Ang Dunongawan

Ang Dunongawan DURUNGAWAN NG KAALAMAN AT KARUNUNGAN
Ang Unang Tagalog na Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng San Nicolas National High School

Mula letra hanggang layout, mula balita hanggang isports — walang pahinga sa paglalaban ng katotohanan, sining, at husay...
28/02/2026

Mula letra hanggang layout, mula balita hanggang isports — walang pahinga sa paglalaban ng katotohanan, sining, at husay! Ito ang patunay na kapag pinagsama ang sipag, talino, at puso, tiyak ang tagumpay!

Malugod at buong dangal naming ibinabahagi ang isa na namang makasaysayang tagumpay ng Ang Dunongawan sa ginanap na Division Schools Press Conference 2025.

Kinilala ang pampaaralang pahayagan bilang:

🏆 2ND OVERALL – Division Search for Best School Paper

Gayundin, kinilala ang kahusayan nito sa iba’t ibang kategorya:

• Rank 2 – News Page
• Rank 3 – Editorial Page
• Rank 2.5 – Feature Page
• Rank 2 – Science, Health, and Technology Page
• Rank 2 – Sports Page
• Rank 2.5 – Layout and Design

Ang mga pagkilalang ito ay bunga ng masikhay na paghahanda, mataas na antas ng pagsusuri at pagsulat, malikhaing pagdidisenyo, at higit sa lahat, ng kolektibong dedikasyon ng mga mag-aaral na mamamahayag.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa patuloy na suporta at pamumuno ng aming Punongguro IV, Ma’am Evelyn T. Policarpio, PhD, na walang sawang gumagabay at nagbibigay-inspirasyon sa pagpapaunlad ng campus journalism sa ating paaralan.

Lubos din ang aming pasasalamat sa Ulongguro III sa Filipino, Ma’am Everlyn S. Pascual, sa kanyang gabay, malasakit, at pagtitiyak na ang bawat akda ay sumasalamin sa kahusayan at integridad.

Higit sa lahat, kinikilala at pinasasalamatan ang aming Tagapayo, Sir Jayson V. Cabatuando, sa kanyang walang humpay na pagsasanay, pagtuturo, at paggabay sa bawat yugto ng paghahanda hanggang sa aktuwal na kompetisyon.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang parangal kundi patunay ng ating kolektibong pagsisikap, disiplina, at paninindigan sa pagsusulong ng responsable at makabuluhang pamamahayag.

Patuloy ang aming paglalakbay tungo sa mas mataas pang antas ng kahusayan!

Address

San Nicolas
Gapan
3105

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Dunongawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Ang Dunongawan:

Shortcuts

Share