23/03/2026
๐๐๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐ฝ๐๐๐๐ ๐, ๐ฟ๐๐๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐, ๐ฟ๐๐๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐, ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐ฟ๐ผ๐! ๐น
Ani nila, ang edukasyon ay susi sa magandang kinabukasan. Kayaโt ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng pambansang minorya hinggil sa edukasyong natatamasa ng kanilang mga anak. Dahil salat sa batayang serbisyo publiko ang kanayunan, milya-milyang parang ang nilalandas ng mga ina, magsasaka, at ka-tribo upang marating ang mga pampublikong paaralan sa mga sentro ng bayan. Hindi ito madali, kayaโt nananatili ang mga prubinsya ng Mindanao sa mga lugar na may pinakamaraming kabataan na hindi makapagbasa. Umuugat ito sa balikong prayoridad ng pamahalaan kung saan imbes na magtayo sa ikabubuti ng komunidad ay niraratsada ang pagpasok ng mga mapanirang proyekto gaya ng plantasyon, logging, at minahan sa kinaiyahan. Ginagamit ito ng malalaking negosyante upang dayain ang mga proseso ng pagkuha sa consent ng pamayanang kinauukulan ng mga proyekto.
Ang pagtatatag ng mga Lumad ng sarili nilang sistemang pang-edukasyon ay mahalaga sa kanilang paghahanapbuhay at pagpapanatili sa mga tradisyon. Ito ay kanilang sandata mula sa mga umaagaw sa kanilang lupang ninuno at mga puwersang militar na kaakibat nito. Kayaโt ganoon na lamang kasahol kung susumahin ang mga serye ng pandarahas gaya ng sa Lianga 1&2, Talaingod, at New Bataan sa Davao at ang kasunod nitong pagpapasara sa lagpas 200+ na eskuwelahan.
Paano nga ba inilawan nitong mga simpleng silungan sa gilid ng kabundukan ang madidilim na bahagi ng โdevelopmentโ sa ating bayan? Paano nga ba pinapanday ng mga g**o ang kinabukasan ng bansa?
๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ถ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป, ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ฝ๐ฑ๐ฎ๐ป!: ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ธ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐น๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐๐๐๐๐ฏ๐ผ
๐
PETSA | Mar. 27, 2026
โฑ๏ธORAS | 1:00PM to 4:00PM
๐VENUE | Rizal Hall, Rm 303
๐๐๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐ฝ๐๐๐๐ ๐, ๐ฟ๐๐๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐, ๐ฟ๐๐๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐, ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐ฟ๐ผ๐! ๐น
Ani nila, ang edukasyon ay susi sa magandang kinabukasan. Kayaโt ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng pambansang minorya hinggil sa edukasyong natatamasa ng kanilang mga anak. Dahil salat sa batayang serbisyo publiko ang kanayunan, milya-milyang parang ang nilalandas ng mga ina, magsasaka, at ka-tribo upang marating ang mga pampublikong paaralan sa mga sentro ng bayan. Hindi ito madali, kayaโt nananatili ang mga prubinsya ng Mindanao sa mga lugar na may pinakamaraming kabataan na hindi makapagbasa. Umuugat ito sa balikong prayoridad ng pamahalaan kung saan imbes na magtayo sa ikabubuti ng komunidad ay niraratsada ang pagpasok ng mga mapanirang proyekto gaya ng plantasyon, logging, at minahan sa kinaiyahan. Ginagamit ito ng malalaking negosyante upang dayain ang mga proseso ng pagkuha sa consent ng pamayanang kinauukulan ng mga proyekto.
Ang pagtatatag ng mga Lumad ng sarili nilang sistemang pang-edukasyon ay mahalaga sa kanilang paghahanapbuhay at pagpapanatili sa mga tradisyon. Ito ay kanilang sandata mula sa mga umaagaw sa kanilang lupang ninuno at mga puwersang militar na kaakibat nito. Kayaโt ganoon na lamang kasahol kung susumahin ang mga serye ng pandarahas gaya ng sa Lianga 1&2, Talaingod, at New Bataan sa Davao at ang kasunod nitong pagpapasara sa lagpas 200+ na eskuwelahan.
Paano nga ba inilawan nitong mga simpleng silungan sa gilid ng kabundukan ang madidilim na bahagi ng โdevelopmentโ sa ating bayan? Paano nga ba pinapanday ng mga g**o ang kinabukasan ng bansa?
๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ถ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป, ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ฝ๐ฑ๐ฎ๐ป!: ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ธ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐น๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐๐๐๐๐ฏ๐ผ
๐
PETSA | Mar. 27, 2026
โฑ๏ธORAS | 1:00PM to 4:00PM
๐VENUE | Rizal Hall, Rm 303
11/03/2026
Look: Map of mining projects affecting the Indigenous Peoples of the Philippines
Across the Philippines, Indigenous Peoplesโ ancestral lands are being carved open for large-scale mining. What corporations call โdevelopmentโ has meant displacement, environmental destruction, militarization, and the erosion of Indigenous communitiesโ rights to land, livelihood, and self-determination.
Since the enactment of the Philippine Mining Act of 1995, large portions of the country have been opened to foreign and large-scale mining corporations. By 2023, nearly half of all mining projects in the Philippines (about 49%) were situated within ancestral domains, according to the Legal Rights and Natural Resources Center. This trend is expected to intensify as the Marcos Jr. administration pushes to expand mining operations and position the Philippines as a major supplier of so-called โtransition mineralsโ for the shift toward renewable energy. However, this expansion continues to threaten Indigenous lands, with around 26% of transition mineral mining areas overlapping with Indigenous territories, based on a 2024 report by Global Witness.
This aggressive expansion of the mining industry has resulted in deforestation, pollution of rivers and watersheds, land grabbing, and the destruction of ecosystems that Indigenous communities depend on for food, culture, and survival. At the same time, Indigenous leaders and environmental defenders who resist these projects often face harassment, criminalization, and militarization in their communities. Many are killed for the defense of ancestral lands and the right to self-determination.
Thus, Katribu reiterates the call to junk the Philippine Mining Act of 1995, and to pass the Peopleโs Mining Bill for a more humane, pro-environment, and welfare-oriented mining industry. It is high time that mining projects serve the interests and development of communities across the Philippines, not just to serve the pockets of corporations and politicians.
The struggle for the defense of our rights and ancestral lands continues!
For high resolution photo, visit: https://www.katribu.net/post/look-map-of-mining-projects-affecting-the-indigenous-peoples-of-the-philippines
23/01/2026
TIGNAN | Kasama ang malawak na hanay ng mga mag-aaral sa UP Manila, isinagawa nitong Lunes ang taunang First Day Rage. Naging laman ng diskusyon ang mga umalingasaw na isyu sa enrollment, mga banta sa academic freedom, at lantarang pork barrel na nagpapanatili sa mala-negosyong edukasyon at healthcare system sa bansa. Imbes na tuwirang pagpondo sa mga batayang serbisyo, pinapatakbo ang pamahalaan na tila bang negosyo na pinagpupuhunan ng iilang dinastiya't sikopanteng politiko.
Pasismo ang braso ng isang sistemang nawawalan ng kredibilidad sa mamamayan. Giit ni Ace ng KATRIBU UP Manila, paano maipapaliwanag ang pagpapataw ng Temporary Restraining Order (TRO) sa lagpas 100 na katutubong Molbog at mga paslit kundi ang kumpas ng estado para sa interes ng mga negosyanteng may interes na angkinin ang mga lupang ninuno. Sa isla ng Mindoro ay nagaganap ang pambabakod sa mga katutubong komunidad, malawakang profiling, pambobomba, at pagturing sa mga Mangyan bilang second-class citizens. Ngayong araw din ay nagharap ang sambayanang Dupax del Norte, Nueva Vizcaya laban sa higit 400 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) na naglalayong buwagin ang kanilang barikada. Tumindig ang mamamayan para igiit ang paninindigan at diskontento ng mga Novo Vizcayano sa mapaminsalang paggagalugad ng Woggle Corporation, isang British na kumpanyang pangmina.
Hindi maikakahon sa ligal na terminolohiyang writ of preliminary injunction ang karapatan ng mamamayan mabuhay sa kanilang lupain, isulong ang pansariling pagpapasya ng pambansang minorya! Mula Amianang Luson hanggang Mindanao, wakasan ang development aggression! Lupang ninuno, depensahan at ipaglaban!
07/01/2026
HUSTISYA PARA SA MGA BIKTIMA NA MANGYAN-IRAYA, KABATAAN NG CABACAO MASAKER! UGATIN ANG DAHILAN NG DIGMAAN!
May presensya ng militar sa kanayunan dahil sila ang nagsisilbing pribadong guwardiya ng mga lokal at dayuhang korporasyon at pabrika, at ng mga panginoong maylupa. May presensya naman ng New Peoples Army (NPA) sa kanayunan dahil sa kapasyahan ng mga magsasaka, manggagawa, katutubo at iba pang sektor sa lipunan na hindi tanggaping normal ang kahirapan, kagutuman, sapilitang pagpapalayas sa lupa, pagsasamantala sa mga pagawaan, at mga paglabag sa karapatang pantao dulot ng paghahari ng AFP sa kanayunan.
At ang digmaan ng dalawang panig na ito ay may sinusundang Pandaigdigang Makataong Batas o International Humanitarian Law na linikha upang iseg**o ang kagalingan ng mga sibilyan at mga kombatant na wala sa kakayahang lumaban sa panahon ng digmaan. Ngunit makikita natin, sa mahaba at madugong kasaysayan ng AFP, na hindi nito nirerespeto ang batas sa ngalan ng pagkontrol ng mga komunidad, kahit na may mga sibilyang nasasawi at mga karapatan ng mga kombatant na niyuyurakan.
Sa unang araw pa lamang ng 2026, muli na namang pinatunayan ng AFP na sila ay mga sundalong walang konsensya at walang pakialam sa mamamayan. Sa komunidad ng mga Mangyan-Iraya, walang habas na pambobomba at aerial firing ang ginawa ng pinagsamang elemento ng 203rd Infantry Brigade ng Philippine Army at ang 1st IB, 76th IBPA, 59th IBPA at 5th Scout Ranger Battalion sa Brgy. Cabacao, Abra de Ilog, Occidental Mindoro. Imbis na salubungin ng komunidad ang bagong taon nang mapayapa, pinaulanan nila ito ng baril at bomba. Tiyak na โoverkillโ ang operasyong ito dahil nagdeklara ang NPA ng โceasefireโ at tinarget ng AFP ang isang sibilyang komunidad.
Nagdulot ito ng pagkasawi ng tatlong (3) katutubo at batang Mangyan-Iraya, habang sugatan ang kanilang ina, kabilang rin ang (1) isang kabataan na si Jerlyn Rose Daydora, isang mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Kasama rin sa hindi pa nakikita si Chantal Anicoche, isang B.S. Psychology graduate mula University of Maryland, Baltimore County (UMBC), na napabalitang nahiwalay dahil sa sunud-sunod na atake ng militar. Kapwa kabataang mananaliksik si Jerlyn at Chantal na buong pusong nagpasya na pumunta sa mga komunidad upang unawain ang kalagayan ng mga katutubo at masang magsasaka sa Abra de Ilog. Hindi lamang buhay ang nasawi kundi mga kabuhayang pinaghirapan ng mga magsasaka at katutubo ang naapektuhan, limang (5) hayop ang namatay kabilang ang dalawang (2) baka at tatlong (3) baboy.
Nais ng AFP panatilihin ang kanilang dominasyon sa probinsya ng Mindoro ay dahil sa masaganang likas na yaman dito. Pinamumugaran ito ng lokal at dayuhang negosyante na ang tanging layunin ay ekoturismo sa lalawigan, kabilang na rito ang โLuyang Baga Caveโ sa Brgy. Cabacao na nais ipasara ng lokal na pamahalaan ng Occidental Mindoro dahil sa pansariling interes nito. Mapanganib ang pagsasagawa nito dahil mahahadlangan ang kabuhayan sa pagsasaka ng mga katutubong Mangyan-Iraya na nakapalibot sa kweba, pati na rin ang ilog palaisdaan na bumubuhay sa maraming komunidad ng Cabacao.
Ngayon, kitang-kita na balatkayo at hugas-kamay ang AFP sa pagtatakip ng katotohanan na mayroong na mga sibilyan ang kanilang minasaker at โoverkillโ ang kanilang operasyon. Marapat lamang na magkaroon ng indipendiyenteng humanitarian mission na titingin sa kalagayan ng komunidad at tiyakin na maibabalik sa mga pamilya ang mga labi ng mga biktima.
Matapang na naninindigan at nakikiisa ang Kabataan Para sa Tribung Pilipino (KATRIBU) sa mamamayang lumalaban at mga katutubo sa Mindoro laban sa tumitinding militarisasyon. Singilin at panagutin ang rehimen ni Marcos Jr. na ipinapanguna ang paggasta ng pondo sa militarisasyon, sa halip na ilaan ito sa mga batayang serbisyo, pagtatayo ng industriya, at pagkakaroon ng tunay na reporma sa lupa.
Hustisya para kay Jerlyn Rose Doydora!
Hustisya para sa tatlong batang Mangyan-Iraya!
Ilitaw si Chantal Anicoche!
Panagutin ang 203rd IBde at 2nd IDPA!
08/12/2025
PAANO NILALABAG NG KORAPSYON ANG KARAPATANG PANTAO NG PAMBANSANG MINORYA? ๐ค
Ang pinakamalawak na pagnanakaw sa Pilipinas ay yaong pagdadarambong sa lupa. Ang karapatan sa lupa sumasanga sa pagkakaroon ng kabuhayan, tirahan, dignidad at kapanatagan. Taon-taon ay lumiliit ang espasyo ng mamamayan sa kapuluan dahil kung hindi tuluyang maagaw ng kapital ay winawasak ng mga nananalasang bagyo at lindol. Ang panganib ay nagiging disgrasya dahil hinahayaan at kasabwat ang mga nakikiusyoso sa kalupaan.
Lumilitaw ang karahasan at pasismo tuwing lubos ang krisis sa lipunan. Ang walang pakundangang panliligalig, paniniktik, at pagpatay ay paraan ng estado upang ipilit ang nawawala na nitong kredibilidad sa mamamayan. Ang pagtindig laban sa korapsyon at pinagmulan nitong burukrata-kapitalismo ay pagtindig din para sa karapatang pantao at pakikitunggali sa sabwatan at pasismo. ๐ป
Sanggunian:
(2021). In search of justice: 53 years of the Jabidah Massacre - BARMM Official Website. BARMM Official Website - Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. https://bangsamoro.gov.ph/news/latest-news/in-search-of-justice-53-years-of-the-jabidah-massacre/
Northern Dispatch. (2023). NCIP hit over unsettled Apayao dam issue. AlterMidya. https://www.altermidya.net/ncip-hit-over-unsettled-apayao-dam-issue-2/
Santos, S. A. (2011). Sa isla ng mga Mangyan. https://pinoyweekly.org/2011/04/sa-isla-ng-mga-mangyan/
Titong, R. (2024, July 26). Negros Occidental mayor allays fears over P2-billion palm oil plantation project. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/visayas/negros-occidental-mayor-ray-ruiz-allays-fears-candoni-palm-oil-plantation-project/
Basahin ang buong pahayag sa mga litrato ng post. ๐
GUNITAIN ANG PANDAIGDIGANG ARAW NG KARAPATANG PANTAO NGAYONG DEC. 10! ๐๏ธ
โฐ 9AM Bonifacio
29/11/2025
ANG BAYAN AY BINABAHA, KAYA DADALUYONG ANG MASA ๐
Isang makasaysayang araw ang kaarawan ni G*t. Andres Bonifacio. Ang kaniyang alaala ay patunay sa kalakasan ng masang anakpawis tuwing iginigiit ang kanilang pansariling pagpapasya sa harap ng lumalalang krisis sa lipunan. Ang mga kaganapan sa Himagsikang Pilipino ay paalala na magpasahanggang-ngayon ay kinakamkam ng mga burukrata-kapitalista, panginoong maylupa, at imperyalista ang yaman ng bayan upang magsilbing ganansya. Kung noon ay sa Calamba, ngayon ang Mindoro at Apayao ay pinagnanakawan ng kapanatagan bunsod ng kabi-kabilang pagtotroso, paghuhukay ng ilog, pagpapatayo ng dams, at huwad na maka-kalikasang enerhiya.
Hindi mabilang ang mga tampalasan sa kalikasan at lupang ninuno ng rehimeng Marcos-Duterte at kanilang mga alipores kagaya nila Romualdez, Co, at Ang. Imbes na ilaan ang pondo ng mamamayan sa matinong serbisyo-publiko, pambansang industriya, at pagtanggol ng mga karapatan ay nilulustay ito sa mga proyektong may donasyon mula sa mga dayuhang bansa. Kabi-kabilang anomalya sa sabangan ng ilog Abulug at Jalaur, minahan sa Dupax del Norte, at resort sa Sitio Malatabako, Abra de Ilog. Lahat ito habang dinadayukdok ng pagkain at lupa ang mamamayan at tumatakbo sa napakalaking deficit ang badyet nang halos isang dekada na. Ang sagot pa sa mga manananggol ng kalikasan at seguridad sa pagkain ay hambog na pasismong kumikitil ng produktibong pag-uusap.
SERBISYO SA TAO, HUWAG GAWING NEGOSYO!
Kondukta:
โฐ 8:00AM - 8:30AM - NatMin Program
โฐ 8:30AM - 12:00PM - Luneta
โฐ 12:00PM - 2:30PM - Mendiola