Bikolanang Guro

Call Contact the school

Bikolanang Guro Welcome to my page! I am a passionate educator dedicated to inspiring and empowering my learners.

27/09/2026
Grade 2 learners are something else. Kapag may activity akong ipapagawa, biglang lumalabas ang kasipagan:May magwawalis ...
21/09/2026

Grade 2 learners are something else.

Kapag may activity akong ipapagawa, biglang lumalabas ang kasipagan:

May magwawalis kahit hindi inuutusan.
May maghuhugas kahit wala namang huhugasan.
At may magsasabon nang magsasabon…
hanggang ang sabon, lusaw kung lusaw.

Pero ang nakakatawa…

Maya-maya, gagawin din naman nila yung activity. 😂

Parang may sariling schedule lang sila:

Unang priority: magwalis.
Second priority: maghugas.
Third priority: lusawin ang sabon.
Last but not the least: “Ay oo nga pala, may activity tayo!”

Grade 2 talaga.

Hindi tamad may sariling warm-up routine lang bago maging productive.

Narealize ko, ang pagiging leader pala hindi lang tungkol sa marunong magdesisyon.Mas mahalaga yung marunong huminto, tu...
18/09/2026

Narealize ko, ang pagiging leader pala hindi lang tungkol sa marunong magdesisyon.

Mas mahalaga yung marunong huminto, tumingin sa bigger picture, at isipin muna kung saan hahantong ang desisyon.

Kasi minsan, hindi yung pinakamabilis na decision ang pinakamaganda.
Yung desisyong nakikita ang buong picture.

06/09/2026

Teacher My Day be like:
Akala ko BSP Coordinator lang…
tagapalengke din pala! 😂

Gentle. Silent worker. Hindi madada.
Pero pag may gawain hands-on hanggang palengke!

Sinamahan ko mamalengke, pero feeling ko ako ang assistant niya.

Salute po, Sir Nards! Tahimik lang pero action speaks louder talaga.

31/08/2026

TOP 10 PARAAN KUNG PAANO MAS NATUTUTO ANG BATA

Hindi lahat ng bata pare-pareho ang paraan ng pagkatuto. May batang mabilis matuto sa larawan, may mas natututo kapag gumagalaw, at mayroon namang kailangan ng paulit-ulit na practice.

Narito ang 10 paraan na makatutulong sa pagkatuto ng mga bata:

1. Sa pamamagitan ng paglalaro
Mas madaling matuto ang bata kapag masaya at interesado siya sa ginagawa.

2. Sa pamamagitan ng larawan at visuals
Pictures, flashcards, charts, at videos can help children understand concepts better.

3. Sa pamamagitan ng pakikinig
Kuwento, kanta, discussion, at malinaw na pagpapaliwanag ay malaking tulong sa pagkatuto.

4. Sa pamamagitan ng hands-on activities
Mas tumatatak ang lesson kapag ang bata mismo ang gumagawa, humahawak, nagsusulat, nagbibilang, o nag-e-explore.

5. Sa pamamagitan ng paulit-ulit na practice
Hindi ibig sabihin na mahina ang bata kapag kailangan niyang ulitin. Practice helps build confidence and mastery.

6. Sa pamamagitan ng paggalaw
Action songs, educational games, at movement activities can make learning more engaging.

7. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap
Hayaan silang magtanong, sumagot, magkuwento, at magpaliwanag gamit ang sarili nilang salita.

8. Sa pamamagitan ng kuwento at real-life examples
Mas madaling maintindihan ang lesson kapag konektado ito sa kanilang sariling karanasan.

9. Sa pamamagitan ng encouragement
Ang simpleng “Good job!”, “Kaya mo ’yan!” at pagkilala sa effort ay nakatutulong sa confidence ng bata.

10. Sa sariling pace ng bata
Hindi kailangang pare-pareho ang bilis ng pagkatuto. May batang mabilis, may batang nangangailangan ng mas maraming oras at gabay.

Tandaan, Teacher at Parents:
Hindi sukatan ng talino ng bata ang bilis niyang matuto.

Minsan, kailangan lang niya ng mas angkop na paraan, mas maraming practice, at isang taong maniniwala sa kanyang kakayahan.

Bawat bata ay may sariling paraan ng pagkatuto. Ang mahalaga, hindi tayo susuko na tulungan siyang matuto. ❤️

— Bikolanang G**o

Call now to connect with business.

30/08/2026

📌 IMPORTANT DATES TO REMEMBER | TERM 1

Mga ka-teachers, save this post for your easy reference! Here are the important dates for August–September 2026 based on DepEd Order No. 009, s. 2026.

🗓️ AUGUST 2026
• August 31 – National Heroes Day

🗓️ SEPTEMBER 2026
• September 1 – Term 1 Examination
• September 2–8 – ARAL Program, Grade Computation, Forms & Co-Curricular Activities
• September 2–15 – End-of-Term Block
• September 9 – PTA Meeting & Report Card Distribution
• September 10–11 – In-Service Training (INSET)
• September 10–15 – Wellness Break for Learners / Asynchronous Modules
• September 14–15 – Wellness Break for Teachers
• September 15 – End of Term 1

📌 Save this post, mga ka-G**o, para madaling balikan when planning your school activities, reports, and other Term 1 requirements.

Marhay na pag-andam sa satuyang mga G**o! 🤍

Bagong school year, bagong E-Class Record.From 4 quarters to 3 terms, panibagong adjustment na naman para sa ating mga g...
26/08/2026

Bagong school year, bagong E-Class Record.

From 4 quarters to 3 terms, panibagong adjustment na naman para sa ating mga g**o.

Bagong format, bagong sistema, panibagong aaralin.

Pero gaya ng dati, matututunan din natin ito. Unti-unti, hanggang maging routine na lang.

Kaya natin ito, mga ka-g**o.

Welcome sa 3-Term E-Class Record.

**o

15/08/2026

Progressivism: Hindi Lahat Natututunan sa Pisara

Minsan, akala natin kapag tahimik ang bata, nakikinig at nagsusulat, ibig sabihin natututo na siya.

Pero sa Progressivism, mahalaga ang experience.

Hindi lang “Makinig ka sa teacher.”

Kundi—

“Subukan mo.”
“Mag-explore ka.”
“Magkamali ka.”
“Alamin natin kung bakit.”

Kaya minsan, mas natututo ang bata habang nagtatanim, naglalaro, nag-e-experiment, nagkukuwento, o nakikipagtulungan sa kaklase kaysa sa simpleng pagkopya ng lesson.

Because learning is not just about remembering the answer.

It is also about discovering how to find the answer.

Bilang teacher, hindi naman natin kailangang laging nasa harap ang sagot.

Minsan, ang pinakamagandang teaching ay ang pagbibigay sa bata ng pagkakataong makaranas, mag-isip, at matuklasan mismo. 🌱

**o

Erik Erikson: Trust vs. Mistrust"Dapat ba magtiwala ang bata sa lahat?"Hindi.Ayon kay Erik Erikson, sa unang psychosocia...
08/08/2026

Erik Erikson: Trust vs. Mistrust

"Dapat ba magtiwala ang bata sa lahat?"

Hindi.

Ayon kay Erik Erikson, sa unang psychosocial stage ng development, ang bata ay dumaraan sa conflict na Trust vs. Mistrust.

Ang goal ay hindi magkaroon ng 100% trust at mawala ang mistrust.

Mas mahalaga ang healthy balance.

Kapag consistent ang pag-aalaga, pagtugon sa pangangailangan, at pagbibigay ng security, unti-unting nabubuo ang basic trust.

Natututuhan ng bata:

"Ligtas ako."
"May mga taong maaasahan ko."
"Kapag kailangan ko ng tulong, may tutugon sa akin."

Pero kailangan din niyang matutong mag-ingat.

Hindi natin gustong lumaki ang bata na:

❌ "Magtiwala ka sa lahat."

Mas gusto natin:

❤️ "Matuto kang magtiwala sa mga taong nagpapakita na mapagkakatiwalaan sila—and learn when to be careful."

Kaya ang healthy development ay hindi tungkol sa pagiging sobrang trusting o sobrang suspicious.

Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng sapat na trust upang makaramdam ng security, habang natututong maging maingat sa mundo.

Ang tiwala ay hindi simpleng "yes" sa lahat. Ito ay kakayahang makaramdam ng seguridad habang natututo ring kumilala kung sino at ano ang ligtas pagkatiwalaan.

Revised 7-Year Term Loan is now official! Basahin ang bagong DepEd Memo at alamin ang mga updates.
07/08/2026

Revised 7-Year Term Loan is now official! Basahin ang bagong DepEd Memo at alamin ang mga updates.

Address

Zone 2
Goa
4422

Telephone

+639100378592

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bikolanang Guro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Bikolanang Guro:

Shortcuts

Share