05/03/2026
Ayon sa sa diksyonaryo, ang Charity ay kusang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras ,kakayahan o materyal na bagay, nang walang hinihintay na kapalit.
Ngunit ayon sa Biblia ang charity ay higit pa sa pagbibigay - ito ay pag-ibig.
Sapagkat ito ay nararapat gawin ng may pag-ibig.
1 Corinto 13:3
"At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at Ialay ang aking katawan upang sunugin,ngunit wala naman akong pag-ibig wala rin akong mapapala."
1 Corinto 13:13
"At ngayon nananatili ang tatlo;
pananampalataya,pag -asa at pag-ibig;
at ang pinakadakila sa mga ito ay pag-ibig."
1Corinto 13:4-5
" Ang pag- ibig ay matiyaga at magandang loob, hindi maiingitin,hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa."
Para sa mga bata, ang charity ay pagbabahagi ng mayroon sila sakanilang kapwa.
Mateo 25: 35-36
" Sapagkat ako'y nagugutom at ako'y inyong pinakain; ako'y nauuhaw at ako'y inyong pinainom. Ako'y isang dayuhan at inyo akong pinatuloy. Ako'y hubad at inyo akong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan."
Mateo 25:40
Anumang ginawa ninyo sa isa sa aking pinakamaliit na kapatid, sa Akin ninyo ginawa."
Para sa kabataan ito ay pagtulong kahit walang nakakakita.
Mateo 6:3-4
"Sa halip kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo ng ipaalam ito maging sa matalik mong kaibigan. Gawin mog lihim ang inyong pagbibigay ng limos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo."
2 Corinto 9:7
" Ang bawat isa ay dapat magbigay ayon sa kanyang pasya, maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay ng may kagalakan."
Para sa mga g**o at pinuno, ito ay pagtuturo at pamumuno ng may malasakit at pag unawa.
Santiago 2:17
" Gayundin naman patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.."
Juan 13:14
"Kung ako ngang Panginoon at G**o ninyo ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din ninyong hugasan ang paaa ng isa't isa."
Juan 13:34-35
"Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon;
magmahalan kayo! Kung paano ko kayo minahal, gayundin naman magmahalan kayo. kung kayo'y may pagmamahal sa isa't isa, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko."
Let our school be known not only for excellence , but more for compassion.
Mateo 24:35
"Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga sinasabi ay mananatili."