06/03/2026
๐๏ธ | ๐ฃ๐๐ข๐ง๐ข ๐๐จ๐ ๐ฃ | ๐ฅ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ๐บ ๐ฆ๐ต๐ผ๐๐
Wunderkummer: Museum of Memories
Sa aming Wunderkummer: Museum of Memories, bawat isa ay nagbahagi ng isang bagay na may espesyal na halaga sa kanilaโmga simpleng gamit na may dalang malalim na kwento. May mga bagay na nagpapaalala ng pamilya, pagkakaibigan, tagumpay, at maging ng mga hamon na nalampasan.
Sa pamamagitan ng mga ito, mas nakilala namin ang isaโt isa hindi lang bilang magkaklase, kundi bilang mga taong may kanya-kanyang pinanggagalingan, karanasan, at alaala. Ang bawat bagay na ipinakita ay nagsilbing paalala na minsan, ang tunay na halaga ng isang bagay ay hindi nasusukat sa itsura o presyo nito, kundi sa kwentong dala nito.
Isang simpleng gawain, ngunit naging makabuluhang paraan ito para maipakita ang mga alaala at bagay na mahalaga sa aminโmga piraso ng aming mga kwento na bumubuo sa kung sino kami ngayon.
๐๐๐ โ ๐
๐ผ๐ฟ๐: ๐รก๐จ ๐ฆ๐ช๐ ๐จ๐๐๐๐รณ๐ฃ, ๐จ๐ค๐ข๐ค๐จ ๐ง๐๐ซ๐ค๐ก๐ช๐๐๐รณ๐ฃ ๐
Edited by: Ashley Nicole Fernandez
Written by: Ashley Nicole Fernandez