19/08/2026
SPA, Isinusulong na Karagdagang Special Curricular Program sa PMPKD
Isinusulong ng Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Donsol (PMPKD) ang Special Program in the Arts (SPA) bilang karagdagang special curricular program na maaaring ipatupad sa paaralan sa susunod na taong panuruan.
Kaugnay nito, dumating ngayong araw si G. Shealtiel M. Lista, Program Training and Development Officer at Division MAPEH Coordinator ng SDO Sorsogon, upang magbigay ng mahahalagang input at gabay hinggil sa pagpapatupad ng SPA.
Sa kanyang pagbisita, ibinahagi ni G. Lista ang mga mahahalagang konsiderasyon sa pagpaplano ng programa, kabilang ang mga kinakailangang hakbang at paghahanda ng paaralan upang maisulong ang panukalang espesyal na programa.
Layunin ng SPA na mabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong mapaunlad ang kanilang talento, kasanayan, at pagpapahalaga sa iba’t ibang larangan ng sining.
Ang kanyang pagbabahagi ng kaalaman at gabay ay inaasahang makatutulong sa PMPKD sa maayos na pagpaplano at paghahanda para sa posibleng pagpapatupad ng SPA sa susunod na taong panuruan.
Patuloy na isinusulong ng PMPKD ang mga programang tumutugon sa talento, interes, at pangangailangan ng mga mag-aaral tungo sa mas inklusibo at makabuluhang edukasyon.