20/04/2020
Hey Doñans!!!! Namiss namin kayo!!!
Kamusta ka??? Well, alam kong bored ka na diyan sa bahay ninyo. Puwes, gawin nating mas exciting yan...
Sumali na sa aming pakulo na PICK-ture ModelChallenge ng SSG!!!
Kada araw ay mamimili kami ng isang pick-ture challenge winner na makatatanggap ng 20 pesos load!!! Tama ang nabasa mo, everyday to!!!
Ano ang mga kailangang gawin???
1.Ilike ang page na ito.
2. Kumuha ng isang picture mo. Oo, ikaw na estudyante lamang ng DMGHS (Grade 8-12).
3. Gawin itong creative... Pede ang make-ups pero wag gagamitan ng emojis or filters. Projection is the key.
4. Sa pagkuha ng inyong larawan, pedeng gumamit ng props tulad mga mga sususunod: palanggana, plato, walis tambo o tingting, tolda, basahan, lubid, electric fan, tabo, sabon, payong at kung ano - ano pa.
5. Siguraduhing ang picture ay kinuha sa loob lamang ng bahay.
6. Bawal po sa kalsada or sa labas, maliban na lamang sa terrace or bakanteng lugar malapit sa bahay neo...Iwasan ang paglabas. Dahil pinakapurpose ng pacontest na ito ay maalis ang pagkainip ninyo at iwasan at paglabas ng bahay bilang ating tugon sa panawagan ng pamahalaan dahil sa quarantine period na ito.
7. Isang entry lamang po sa isang araw ang pede naming tanggapin sa bawat estudyante.
8. I-pm lamang kay Sir Ram Halle Gaffud or sa page na ito ang inyong entry kasama ng inyong kumpletong pangalan at CP number.
9. Kung ikaw ay nanalo na, maaari ka pading sumali sa mga susunod pang mga araw.
10. Ang PICK-ture Model Challenge Contest na ito ng SSG DMGHS ay hanggang April 30, 2020.
11. Ipopost namin sa page na ito ang mananalo bawat araw.
12. Ang pag susubmit ng entries ay mula 12 ng tanghali hanggang 5 ng hapon para sa araw na iyon.
13. Siguraduhing nakaangkop ang inyong PICK-TURE entry sa temang LOOKING FAB IN MY HUB: COVID19 HOME QUARANTINE
CRITERIA
Relevance to the Theme 40%
Originality and Creativity 40%
Projection and Technicality 10%
Overall Impact 10%
Good luck at gawin nating masaya ang COVID-19 Quarantine period sa loob ng bahay na masaya at meaningful!!!
sa inyong mga katanungan, i-pm lamang ang page na ito- Doña Magdalena H. Gaffud High School Supreme Student Government 2020-2021