15/08/2025
๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ง๐ฃ๐๐จ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐ค๐๐ฃ๐-๐๐๐๐ก๐๐ฎ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ค๐ค๐ก
๐จ๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐!
Isang natatanging araw para sa aming paaralan dahil ito ang unang Biyernes na nagsagawa ng sambayang ang ating mga mag-aaral na Muslim sa itinalagang prayer room mula sa ating mahal na punong-guro, Sir Michael A. Adam. ๐โจ
Pinangunahan ng Muslim Parents Association President, Mr. Andy L. Ali ang Jumaโah prayer ngayong araw. Bilang bahagi ng inisyatiba ng ating ALIVE Coordinator, Maโam Karen A. Abbas, naghandog din ng kaunting merienda para sa mga batang nagsamba.
Isang patunay ito ng ating pagkakaisa, paggalang sa pananampalataya, at pagsuporta sa pangangailangan ng bawat mag-aaral. Nawaโy magsilbi itong tulay upang mas marami pang kabataan ang mamulat sa Islam at mas mapalakas ang kanilang pananampalataya.
Ito ay simula pa lamang ng mas malalaking plano para sa Madrasah Education Program (MEP), at umaasa tayo na may mga busilak na puso na magbibigay ng suporta tulad ng prayer mats o anumang kagamitan upang mas mapaganda pa ang ating prayer room at lalo pang mahikayat ang mga kabataan na magsamba. ๐