CMM - CFAM Media Ministry

CMM - CFAM Media Ministry To proclaim the story of Jesus so that all may know and live communion with God and share His saving love.

Today we honor Mary, Queen of Heaven and Earthβ€”humble servant, loving Mother, and faithful disciple of Christ. May she l...
22/08/2026

Today we honor Mary, Queen of Heaven and Earthβ€”humble servant, loving Mother, and faithful disciple of Christ. May she lead us ever closer to her Son and teach us to say β€œyes” to God with a trusting heart.

Mary, Queen of Heaven, pray for us!

AUGUST 22, 2026 | π‘πžπŸπ₯𝐞𝐜𝐭𝐒𝐨𝐧 π€π«πšπ°-π€π«πšπ°: 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π€π«πšπ°, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π’πšπ₯𝐒𝐭𝐚, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐧𝐒𝐧𝐒π₯𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚π₯𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚.Ang Tinapay at Ala...
22/08/2026

AUGUST 22, 2026 | π‘πžπŸπ₯𝐞𝐜𝐭𝐒𝐨𝐧 π€π«πšπ°-π€π«πšπ°: 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π€π«πšπ°, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π’πšπ₯𝐒𝐭𝐚, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐧𝐒𝐧𝐒π₯𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚π₯𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚.

Ang Tinapay at Alak
By: Editha O. Flogio, Katekista

π— π—”π—•π—¨π—§π—œπ—‘π—š π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”:
β€œ Ito ang aking Katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.” (1 Corinto 11:24)

π—£π—”π—šπ—‘π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—”π—¬:
Ang pagkain ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao para mabuhay, kung hindi tayo kakain tayo ay magugutom, manghihina, magkakasakit at magdudulot sa atin ng kamatayan. Ang Panginoon ang siyang pinagmumulan ng ating pangangailangan, sa panalangin tinuruan tayo ni Hesus ni manalangin sa Ama na ipagkaloob ang ating pangangailangan. Subalit sapat na ba ang pagkaing ito at kumain lang upang mabuhay. May isang yugto sa Ebangelyo na winika ni Hesus na hindi lamang tayo nabubuhay sa tinapay(pagkain) kundi sa Salita ng Diyos. Ito ang halaga ng Tinapay at alak sa misa, hindi ito simbolo lamang, matapos ang konsagrasyon na ginaganap ng pari ito ay nagiging tunay na katawan at dugo ni Hesus, na siyang ipinagkakaloob sa atin para sa kaligtasan ng lahat. Ito ay pagkain na inihahandog para sa atin, ito ay si Hesus ang Salita ng Diyos na nagkatawang tao. Wika niya ako ang pagkaing nagbibigay buhay, ang sino mang kumain sa akin ay hindi na magugutom kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

𝗣𝗔𝗔𝗑𝗒 π—œπ—¦π—”π—¦π—”π—•π—¨π—›π—”π—¬:
Kung nais nating mapalapit sa Diyos at mabuhay sa piling Niya, ay sikapin nating magsimba at tanggapin siya sa Banal na komunyon tuwing linggo at kahit na araw-araw. Sa Misa ang pagtanggap ng katawan at dugo ni Hesus sa komunyon sa anyong alak at tinapay ay mabisang paraan upang ako at si Hesus ay manatiling magkaugnay. Kailangan natin ito upang mabuhay at magkaroon ng buhay. May kasabihan na β€œWe become what we eat” kung si Hesus ay tinatanggap bilang pagkain siya ay nananatili sa atin. Kaya naman the more tinatanggap natin siya the more na siya ay napapalapit sa atin at nagaanyayang mamuhay tulad niya na mapagmahal, mapagtawad at mapagbigay.

π— π—”π—œπ—žπ—Ÿπ—œπ—‘π—š π—£π—”π—‘π—”π—Ÿπ—”π—‘π—šπ—œπ—‘:
Diyos naming Ama maraming salamat po sa pagkakaloob Mo sa amin ng mga biyaya upang mabuhay sa piling Mo. Salamat sa Iyong Anak na si Hesus na nagmamahal, at nagpapatawad sa amin upang mabuhay bilang anak mo. Ipinagkaloob Mo po siya sa amin bilang pagkain ng aming kaluluwa sa sa anyong Alak at tinapay na tinatanggap namin komunyon, upang kami ay busugin at palakasin sa aming pananampalataya sa Iyo. Amen.



AUGUST 21, 2026 | π‘πžπŸπ₯𝐞𝐜𝐭𝐒𝐨𝐧 π€π«πšπ°-π€π«πšπ°: 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π€π«πšπ°, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π’πšπ₯𝐒𝐭𝐚, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐧𝐒𝐧𝐒π₯𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚π₯𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚.Ang Pinakamahalaga...
21/08/2026

AUGUST 21, 2026 | π‘πžπŸπ₯𝐞𝐜𝐭𝐒𝐨𝐧 π€π«πšπ°-π€π«πšπ°: 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π€π«πšπ°, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π’πšπ₯𝐒𝐭𝐚, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐧𝐒𝐧𝐒π₯𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚π₯𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚.

Ang Pinakamahalagang Pagdiriwang ng mga Kristiyano
By: Romalyn Kaye N. Claridad, Katekista

π— π—”π—•π—¨π—§π—œπ—‘π—š π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”:
β€œ Ito ang aking Katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.” (1 Corinto 11:24)

π—£π—”π—šπ—‘π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—”π—¬:
Bilang mga Kristiyano, si Kristo ang sentro ng ating buhay at pagdiriwang. Sa bawat pagdiriwang at kilos ng simbahan nararanasan natin siya. Sa pangkalahatan, batid ng mga Katoliko ang pagdalo sa Banal na Eukaristiya ang pinakamahalagang gawain ng Katolikong pagsamba (KPK1665), dahil ito ang β€œbukal at tugatog ng buhay ng Kristiyano” (KIK 1324). Ipinapaalala din sa atin ng unang sulat ni San Pablo sa mga Corinto, ang kahalagahan ng Banal na Eukaristiya. Ito ay hindi lamang pag-alaala kundi isang tunay na pakikipagtagpo kay Kristo na nagbibigay-lakas sa mga mananampalataya upang mamuhay sa pananampalataya, pag-ibig, at paglilingkod.

𝗣𝗔𝗔𝗑𝗒 π—œπ—¦π—”π—¦π—”π—•π—¨π—›π—”π—¬:
Bilang isang katekista, ang Banal na Eukaristiya ang aking lakas at inspirasyon. Sa bawat pagdalo ko rito, ay napapaalalahanan ako ng katotohanang mahal ako ng Diyos at hindi niya ako iiwan. Napakasaya sa pakiramdam na sa bawat pag-awit, pagtugon at mulat na pakikiisa ko sa pagdiriwang na ito, kasama ko ang buong simbahan, mula sa mga Banal sa langit hanggang sa katulad kong nagsusumikap na sundin ang kanyang kalooban sa pagsamba sa kanya. Kung minsan, ay madalas na nabibigyan ng pansin ang mga kapistahan, o anumang malaking pagdiriwang ng simbahan at hindi ang pagsisimba o pagdalo sa Banal na Misa, nakakalimutan na ang Banal na Misa ay isang pagdiriwang din na siyang pinakamahalaga sa lahat, sapagkat naroon mismo at kasama natin si Kristo, na patuloy na nangungusap, nagpapatawad, nagpapalakas at nagbibigay ng pag-asa sa atin bilang iisang sambayanan.

π— π—”π—œπ—žπ—Ÿπ—œπ—‘π—š π—£π—”π—‘π—”π—Ÿπ—”π—‘π—šπ—œπ—‘:
Panginoong Hesus, salamat sa kaloob ng Banal na Eukaristiya, ang pinakamahalagang pagdiriwang ng aming pananampalataya. Nawa’y lalo Ka naming mahalin, sundin, at ibahagi ang Iyong pag-ibig sa aming kapwa. Amen.



AUGUST 20, 2026 | π‘πžπŸπ₯𝐞𝐜𝐭𝐒𝐨𝐧 π€π«πšπ°-π€π«πšπ°: 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π€π«πšπ°, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π’πšπ₯𝐒𝐭𝐚, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐧𝐒𝐧𝐒π₯𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚π₯𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚.Ang Sakramento ng ...
20/08/2026

AUGUST 20, 2026 | π‘πžπŸπ₯𝐞𝐜𝐭𝐒𝐨𝐧 π€π«πšπ°-π€π«πšπ°: 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π€π«πšπ°, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π’πšπ₯𝐒𝐭𝐚, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐧𝐒𝐧𝐒π₯𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚π₯𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚.

Ang Sakramento ng Eukaristiya
By: Catherine Carles B. Gallardo, Katekista

π— π—”π—•π—¨π—§π—œπ—‘π—š π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”:
β€œ Ito ang aking Katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.” (1 Corinto 11:24)

π—£π—”π—šπ—‘π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—”π—¬:
Sa Sakramento ng Eukaristiya tayo ay nakiki-isa kay Cristo sa kanyang misyon sa pamamagitan ng tinapay at alak, na kung saan ito rin ang nagpapaalala sa atin ng Kanyang mapanligtas na misyon. Ang Layunin nito ay pag-isahin ang Bayan ng Diyos at pabanalin ang daigdig. Ang Eukaristiya ay nangangahulugang β€œPasasalamat” sa salitang griyego. Ito ay unang isinagawa noong huling hapunan ni Hesus kasama ang kanyang mga apostol, at ipinagpapatuloy sa Sakramento ng Eukaristiya o Banal na Misa. Ito rin ay tinuturing na pinakamataas na antas ng panalangin na kung saan tayo ay nakiki-isa sa liturhiya ng langit sa pamamagitan ng salita at katawan ni Cristo.

𝗣𝗔𝗔𝗑𝗒 π—œπ—¦π—”π—¦π—”π—•π—¨π—›π—”π—¬:
Ang Eukaristiya ay tanda ng pagmamahal ni Cristo, ito ay nagpapaalala sa atin ng Kanyang Misteryong Pampaskuwa. Marapat lamang na pasalamatan siya sa dakilang biyayang ito, bunga ng pag-aalay Niya ng Kanyang buhay para sa kaligtasan ng lahat. Sa pamamagitan ng pag dalo sa Sakramento ng Eukaristiya tayo ay nakakapagpasalamat sa ating Panginoon sa lahat ng Kanyang ipinagkaloob na biyaya sa atin, mula sa pagtubos ng ating mga kasalanan hanggang sa mga biyayang tinatanggap natin ngayon.

π— π—”π—œπ—žπ—Ÿπ—œπ—‘π—š π—£π—”π—‘π—”π—Ÿπ—”π—‘π—šπ—œπ—‘:
Panginoon, maraming salamat po sa biyayang ipinagkaloob ninyo sa amin at sa pagtubos ng aming kasalanan. Patawarin Nyo po kami sa aming mga pagkukulang bilang iyong anak. Amen.



19/08/2026
Annual Meeting of Directors and Coordinators 2026Metropolitan Region of Nueva SegoviaThe Annual Meeting of Catechetical ...
19/08/2026

Annual Meeting of Directors and Coordinators 2026
Metropolitan Region of Nueva Segovia

The Annual Meeting of Catechetical Directors and Coordinators 2026 officially commenced on August 18, 2026, in Vigan City, Ilocos Sur, bringing together catechetical leaders from different communities for a meaningful gathering of communion, participation, and mission.

Guided by the theme β€œDUMNGΓ‰G! Synodal Journey for One Mission,” the gathering provides an opportunity for catechetical leaders to listen to one another, learn from shared experiences, and reflect together on the mission of catechesis in the life of the Church.

Representing the Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila (CFAM) are Rev. Fr. Edric Bedural, Assistant CFAM Minister, together with the newly appointed Catechetical Coordinators Jeffry Bago and Ryan Paul Dayao.

AUGUST 19, 2026 | π‘πžπŸπ₯𝐞𝐜𝐭𝐒𝐨𝐧 π€π«πšπ°-π€π«πšπ°: 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π€π«πšπ°, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π’πšπ₯𝐒𝐭𝐚, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐧𝐒𝐧𝐒π₯𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚π₯𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚.Ang Tungkulin ng m...
19/08/2026

AUGUST 19, 2026 | π‘πžπŸπ₯𝐞𝐜𝐭𝐒𝐨𝐧 π€π«πšπ°-π€π«πšπ°: 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π€π«πšπ°, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 π’πšπ₯𝐒𝐭𝐚, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐧𝐒𝐧𝐒π₯𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚π₯𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚.

Ang Tungkulin ng mga Kinumpilan
By: Aillyn C. Salaum, Katekista

π— π—”π—•π—¨π—§π—œπ—‘π—š π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”:
β€œ Ito ang aking Katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.” (1 Corinto 11:24)

π—£π—”π—šπ—‘π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—”π—¬:
Ang simbahan sa pilipinas ay minsan ng nagpahayag sa kanilang pagtitipon tungkol sa kahalagahan ng pagbibigay ng Ebangelisasyon at katesismo bago ang pagtanggap ng naturang sakramento. Binigyang diin dito na β€œAng mga pilipinong katoliko ay tanggap lang ng tanggap ng sakramento pero hindi naman ito lubos na nauunawaan. Sa madaling sabi ang pagiging kristiyano ay hindi natatapos sa pagtanggap lamang ng sakramento, bagkus ito ay isinasabuhay at ipinahahayag na sumasalamin sa ating mga tungkulin. Ang Sakramento ng Kumpil ay hindi hiwalay sa ating tungkulin bilang binyagan, bagkus pinalalakas at pinatatag lamang tayo para sa mas malaking hamon ang maging saksi at tagapagtanggol ng ating pananampalataya.

𝗣𝗔𝗔𝗑𝗒 π—œπ—¦π—”π—¦π—”π—•π—¨π—›π—”π—¬:
Hindi nagtatapos sa kumpil ang ating mga tungkulin ito’y nagiiwan sa atin ng tatak na naghahangad sa atin upang maging mga saksi ni Jesus. Bilang katekista tayo ay mas inaasahan na makapagpakita ng mabuting halimbawa sa gawa. Sikapin na si Kristo na ating ipinapahayag ay sumalamin sa ating pamumuhay, kung paano tayo magsalita, kumilos, gumawa at tumulong. At kung hinihingi ng pagkakataon itoy ating ipagtanggol kahit sa kabila ng panganib at pangamba.

π— π—”π—œπ—žπ—Ÿπ—œπ—‘π—š π—£π—”π—‘π—”π—Ÿπ—”π—‘π—šπ—œπ—‘:
Panginoon naming Diyos, salamat sa buhay at mga biyayang iyong ipinagkakaloob sa pamamagitan ng mga sakramento. Tulungan mo akong maisabuhay at magampanan ang aking tungkulin na maging saksi sa lahat ng oras at pagkakataon. Amen.



Address

CFAM-ICAM Bldg. San Carlos Pastoral Formation Complex, Epifanio Delos Santos Avenue
Guadalupe Viejo
1211

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CMM - CFAM Media Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to CMM - CFAM Media Ministry:

Shortcuts

Share