24/08/2026
🌱 SINHS Teen Health Kiosk: Paghahanda para sa STAN Workshop 💙
Nagsagawa ang SINHS Teen Health Kiosk Club ng isang mahalagang pagpupulong nitong ika-20 ng Agosto, bilang paghahanda para sa nalalapit na Supporting Teens Through Awareness and Nurturing (STAN) Workshop, na gaganapin sa Setyembre 4, 2026.
Layunin ng workshop na mabigyan ang ating mga kabataan ng sapat at wastong kaalaman tungkol sa kalusugan, mahikayat silang magkaroon ng responsableng pag-uugali sa paghahanap ng serbisyong pangkalusugan, makapagtatag ng Peer Health Navigation/Support Groups, at mabigyan ng pagkakataon para sa Human Papillomavirus (HPV) Vaccination. 💉🩺
Ang aktibidad ay pangungunahan ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society (POGS) – Southern Tagalog Chapter–Quezon, katuwang ang Adolescent Health and Development Program ng Quezon Integrated Provincial Health Office.
💙 Sama-sama nating suportahan ang ating mga kabataan tungo sa mas malusog, responsable, at empowered na kinabukasan!