03/08/2026
ALAM MO BA?
Maligayang Buwan ng ASEAN! ๐ค
Nakikiisa ang Schools Division of General Santos City sa pagdiriwang ng ASEAN Month ngayong Agosto. Itinatag ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong 8 Agosto 1967 sa Bangkok, Thailand sa pamamagitan ng limang nagtatag na bansaโIndonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore at Thailand. Sa kasalukuyan, ang ASEAN ay binubuo na ng 11 kasaping bansa, na may punong himpilan sa Jakarta, Indonesia. Bilang isa sa mga founding members, ipinagmamalaki ng Pilipinas ang mahigit limang dekadang ambag nito sa pagtataguyod ng kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran sa Timog-Silangang Asya.
Ngayong 2026, buong karangalang pinangungunahan ng Pilipinas ang ASEAN sa temang "Navigating our Future, Together." Patuloy na isinusulong ng samahan ang mas matibay na kooperasyon sa larangan ng edukasyon, ekonomiya, kultura, seguridad at napapanatiling pag-unlad, tungo sa isang nagkakaisa, matatag at maunlad na ASEAN Community.
Bilang bahagi ng Araling Panlipunan, patuloy nating pinalalalim ang kaalaman ng ating mga mag-aaral sa kasaysayan, mga pagpapahalaga at layunin ng ASEAN. Sa pag-unawa sa ating magkakaugnay na kasaysayan at kinabukasan, nahuhubog ang mga kabataang may pagmamalasakit, pananagutang panrehiyon, at aktibong pakikilahok bilang mga mamamayang Pilipino at bahagi ng pandaigdigang komunidad. | via Dr. Shiela G. Balbon, ๐๐ฅ๐ถ๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐ณ๐ฐ๐จ๐ณ๐ข๐ฎ ๐๐ถ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ท๐ช๐ด๐ฐ๐ณ