Hayyy

Hayyy Buhay

12/07/2026

Hayaang dumaloy ang mga pangyayaring hindi kayang pigilan,
Sapagkat ang bawat hibla ng tadhana'y may lihim na dahilan.
May mga unos na dumarating, hindi upang tayo'y tuluyang pagsarhan,
Kundi upang tayo'y turuan at ihanda sa mga pagkakataong nakalaan.

Kaya sa halip na magpatangay sa takot, ang bawat panalangin ay lakasan;
Yakapin ang pagtitiwala, at mahalin ang sariling patuloy na lumalaban.



11/07/2026

Kapag kaloob ng langit, hindi mo na kailangang ipilit.❤️



10/07/2026

Masaya akong makita muli ang sarili kong ganito,
'Di alintana ang sasabihin ng kahit sinong tao.
Basta't gagawin ko ang mga bagay na gusto ko,
Tila nakalaya sa mundong matagal akong ginulo.

'Di na ako takot sa mga bagay na 'di pa sigurado,
Ang alam ko lang, handa na ulit akong lumaban at matuto.
Muli na namang nakatayo sa gitna ng malawak na entablado,
Hindi pa tapos sa paghilom, ngunit handa na sa panibagong dwelo.

Ito'y higit pa sa sugal, sa haba ng naging sakripisyo.
Ilang ulit na akong nadapa, nasugatan, at natalo.
Ngunit hindi maaaring dito na lang magtapos ang laban ko,
Hindi ko na kailangang magpaliwanag—alam ng Diyos kung saan ako patungo.



09/07/2026

Ganito pala ang pakiramdam ng pagmamahal sa sarili.
Matagal-tagal ko ring inakalang ang mabuhay ay pawang pagmamadali,
Na para bang ang lahat ng kasiyahan at kapayapaan ay nabibili.
Nakalimutan ko na ang mga panahong tunay ang aking mga ngiti.

Ngayon, gusto ko nang maramdaman ito sa bawat sandali.
Nahanap ko ang mga piraso ng aking pagkataong ako mismo ang nagkubli.
Hindi man ako buo, unti-unti ko nang natututunang tanggapin at ikandili.
Maraming salamat, Ama, sa bawat pagkakataong ako'y bumangon muli.



08/07/2026

Hakbang ka lamang at patuloy na mabuhay,
Hindi mahalaga kung mabilis man o dahan-dahan ang paglalakbay.
Ituon ang iyong mga mata sa kagandahan ng kulay at saysay.
At huwag kalimutan ang pag-asang walang hanggan at kabutihang taglay.




07/07/2026

Walk at the pace God has set for you. Don't measure your journey against someone else's, because God's timing is always perfect. What feels like waiting may actually be preparation. He is shaping your character, strengthening your faith, and opening doors that no one can shut. Trust the process, remain faithful, and remember: "He has made everything beautiful in its time." (Ecclesiastes 3:11)

You are exactly where God is working in your life. Every delay, every lesson, and every closed door has a purpose. Don't rush ahead of His will or grow weary in the waiting. God's plans are higher than yours, and His promises never fail. Keep trusting Him, for "those who wait for the Lord shall renew their strength." (Isaiah 40:31)

Stay faithful to God's pace for your life. While others may seem to be moving ahead, remember that comparison steals peace, but trust brings strength. The Lord is preparing you for what He has prepared for you. In every season, He is working all things together for good for those who love Him and are called according to His purpose. (Romans 8:28)




06/07/2026

Maniwala, Manalangin at Magtiwala ❤️☝️




05/07/2026

Perfect Crown




Address

Gubat
4710

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hayyy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category