DepEd Lucio A. Nocon National High School

DepEd Lucio A. Nocon National High School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Lucio A. Nocon National High School, Education Website, Biclatan, General Trias.

๐Ÿ“ธโœจ THROWBACK THURSDAY |   โœจ๐Ÿ“ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ BAKIT NGA BA AGOSTO ANG BUWAN NG WIKA? ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญNgayong Throwback Thursday, balikan natin ang is...
27/08/2026

๐Ÿ“ธโœจ THROWBACK THURSDAY | โœจ๐Ÿ“ธ

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ BAKIT NGA BA AGOSTO ANG BUWAN NG WIKA? ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ngayong Throwback Thursday, balikan natin ang isang mahalagang bahagi ng ating kasaysayanโ€”ang pinagmulan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. ๐Ÿ“š๐Ÿ—ฃ๏ธ

Alam mo ba? ๐Ÿค” Ang Agosto ay iniuugnay sa kaarawan ni Manuel L. Quezon, na ipinanganak noong Agosto 19, 1878 at kinikilalang โ€œAma ng Wikang Pambansa.โ€ Malaki ang naging ambag niya sa pagsusulong ng isang wikang magiging daan sa pagkakaisa ng mga Pilipino. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Kaya tuwing Agosto, hindi lamang natin ipinagdiriwang ang isang wikaโ€”binabalikan at pinahahalagahan natin ang ating kasaysayan, kultura, tradisyon at pagkakakilanlan bilang Pilipino. โค๏ธ

๐Ÿ•ฐ๏ธ THROWBACK: Mula sa mga salitang minana natin sa ating mga ninuno hanggang sa wikang ginagamit natin ngayon, patuloy na nagbabago ang panahon, ngunit nananatiling mahalaga ang ating wika.

๐ŸŒพ Ang wika ay higit pa sa mga salita. Ito ay salamin ng ating kasaysayan, kultura, at pagkatao. Sa bawat salitang ating ginagamit, ipinapakita natin kung sino tayo at kung saan tayo nagmula.

โœจ Ang wika ay tulay mula sa ating nakaraan tungo sa ating kinabukasan.
Kaya't ating mahalin, gamitin, at ipagmalaki ang Wikang Filipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโค๏ธ

๐Ÿ“– Maligayang Throwback Thursday at Maligayang Buwan ng Wika!





๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐Ÿง˜โ€โ™‚๏ธ Miyerkules ng Kalusugan: Hinto. Hinga. Pahinga.Pagod ka na ba sa gitna ng linggo? Minsan, ang pinakaproduktibong ba...
26/08/2026

๐Ÿง˜โ€โ™‚๏ธ Miyerkules ng Kalusugan: Hinto. Hinga. Pahinga.

Pagod ka na ba sa gitna ng linggo? Minsan, ang pinakaproduktibong bagay na maaari mong gawin ngayon ay ang WALANG GAWIN.

Ngayong Miyerkules, maglaan ng 10 hanggang 20 minutong break para sa isang sadyang mental recharge. Ang maliliit na sandali ng pahinga ay nagdudulot ng malaking benepisyo sa ating pangkalahatang kagalingan.

๐ŸŒฑ Paano simulan ang iyong "Me-Time" ngayon?
โ€ข Patayin ang Notifications: Bitawan ang telepono at lumayo muna sa mga screen o trabaho.

โ€ข Humanap ng Tahimik na Sulok: Umupo nang maayos at mag-reflect sa isang maaliwalas na lugar.

โ€ข Huminga nang Malalim: Hayaan mong magpahinga ang iyong isip at katawan mula sa mga pang-araw-araw na distractions.

Ang sadyang paghinto ay hindi pag-aaksaya ng orasโ€”ito ay pag-aalaga sa sarili. Deserve mo ito! ๐Ÿค

Ikaw, ano ang paborito mong paraan para mag-relax ngayon? Ibahagi ang iyong sagot sa comment section! ๐Ÿ‘‡

๐‘ป๐’‚๐’–๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’†๐’๐’†๐’ƒ๐’“๐’‚๐’”๐’š๐’๐’ ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” Alinsunod sa Memorandum ng Dibisyon ng Heneral Trias Blg. 370, s. 2026, na pumapa...
24/08/2026

๐‘ป๐’‚๐’–๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’†๐’๐’†๐’ƒ๐’“๐’‚๐’”๐’š๐’๐’
๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Alinsunod sa Memorandum ng Dibisyon ng Heneral Trias Blg. 370, s. 2026, na pumapailalim sa Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, na nagtatakda ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang "Wikang Filipino at Al: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Bilang pakikiisa sa taunang selebrasyong ito, may ilang tampok na gawaing pampaaralan ang isinagawa ngayong araw, isa na riyan ang pagsusuot ng mga g**o at mag-aaral ng kani-kanilang Filipiรฑana, Barong, at Baro't Saya.

Dagdag mo pa riyan ang paggawa ng islogan at poster kaugnay ng tema sa nasabing selebrasyon, pagpili ng may pinakamagandang kasuotan sa bawat klase, at ang paggawad ng sertipiko sa mga natatanging mag-aaral na nakakuha ng pinakatumpak na sagot sa nakaraang Fun Friday sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipino.

Nawa'y hindi lamang tuwing Agosto pinahahalagahan ang wika, panitikan, at kulturang Pilipino, bagkus ito ay mas pinagyayaman pa gamit ang teknolohiya.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nagsuot ng Filipiniana at Barong Tagalog ang mga g**o, kawani, at mag-...
24/08/2026

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nagsuot ng Filipiniana at Barong Tagalog ang mga g**o, kawani, at mag-aaral ng Lucio A. Nocon National High School (LANNHS) bilang tanda ng kanilang pagmamahal sa kulturang Pilipino at pagpapahalaga sa wikang Filipino.

Ang kanilang aktibong pakikilahok ay sumisimbolo ng pagkakakilanlan, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa wikang Filipino.

๐“œ๐“ธ๐“ท๐“ญ๐“ช๐”‚ ๐“ฆ๐“ฒ๐“ผ๐“ญ๐“ธ๐“ถ ๐“ถ๐“พ๐“ต๐“ช ๐“ผ๐“ช ๐“ช๐“ฝ๐“ฒ๐“ท๐“ฐ ๐“ข๐“ฌ๐“ฑ๐“ธ๐“ธ๐“ต ๐“—๐“ฎ๐“ช๐“ญSa naganap na flag ceremony ngayong araw, binigyang-diin ni Gng. Cherry Mae B. Ru...
24/08/2026

๐“œ๐“ธ๐“ท๐“ญ๐“ช๐”‚ ๐“ฆ๐“ฒ๐“ผ๐“ญ๐“ธ๐“ถ ๐“ถ๐“พ๐“ต๐“ช ๐“ผ๐“ช ๐“ช๐“ฝ๐“ฒ๐“ท๐“ฐ ๐“ข๐“ฌ๐“ฑ๐“ธ๐“ธ๐“ต ๐“—๐“ฎ๐“ช๐“ญ

Sa naganap na flag ceremony ngayong araw, binigyang-diin ni Gng. Cherry Mae B. Ruanto, Ulong-Guro, ang kahalagahan ng pagtatanim sa isipan ng mga mag-aaral ng mabubuting bagay na kanilang natutunan sa paaralan. Ang mga mabubuting bagay na ito ay mananatili at magagamit nila hanggang sa kanilang pagtanda.

Kanyang binigyang-diin din na kung magtatanim tayo ng binhi ng kabutihan, ito ay yayabong nang maganda.

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐’๐ข๐ซ ๐’๐ญ๐ž๐ฉ๐ก!๐ŸŽ‰Salamat sa pagbabahagi ng kaalaman, kuwento ng kasaysayan, at mahahalagang aral na hindi...
24/08/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐’๐ข๐ซ ๐’๐ญ๐ž๐ฉ๐ก!๐ŸŽ‰

Salamat sa pagbabahagi ng kaalaman, kuwento ng kasaysayan, at mahahalagang aral na hindi lamang para sa silid-aralan kundi para sa buhay.

Nawaโ€™y pagpalain pa kayo ng mabuting kalusugan, kaligayahan, tagumpay, at mas marami pang biyaya sa inyong buhay at paglilingkod sa paaralan. โœจ

Pagbati mula sa iyong pamilya ng LANNHS.โœจ๐ŸŽ‰

Kagaya ng silbi ng mga puno at ningning ng mga bituin, ikaw ay kahanga-hanga rin.Ikaw ay may silbi at inadyang maparito....
23/08/2026

Kagaya ng silbi ng mga puno at ningning ng mga bituin, ikaw ay kahanga-hanga rin.

Ikaw ay may silbi at inadyang maparito. May layunin ang iyong pag-iral, kahit hindi mo pa ito lubos na nauunawaan sa ngayon.

Lagi mong tatandaan, may espasyo para sa iyo sa mundong ito.

Magandang umaga, Lucionians!

Maligayang Kaarawan, Ms. Nichila Linsag! Taos-pusong pagbati sa ating masipag at mapagmalasakit na SPED Teacher, Ms. Nic...
23/08/2026

Maligayang Kaarawan, Ms. Nichila Linsag!

Taos-pusong pagbati sa ating masipag at mapagmalasakit na SPED Teacher, Ms. Nichila Linsag. Maraming salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at patuloy na paggabay sa ating mga mag-aaral.

Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, saya, at tagumpay.

Maligayang Kaarawan, Maโ€™am Nichila!

๐ŸŒŸ FUN FRIDAY: HULAAN MO! Tara na, Lucionians! Subukan ang iyong kaalaman sa kulturang Pilipino at ipakita ang iyong husa...
21/08/2026

๐ŸŒŸ FUN FRIDAY: HULAAN MO!

Tara na, Lucionians! Subukan ang iyong kaalaman sa kulturang Pilipino at ipakita ang iyong husay sa paghula dito sa panibagong FUN FRIDAY CHALLENGE! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐Ÿค” Anong Pilipinong sayaw ang tinutukoy ng mga emojis?

๐ŸŽ‹ + ๐Ÿฆ + ๐Ÿ‘ฃ + ๐Ÿ’ƒ๐Ÿป๐Ÿ•บ๐Ÿป = โ“

Tingnan nang mabuti ang mga larawan, pag-isipan ang sagot, at HUWAG MAHIYANG HUMULA!

๐Ÿ’ฌ I-comment ang inyong sagot sa comment section!
๐Ÿ† Baka ikaw na ang makakuha ng tamang sagot! ๐Ÿ˜‰

๐ŸŒธ๐ŸŽ‚ ISANG ESPESYAL NA PAGBATI SA ISANG ESPESYAL NA G**O! MALIGAYANG KAARAWAN, MAโ€™AM TONI! ๐ŸŽ‚๐ŸŒธ๐Ÿ’โค๏ธNawaโ€™y patuloy kang biyaya...
20/08/2026

๐ŸŒธ๐ŸŽ‚ ISANG ESPESYAL NA PAGBATI SA ISANG ESPESYAL NA G**O! MALIGAYANG KAARAWAN, MAโ€™AM TONI! ๐ŸŽ‚๐ŸŒธ๐Ÿ’โค๏ธ

Nawaโ€™y patuloy kang biyayaan ng mabuting kalusugan, kaligayahan, tagumpay at maraming pagpapala. Salamat sa inyong walang sawang pagtuturo, paggabay at inspirasyon sa ating mga mag-aaral. ๐Ÿ“šโœจ

โ€œSa bawat aral na inyong ibinabahagi,
May kabutihan at pagmamahal na nadarama lagi. ๐Ÿ“šโค๏ธ
Sa inyong tiyaga, malasakit at ngiti.
Maraming salamatโ€”isa kang tunay na biyaya sa ating paaralan at mag-aaral.
Nawaโ€™y ang inyong buhay ay maging makulay,
Puno ng pagpapala, pag-ibig at tagumpay. โ€œ ๐ŸŒˆ

Address

Biclatan
General Trias
4107

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Lucio A. Nocon National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share