UYËG: Pandepartamentong Kolokyum ng mga Pananaliksik Pangwika

UYËG: Pandepartamentong Kolokyum ng mga Pananaliksik Pangwika

Share

Pandepartamentong Kolokyum ng Departamento ng Filipino, Mindanao State University - General Santos City.

Photos from UYËG: Pandepartamentong Kolokyum ng mga Pananaliksik Pangwika's post 13/02/2025

Sa patnubay ni Prof. Mubarak M. Tahir, katuwang si G. Jason King Montero, at ang kaguruan ng Departamento ng Filipino na ginanap noong Pebrero 11-12.

Ang pagtatapos ng 𝙐𝙮ë𝙜 2025: 𝙄𝙠𝙖𝙡𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙙𝙚𝙥𝙖𝙧𝙩𝙖𝙢𝙚𝙣𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙆𝙤𝙡𝙤𝙠𝙮𝙪𝙢 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙬𝙞𝙠𝙖 ay ang pagsisimula ng bagong hakbangin ng pag-unlad ng wika, kultura at ng lipunan.

Para sa iba pang mga larawan:
https://drive.google.com/drive/folders/1UivxmsmoaK-RPz71UDvj4fgtqIgdGOhS?usp=drive_link



Photos from UYËG: Pandepartamentong Kolokyum ng mga Pananaliksik Pangwika's post 11/02/2025

Sa pagsasagawa ng ikalawang Uyëg: Pandepartamentong Kolokyum na may temang Pagsilip sa Tunguhin ng mga Lokal na Pananaliksik Tungo sa Pandaigdigang Lunsaran, kasalukuyang sumasailalim sa parallel session ang mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng Batsilyer ng Sining sa Filipino na ginaganap ang parallel session sa CAR 2, 3, at 4.

09/02/2025

Maghanda para sa isang makabuluhang pagtalakay sa mga suliraning pangwika. Makiisa sa papalapit na Uyeg 2025 upang tunghayan ang iba’t ibang pananaliksik pangwikang naglalaman ng makabagong mga ideya at pananaw sa pagpapaunlad ng wika at kultura!


Photos from UYËG: Pandepartamentong Kolokyum ng mga Pananaliksik Pangwika's post 08/02/2025

Para sa mga kalahok at tagapakinig, narito ang daloy ng programa para sa unang araw ng kolokyum. Para sa mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan at magmensahe sa page na ito.

Huwag kalimutang i-like at follow ang page para sa mga anunsyo.


07/02/2025

Maghanda para sa isang makabuluhang pagtalakay sa mga suliraning pangwika. Makiisa sa Uyeg 2025 upang tunghayan ang iba’t ibang pananaliksik pangwikang naglalaman ng makabagong mga ideya at pananaw sa pagpapaunlad ng wika at kultura!


Photos from UYËG: Pandepartamentong Kolokyum ng mga Pananaliksik Pangwika's post 05/02/2025

HALI NA!
Sa temang Uyëg: 𝘗𝘢𝘨𝘴𝘪𝘭𝘪𝘱 𝘴𝘢 𝘛𝘶𝘯𝘨𝘶𝘩𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘓𝘰𝘬𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘗𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘭𝘪𝘬𝘴𝘪𝘬 𝘛𝘶𝘯𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘯𝘥𝘢𝘪𝘨𝘥𝘪𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘓𝘶𝘯𝘴𝘢𝘳𝘢𝘯, ipinagdiriwang ng Kolokyum 2025 ang patuloy na buhay ng pananaliksik na nag-uugnay sa lokal at global na kaalaman. Sa pamamagitan ng mga makabagong paksa, pinapalakas ng kolokyum na ito ang pagpapahalaga sa ating pambansang wika at mga lokal na pananaliksik, na naglalahad ng kahalagahan ng Filipino sa pagtuklas at pagpapayaman ng ideya at solusyon sa mga suliraning panlipunan.

Nahahanay ang mga pananaliksik batay sa mga pokus at analysis ng wika gamit ang mga sangay ng Linggwistika. Hinati ang mga pag-aaral ayon sa sumusunod na mga kategorya:

A. Wika ng Pagkatuto
B. Wika at Pagkatuto
C. Pagsasalin
D. Critical Discourse Analysis
E. Morpho-Semantiks na Pag-aaral sa mga Wika ng Mindanao
F. Morpholohikal na Pag-aaral sa mga Wika ng Mindanao
G. Leksikal na Pag-aaral sa mga Wika ng Mindanao
H. Wika at Kultura
I. Paghahambing ng Wika
J. Mga Napapanahong Pag-aaral sa Wika

Ang salitang Uyëg, na nangangahulugang 'buhay' sa Maguindanaon, ay sumasalamin lamang sa patuloy na pagsikò ng mga mag-aaral at iskolar upang tuklasin at solusyunan ang mga suliranin sa lipunan, at higit sa lahat, magbigay daan sa mas malalim na pag-unawa sa ating pambansang wika.


Photos from UYËG: Pandepartamentong Kolokyum ng mga Pananaliksik Pangwika's post 04/02/2025

Ating abangan sa UYEG 2025 ngayong darating na Pebrero 11!

Pakinggan natin nang sabay-sabay at huwag palampasin ang hatid na kaalaman ni Kat. Prof. Edward Estrera, MA. Isang natatanging pagkakataon upang mapalawak ang ating kaalaman sa wika at pananaliksik.

Subaybayan sa UYËG 2025 ngayong ika-11 ng Pebrero 2025 sa AVR Library, MSU-GSC.


Photos from UYËG: Pandepartamentong Kolokyum ng mga Pananaliksik Pangwika's post 03/02/2025

Isa sa layunin ng Uyeg 2025 ay ang makapaglahad ng mga lokal na pananaliksik hinggil sa isyung pangwika.

Sa pamamagitan ng Parallel Session, kasama ang mga panel, magkakaroon ng pagkakataon ang mga mananaliksik na maipresenta at matalakay ang mahalagang isyung pangwika na siyang tunguhin ng kanilang mga pag-aaral.

Narito ang iskedyul ng parallel session para sa dalawang araw ng kaalaman at diskurso!


Want your school to be the top-listed School/college in General Santos City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Mindanao State University
General Santos City
9500