18/09/2026
Isang makabuluhan at masayang pagdiriwang ang naganap ngayong araw sa Sta. Clara Elementary School sa pamamagitan ng pagdiriwang ng kauna-unahang Family Day, na isinabay sa Card Giving Day para sa Term 1 ng Taong Panuruan 2026β2027.
Sa temang βPaaralan at Pamilya: Nagkakaisa Para sa Mas Matatag na Kinabukasan,β nagtipon-tipon ang mga magulang, mag-aaral, at mga g**o upang palakasin ang ugnayan ng paaralan at pamilya, gayundin ang pagbibigay-halaga sa pag-unlad at tagumpay ng bawat mag-aaral.
Ang kauna-unahang Family Day ng Sta. Clara Elementary School ay inisyatiba ng SPTA sa pangunguna ni Gng. Sharon Romias, na nanguna sa pagpaplano at paghahanda para sa makabuluhang pagdiriwang na ito. Buong pusong sinuportahan naman ng mga kaguruan, sa pamumuno ng butihing School Principal na si G. Jason Aguidan, ang pagsasakatuparan ng programa, na naglalayong palakasin ang ugnayan, pagkakaisa, at pagtutulungan ng paaralan at pamilya.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang masiglang motorcade, na nagbigay ng makulay na hudyat sa pagsisimula ng pagdiriwang. Sinundan ito ng iba't ibang programa, pakulo, parlor games, at mga paligsahan na nagbigay ng saya at pagkakaisa sa mga pamilyang dumalo.
Bilang bahagi ng programa, inimbitahan si G. Ferdinand Arquero, Assistant Regional Focal Person for Livestock, Planning Officer, at Budget Officer for Livestock ng DA Regional Field Office 02, upang magbahagi ng inspirasyon at makabuluhang mensahe sa mga dumalo.
Samantala, nagbigay naman si Gng. Rose P. Lagazo, School Head ng Laoc Elementary School, ng isang lecture tungkol sa Responsible Parenting, na naglalayong palawakin ang kaalaman at kamalayan ng mga magulang sa kanilang mahalagang papel sa paghubog ng mabuting asal, pagkatuto, at kinabukasan ng kanilang mga anak.
Naimbitahan din si G. William Enriquez, OIC ng CFPJ National High School, bilang isa sa mga hurado ng iba't ibang pakulo at paligsahan. Kasama niya sina G. Ferdinand Arquero at Gng. Rose P. Lagazo sa paghusga sa mga inihandang gawain para sa mga pamilya, na nagbigay ng mas makabuluhan at masayang karanasan sa lahat ng lumahok.
Isinagawa rin ang Card Giving Day, kung saan ipinamahagi ng mga g**ong tagapatnubay ang mga report card ng mga mag-aaral upang maipabatid sa mga magulang ang kanilang academic performance, mga natutuhan, at pag-unlad sa buong Term 1. Naging mahalagang pagkakataon ito upang mapalakas ang komunikasyon at pagtutulungan ng mga g**o at magulang para sa patuloy na pag-unlad ng bawat bata.
Lalong naging masaya ang pagdiriwang sa pamamagitan ng iba't ibang awards, paligsahan, at parlor games na inihanda para sa mga pamilyang lumahok. Naging daan ang mga gawaing ito upang maipakita ang kanilang pagkakaisa, aktibong pakikilahok, at masayang pagsasama-sama.
Sa kabuuan, ang kauna-unahang Family Day ng Sta. Clara Elementary School ay naging isang makabuluhang pagdiriwang ng pagmamahalan, pagtutulungan, at pakikiisa ng paaralan at pamilya. Pinatunayan ng aktibong partisipasyon ng lahat na ang isang matatag na edukasyon ay nagsisimula sa isang pamilyang nagkakaisa at isang paaralang patuloy na nagmamalasakit.