20/07/2019
Mahigit limang taon na nung sumablay kami at huling naging estudyante sa CAS.
Limang taon bago ang ilan sa amin ay nagsipag trabaho na, nagbayad na ng buwis, at yung ilan ay nagsipag aral ulit.
Limang mahahabang taon. Nakatapos na ulit ng pag aaral yung ilang blockmates namin. Mayroon pang nagsusunog ng kilay. Mga magigiting na doktor at abogado. May mga established na sa mga ahensya ng gobyerno lokal man o pambansa, mga beterano na sa pribadong sektor. may propesor sa intramuros, may steward ni Lucio Tan. Mayroong mga nagsisimula pa lang ng mas mahirap na pagsubok sa pagbuo ng pamilya.
Miss ko na silang lahat.
Miss ko na noong mas simple pa ang lahat.
Miss ko na ang gula gulanit na classroom sa RH at Gab. Ang yumaong Gab Caf at ang mga makukulay na tao rito. Si Ate Nutrilicious, Si Kuya X, si bunso at yung mga "nanay" niya sa Binalot. Si Chris Brown, Si Lady Ga-Guard. Si Kuya sa Little Theater(!)
Miss ko na ang tambayan. Ang pagpapatila kahit wala na mang ulan. Yung mga kainan, kapihan, milktea-han at bookstores sa Rob at Faura.
Limang taon. Kalahating dekada. Grabe.
Wala tayong kaalam alam na mapupunta tayo sa ganitong punto sa buhay natin.
Osya! Drama ko na masyado. Pagod lang siguro ako sa trabaho 😁