02/08/2026
Sa mabilis na pag-unlad at paglawak ng teknolohiya ay patuloy na nagbabago ang pagkatuto, pakikipag-ugnayan, at komunikasyon. Gayunpaman, sa kabila ng mga pagbabago ng mga instrumento ay nananatili ang pagyabong at nagsisilbing matatag ang pundasyon ng wikang Filipino. At mananatili ang paghubog sa bansa ng ating mayamang kasaysayan.
Isa sa mga pinakamahalagang inobasyon sa kasalukuyan ay ang Artificial Intelligence o AI na nagsisilbing kasangkapan sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapayabong ng ating sariling wika, kultura, at tradisyon. Sa kabila ng mga panganib na maaari nitong mapalitan ang tao, ang wika at kasaysayan ay mananatiling buhay sa paglikha at pagpapalaganap ng kaalaman sa ating kamalayan.
Ang wikang Filipino ay hindi lamang paraan ng pakikipagtalastasan. Ito rin ay sumasalamin sa kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan ng bawat Pilipino. Sa pamamagitan ng paggamit AI, magbubukas ng bagong kaalaman sa pagkatututo ng wika, sa kadahilanang mapapadali nito ang pagsasalin ng mga impormasyon, paghahanap ng mga sanggunian, at pagsasagawa ng pananaliksik.
Gayunpaman, hindi dapat lubusang umasa sa teknolohiya. Ang AI ay magsisilbing gabay lamang sa pagpapalawak ng kaalaman upang maging mas makabuluhan ang pagpapayabong ng pagkatuto, pananaliksik, paglikha ng makabuluhang kasangkapan sa pagpapanatili ng wika, kultura at pagkakakilanlan.
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Magkasamang Humuhubog sa Kinabukasan," at Buwan ng Kasaysayan na "Hinubog ng Bayan, Dinuyan ng Alon," nawa'y maging paalala sa ating lahat na ang wikang Filipino at ang kasaysayan ay mananatiling iisa at buhay dahil ito ay nakaugat sa ating lipunan. Ang wika at kasaysayan ay patuloy na uunlad kung ito ay gagamitin at pahahalagahan kasabay ng makabagong teknolohiya.
Malugod na inaanyayahan ang lahat na makiisa at makilahok sa mga gawaing inihanda para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan.
Mabuhay ang Wika at Kasaysaya