13/09/2025
Kung ikaw ang panganay,
Ikaw dapat ang palaging malakas,
Ikaw dapat ay palaging matibay,
Ikaw din dapat ay modelo,
Ikaw din dapat ay matapang,
Ngunit sa lahat ng dapat gawin,
Kailangan din ng panganay ng yakap,
Kailangan din niya ng iiyakan,
Kailangan din niya ng suporta at lakas,
Kailan din niya na makita siya,
At kailangan na maramdaman at marinig siya.
Hindi dapat puro siya,
Kailangan ding makibahagi ka.