DepEd Tayo Canaway Es

DepEd Tayo Canaway Es "When we strive to become better than we are, everything around us becomes better too.” -Paulo Coelho

03/09/2026

Nationwide Simultaneous Active Shooting Drill 2026

Canaway Elementary School remains committed to promoting safety, preparedness, and quick response during emergencies. 🛡️

Be prepared. Stay alert. Stay safe!




Another day to remember🥰Mula sa pamunuan ng Canaway Es sa pangunguna ng aming ulong g**o, Sir Nomer R. Francia, kami po ...
18/07/2026

Another day to remember🥰

Mula sa pamunuan ng Canaway Es sa pangunguna ng aming ulong g**o, Sir Nomer R. Francia, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng kanilang oras, suporta, at pagmamahal upang maging matagumpay ang 2nd Grand Alumni Homecoming at GPTA Oath-Taking Ceremony 2026.

Ang araw na ito ay hindi lamang muling pagsasama-sama ng mga alumni, magulang, g**o, at mga kaibigan ng paaralan, kundi isang patunay ng ating pagkakaisa at sama-samang hangarin na patuloy na mapaunlad ang ating mahal na paaralan.

Malugod po naming binabati ang mga bagong halal at nanumpang opisyal ng GPTA. Nawa'y maging inspirasyon ang inyong pamumuno sa patuloy na paglilingkod para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral at ng buong komunidad.

Hanggang sa muli, dala natin ang diwa ng pagkakaisa, serbisyo, at pagmamahal sa ating alma mater😊 🏫






✨BACK TO WHERE IT ALL BEGAN✨"Pagbabalik sa Pinagmulan, Pagpupugay sa Ating Mga Alaala." Halina't muling balikan ang mga ...
03/07/2026

✨BACK TO WHERE IT ALL BEGAN✨

"Pagbabalik sa Pinagmulan, Pagpupugay sa Ating Mga Alaala."

Halina't muling balikan ang mga sandaling humubog sa ating pagkatao at ipagdiwang ang ating samahan bilang iisang pamilya ng Canaway Elementary School. 🥰

📢 Malugod po naming inaanyayahan ang lahat ng alumni mula sa iba't ibang batch na makiisa at maging bahagi ng makasaysayang pagdiriwang na ito ngayong ika-17 ng Hulyo taong 2026.

Kita-kits mga ka-batchmate😍🎓✨





🫨📢 Canaway ES Earthquake Drill 2026Ang pagiging handa ay susi sa kaligtasan. Ngayong araw Hunyo 19, 2026, ay muling ipin...
19/06/2026

🫨📢 Canaway ES Earthquake Drill 2026

Ang pagiging handa ay susi sa kaligtasan. Ngayong araw Hunyo 19, 2026, ay muling ipinakita ng ating mga mag-aaral at g**o ang kahalagahan ng disiplina, pagkakaisa, at kahandaan sa harap ng anumang sakuna.

Sa bawat pagyuko, pagtatakip, at pagkapit (Duck, Cover, and Hold), mas napapalakas ang ating kakayahang tumugon nang tama at mabilis sa oras ng lindol. Ang mga pagsasanay na tulad nito ay hindi lamang paghahanda kundi isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas at mas matatag na paaralan.

Ligtas ang may alam‼️



Pagpupugay sa mga kawani ng TUPAD sa inyong walang sawang pagtulong sa Brigada Eskwela 2026. Kayo ay tunay na maituturin...
18/06/2026

Pagpupugay sa mga kawani ng TUPAD sa inyong walang sawang pagtulong sa Brigada Eskwela 2026.
Kayo ay tunay na maituturing na isa sa mga Brigada Heroes na may pusong handang maglingkod para sa paaralan at sa mga mag-aaral.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon at malasakit!🥰

Congratulations, Ma'am Meg, on this well-deserved milestone as you move from Teacher I to Teacher IV. Your hard work and...
18/06/2026

Congratulations, Ma'am Meg, on this well-deserved milestone as you move from Teacher I to Teacher IV.
Your hard work and commitment to teaching truly shine through. Wishing you all the best and good luck as you take on this new chapter of your professional journey.

We are proud of you!🥰🥰🥰

Ang aming mga puso'y sobrang nagagalak kaya't ipinapaabot namin ang aming pasasalamat sa Lakbay Lapis sa pangunguna ni M...
17/06/2026

Ang aming mga puso'y sobrang nagagalak kaya't ipinapaabot namin ang aming pasasalamat sa Lakbay Lapis sa pangunguna ni Ma'am Arlyne Marasigan, sa kanilang ipinagkaloob na donasyon para sa aming paaralan. Ang inyong kabutihang-loob at malasakit sa edukasyon ay malaking tulong upang higit na mapabuti ang karanasan sa pagkatuto ng aming mga mag-aaral.

Ang kagamitang ito ay magsisilbing mahalagang suporta sa kanilang pag-aaral at inspirasyon upang lalo silang magsikap na maabot ang kanilang mga pangarap.

Muli po, maraming salamat at mabuhay ang
From: CES family 🤩


Taos pusong pasasalamat sa Sangguniang Kabataan ng Brgy. Canaway, General Nakar, Quezon sa kanilang ipinagkaloob na dona...
16/06/2026

Taos pusong pasasalamat sa Sangguniang Kabataan ng Brgy. Canaway, General Nakar, Quezon sa kanilang ipinagkaloob na donasyon sa aming paaralan, sa pangunguna ng aming butihing SK Chairperson, Lyra E. Samarita.

Ang inyong kabutihang-loob at malasakit ay malaking tulong sa pagpapagawa ng aming HAPAG (Feeding Area), na magsisilbing maayos at komportableng lugar para sa feeding program at iba pang gawain ng ating mga mag-aaral.

Ang inyong suporta ay patunay ng tunay na diwa ng bayanihan at pagmamalasakit sa kapakanan ng kabataan. Nawa'y patuloy kayong maging inspirasyon sa paglilingkod sa komunidad.

Maraming salamat po at mabuhay ang Sangguniang Kabataan ng Brgy. Canaway!

Sama-samang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase! 💙Sa pangunguna ng aming Ulong G**o at ng buong CES Teac...
06/06/2026

Sama-samang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase! 💙

Sa pangunguna ng aming Ulong G**o at ng buong CES Teaching Force, matagumpay na naisagawa ang mga gawaing paghahanda para sa Brigada Eskwela 2026.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga magulang, mga kawani ng TUPAD, at iba pang stakeholders na naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta upang maging malinis, maayos, at handa ang ating paaralan para sa pagbabalik ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at walang sawang suporta!



MASDAN || AGARANG PAGTUGON PARA SA BAGONG SILID-ARALAN! Narito ang mga larawang sumasalamin sa pagkakaisa at pagtutulung...
04/12/2025

MASDAN || AGARANG PAGTUGON PARA SA BAGONG SILID-ARALAN!

Narito ang mga larawang sumasalamin sa pagkakaisa at pagtutulungan para sa unang hakbang ng proyekto. Ito ay dahil sa pangunguna at mabilisang pagtugon ng ating butihing Mayor Alfredo J. Pujeda sa hiling ng mga g**o ng Canaway Elementary School sa pamumuno ng aming ulong g**o, Sir Nomer R. Francia, para sa paggawa ng bagong classroom. Kasama na rito ang agarang paghahakot ng graba at buhangin bilang unang hakbang ng proyekto.

Pasasalamat din sa Engineering Office sa pangunguna ni Engr. Denis, at kay Kapitan Emerson Prohibido, sa tulong at suporta upang agad na masimulan ang proyektong ito para sa ating mga mag-aaral.

Nakakagaan ng puso na makita ang pagkakaisa para masig**o ang mas maayos, ligtas, at makabuluhang lugar ng pagkatuto para sa ating mga mag-aaral.

MARAMING SALAMAT PO!!


Address

CANAWAY GENERAL NAKAR QUEZON
General Nakar
4338

Telephone

+639307758929

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Canaway Es posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share