01/12/2025
Karapatan ng isang babae pumili.
Kung pambahay ka muna,
o sasabay ka rin sa pagraraket
para makatulong kay mister.
At alam ko, pagod ka.
Hindi lang sa gawaing bahay.
Hindi lang sa trabaho.
Kundi sa bigat ng mga iniisip
na hindi mo masabi kahit kanino.
Yung habang nag-aalaga ka,
may maliit na boses na paulit-ulit:
Ginagawa ko ba ’to para sa kanila…
o para lang maramdaman kong may ambag ako?
Yung habang kumakayod ka,
may kasabay na guilt.
Baka napapabayaan ko na sila.
At minsan, kahit anong piliin mo,
may mali pa rin sa mata ng iba.
Kapag nasa bahay ka sayang daw.
Kapag nagtrabaho ka napabayaan mo raw pamilya mo.
Kaya natututo kang manahimik.
Kahit ubos ka na.
Kasi feeling mo, role mo talaga yung tiisin.
Intindihin.
Magpakatatag.
Pero eto ang totoo.
Hindi mo kailangang patunayan ang halaga mo
sa dami ng pagod na kinikimkim mo.
Kasi kahit nasa bahay ka,
ikaw yung direksyon ng tahanan.
Ikaw yung nagtatali sa lahat.
Ikaw yung nagbubuo ng gulo
para maging maayos ulit.
At kung gusto mong tumulong kay mister,
walang masama doon.
Hindi dahil hindi niya kaya
kundi dahil gusto mong magbigay,
hindi lang sumalo.
At oo, karapatan mo yon.
Choice mo yon.
Buhay mo ’yon.
Hindi kailangang pare-pareho ang paraan ng pagmamahal.
May babaeng nagbibigay ng oras.
May babaeng nagbibigay ng kita.
May babaeng parehong kaya.
Pero pare-pareho sila
puso ang puhunan,
tahanan ang dahilan.
✔ Walang mababa sa nag-aalaga ng bahay.
✔ Walang mataas sa kumakayod sa labas.
✔ Basta ginagawa mo nang may puso pareho kayong panalo.
Hindi mo kailangang mamili
sa pagitan ng pamilya at sarili mo.
Pwede kang magmahal habang umaangat.
Pwede kang misis, nanay, at babae
nang hindi nawawala yung ikaw sa gitna ng lahat.
At kung gusto mong kumita
habang nananatili kang present sa pamilya mo,
usap tayo. 😊