapping” ng mga heavenly body na ito nakadepende ang kanilang kabuhayan at Pamumuhay.
Marami pang sumuporta sa prediksyong ito base na rin sa pag-aaral ng mga eksperto. Kalat na kalat na ang mga ito sa internet, na isang magandang medium para mabilis na mapaabot sa maraming tao sa iba’t ibang parte ng mundo ang naturang balita.
Batay naman sa NASA, magkakaroon ng “Galactic alignment” ang mundo at araw sagitna ng Milky Way Galaxy na hindipangkaraniwang nangyayari sa DECEMBER 21, 2012. May pag-aaraldin na lumabas na may butas na ang Protective layer ng Earth na Panangga nito sa matinding sikat ng araw. ( Global warming ) At sa oras na mag-align umano ang mundo at araw ay direktang papasok ang napakatinding init sa mundo na lubhang mapanganib sa tao.
May ulat rin na nagsabi na may kometang tatama sa mundo na siyang posibleng makawasak sa tahanan ng tao.
May mga dokumentaryong lumabas kung saan ipinakita na aksidenteng nakuhanan ng video ng isang sikat na international news channel sa mundo, na may mga elitistang nagpapagawa na ngayon ng malaking barko para kanilang masakyan sakaling lamunin ng malaking tubig ang mundo gaya ng nangyari sa sa istorya ng “Noah’s Arc” sa CatholicBible.
Nagpapatayo na rin ang mga elitista ng mga city o mga lungsodsa ilalim ng lupa kung saan sila nagpapagawa ng mga condominium na kanilang Pagtataguan sa oras na dumating na ang kinatatakutang araw.
Bumibili o mas tamang sabihin napinapakyaw na nila ng malakihan ang mga pangunahing bilihan gaya ng pagkain at tubig at iniimbak o itinatago para may makain at mainom sila pag dumating ang kinatatakutang araw.
Marami ang naniniwala, marami ang hindi. Kanya-kanya ng opinyon ngunit sa totoo ay walang sinuman ang talagang nakakaalam kung kailan Magugunaw ang mundo at kung may Mangyayari nga sa DECEMBER 21, 2012.
Admin