DCPC, Samahan ng Mag-aaral sa Filipino

DCPC, Samahan ng Mag-aaral sa Filipino Don Carlos Polytechnic College (DCPC)

Samahan ng Mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL) โค๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Maligayang kaarawan, Earl!๐Ÿฅณ
19/08/2026

Maligayang kaarawan, Earl!๐Ÿฅณ

Pangkalahatang Asembleya ng SAMAFIL Puno ng sigla, pagkakaisa, at bagong inspirasyon ang isinagawang Pangkalahatang Asem...
18/08/2026

Pangkalahatang Asembleya ng SAMAFIL

Puno ng sigla, pagkakaisa, at bagong inspirasyon ang isinagawang Pangkalahatang Asembleya ng Samahan ng Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL).

Sa pagbubukas ng programa, ipinakilala ang mga bagong g**o sa Medyor ng Filipino. Sinundan ito ng pagpapakilala sa mga bagong halal na opisyales ng samahan na mangunguna sa mga gawain at programa ng organisasyon.

Tinalakay rin ang mahahalagang usapin kabilang ang CBL, kalagayang pinansyal, mga kasalukuyang proyekto, at mga mungkahing proyekto. Naging bahagi rin ng talakayan ang mga aktibidad para sa nalalapit na Buwan ng Wikang Pambansa 2026, kabilang ang paghahanap ng mga kalahok na magdadala ng husay at karangalan sa SAMAFIL sa iba't ibang patimpalak.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga kasaping dumalo, nakiisa, at nagbahagi ng kanilang suporta. Patuloy nating pagyamanin ang diwa ng pagkakaisa, paglilingkod, at pagmamahal sa wikang Filipino.


18/08/2026
17/08/2026

๐–๐ข๐ค๐š๐ข๐ง ๐Œ๐Ž! (๐ˆ๐Š๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐–๐„๐๐ˆ๐๐€๐‘)

Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa apat (4) na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyonโ€

Para sa IKALAWANG SERYE NG WEBINAR, ang tagapanayam sa paksang โ€œEdukasyon at Etika sa AIโ€ ay ibabahagi ni Prop. Rachel Edita O. Roxas, PhD, ng Unibersidad ng Pilipinas-Los Baรฑos. Ito ay gaganapin sa 18 Agosto 2026, 10:00 nuโ€“12:00 nt pamamagitan ng zoom at magkakaroon ng live stream sa opisyal na page na ito.

Ipinaalala na limitado ang slot na maaaring lumahok via zoom, subalit maaaring tunghayan ang lektura sa live stream. Ang mga dadalo sa webinar ay makatatanggap ng e- sertipรญko mulรข sa KWF sa pasubaling matutugunan ang kahingian ng webinar. Hindi ito maipagkakaloob agad pagkatapos ng webinar. Ipapadala ito sa rehistradong email sa pagkakataong nakahanda na.

HALINAโ€™T MAKILAHOK, MAKIPAGTANGHALAN, AT IPAGMALAKI ANG WIKANG FILIPINO! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญNgayong Buwan ng Wikang Pambansa 2026, sama-s...
15/08/2026

HALINAโ€™T MAKILAHOK, MAKIPAGTANGHALAN, AT IPAGMALAKI ANG WIKANG FILIPINO! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ngayong Buwan ng Wikang Pambansa 2026, sama-sama nating ipagdiwang ang kagandahan, kahalagahan, at patuloy na pag-unlad ng ating wikang Filipino sa makabagong panahon!
Sa ilalim ng temang:

โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyonโ€

Handa na ba kayong ipakita ang inyong talento, talino, pagkamalikhain, at husay? ๐ŸŽค๐Ÿ“š๐ŸŽจ๐Ÿค–

Narito ang mga patimpalak at aktibidad na inihanda upang maging mas makabuluhan, masaya, at makulay ang ating pagdiriwang! ๐ŸŒŸ

๐Ÿ† Makipagtagisan ng talento.
๐Ÿ’ก Ibahagi ang inyong mga ideya.
๐Ÿ“– Gamitin ang wika sa paglikha at pagkatuto.
๐Ÿค– Tuklasin ang makabagong gamit ng teknolohiya at AI.

Hindi lamang ito simpleng paligsahan ito ay pagkakataon upang matuto, lumikha, makibahagi, at maipakita ang husay sa paggamit ng Wikang Filipino sa makabagong panahon.

๐Ÿ“ข Kaya, ano pa ang hinihintay mo?
Piliin ang iyong patimpalak, ihanda ang iyong talento, at makiisa sa pagdiriwang!

๐Ÿ‘€ Tingnan ang bawat larawan para sa mga patimpalak, mekaniks, at iba pang detalye.

๐Ÿ“ŒKung nais sumali ay maaari kayong lumapit sa inyong organisasyon para magpalista na at makiisa sa ating mga patimpalak.

Makiisa. Makilahok. Makipagtanghal. Ipagmalaki ang Wikang Filipino!




Malugod na Pagbati!Buong-pusong binabati ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino ang mga mag-aaral ng BSED Filipino na s...
15/08/2026

Malugod na Pagbati!

Buong-pusong binabati ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino ang mga mag-aaral ng BSED Filipino na sina Claire Angelie C. Branzuela, Cryst Lyn Kyz P. Ortega, Kyrel Mae G. Tumulak, Krizzel Joy O. Flores, Earl Hanz D. Movera, at Criztan L. Yamit, kasama ang kanilang tagapayo sa pananaliksik at mga katulong na may-akda na sina Bb. Maricris M. Caรฑedra, MALE, at Bb. Jinky A. Literatus, MALE, sa matagumpay na pagkakapalathala ng kanilang pananaliksik na pinamagatang โ€œIMPLIKASYON NG PAGGAMIT NG ARTIFICIAL INTELLIGENCE (AI) SA AKADEMIKONG PAGSULAT NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINOโ€ sa IGNATIAN: International Journal for Multidisciplinary Research.

Ang inyong tagumpay ay isang malinaw na patunay ng inyong masigasig na paggawa, dedikasyon, at paninindigan sa kahusayang akademiko.

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang inyong tagumpay sa kapwa ninyo mag-aaral sa Edukasyong Pang-g**o upang patuloy na Magsagawa ng makabuluhang pananaliksik, yumakap sa makabagong kaalaman, at mag-ambag sa pag-unlad ng edukasyon sa pamamagitan ng de-kalidad na pananaliksik at akademikong pagpapalimbag.

Pagbati!Buong pagmamalaking binabati ng pamunuan ng mga Mag-aaral ng Don Carlos Polytechnic College โ€“ Teacher Education ...
15/08/2026

Pagbati!

Buong pagmamalaking binabati ng pamunuan ng mga Mag-aaral ng Don Carlos Polytechnic College โ€“ Teacher Education ang mga mag-aaral ng BSED Filipino na sina Recil Jane B. Barbarona, Sheila Jane L. Tabog, Sandara Q. Andoy, Mary Jean C. Flores, Mariss B. Vistal, at James B. Dacion, kasama ang kanilang mga tagapayo sa pananaliksik at mga kapwa may-akda na sina Maโ€™am Maricris M. Caรฑeda, MALE, Sir John Mark B. Traรฑa, MALT, Maโ€™am Jinky A. Literatus, MALE, at Maโ€™am Cleandy Jane R. Obquia, MAEd, sa pagkakalathala ng kanilang papel-pananaliksik na pinamagatang KUAN: ISANG DISKURSAL NA PAGSUSURI NG BISAYANG TAGAPUNO SA ASIGNATURANG PAGSASALIN SA IBAโ€™T IBANG DISIPLINA, na inilathala sa International Journal of Advanced Research Worldwide (IJARW), Volume 8, Issue 1 (Hulyo 2026).

Ang inyong tagumpay ay patunay ng inyong sipag, dedikasyon, at matibay na pagsusumikap para sa kahusayan sa akademiko.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang inyong tagumpay sa mga kapwa mag-aaral ng Teacher Education na ipagpatuloy ang makabuluhang pananaliksik at makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman sa pamamagitan ng de-kalidad na pananaliksik at mga publikasyong akademiko.

14/08/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ‘๐Ÿ“ ๐š๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ, ๐Š๐–๐…!

Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104, na nilagdaan noong 14 Agosto 1991.

Nagpapatuloy ang natatanging ahensiya ng pamahalaan sa tungkulin nito sa pagpapalaganap, pagpapaunlad, at presebasyon ng wikang Filipino at mga katutubong wika ng Pilipinas.

Sa marami pang taon para sa paglilingkod sa ating mga wika at kultura!

LIMANG PANGKAT, ISANG DIWA, ISANG LAYUNIN! Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, kilalanin ang limang pangkat...
13/08/2026

LIMANG PANGKAT, ISANG DIWA, ISANG LAYUNIN!

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, kilalanin ang limang pangkat na magpapakita ng talino, pagkamalikhain, pagkakaisa, at pagmamahal sa Wikang Filipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Sa kabila ng pagkakaiba ng bawat pangkat, iisa ang kanilang layuninโ€”ang paggamit ng kaalaman, wika, at teknolohiya nang may talino, pananagutan, at malasakit sa bayan.

โœจ Sino ang iyong grupo?
๐Ÿ’ฌ I-comment ang inyong grupo at ipakita ang inyong DiwaNgWika2026!





๐Ÿ“œ ANUNSYO PANGKALAHATANG ASEMBLEYA NG SAMAHAN NG MAG-AARAL SA FILIPINO (SAMAFIL) Sa lahat ng kinauukulan: Ipinababatid s...
12/08/2026

๐Ÿ“œ ANUNSYO

PANGKALAHATANG ASEMBLEYA NG SAMAHAN NG MAG-AARAL SA FILIPINO (SAMAFIL)

Sa lahat ng kinauukulan:

Ipinababatid sa lahat ng mag-aaral at kawani ng Don Carlos Polytechnic College na magsasagawa ang Samahan ng Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL) ng kanilang Pangkalahatang Asembleya sa:

๐Ÿ“… Petsa: ika-13 ng Agosto, 2026
โฐ Oras: ika-1:00 ng hapon hanggang ika-4:00 ng hapon
๐Ÿ“ Lugar: DCPC covered Court

Sa nasabing pagtitipon, tatalakayin at ilalatag ang mga napagkasunduang plano, mga gagawing programa, mga proyekto, at mga mithiin ng samahan para sa unang semestre ng Taong Panuruan 2026โ€“2027.

Address

Don Carlos
8712

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8:15am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DCPC, Samahan ng Mag-aaral sa Filipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share