24/08/2026
Bilang mga Muslim, nararapat nating itanong: “Ginawa ba ito ng Propeta Muhammad, sallallahu alaihi wa sallam? Itinuro ba niya ito sa kanyang mga sahabah?”
Huwag po nating pairalin ang ating sariling kagustuhan sa usapin ng pagsamba. Hindi lahat ng bagay na sa tingin natin ay maganda o mabuti ay maaaring gawing bahagi ng ibadah kung wala itong batayan mula sa Qur'an at Sunnah.
Mag-ingat din tayo sa walang batayang paggaya sa mga gawain ng iba na taliwas sa patnubay ng Islam. Ang pamantayan natin bilang mga Muslim ay hindi kung ano ang popular o nakasanayan, kundi kung ano ang ipinahayag at pinahintulutan ni Allah at ng Kanyang Sugo
Sundin po natin ang mga ipinag-utos ng Allah mula sa Qur'an at ang mga itinuro at isinagawang paraan ng pagsamba ni Propeta Muhammad, sumakanya ang kapayapaan at pagpapala.
لا يجوز الاحتفال بمولد الرسول ﷺ ولا غيره؛ لأن ذلك من البدع المحدثة في الدين؛ لأن الرسول ﷺ لم يفعله، ولا خلفاؤه الراشدون، ولا غيرهم من الصحابة رضوان الله عليهم، ولا التابعون لهم بإحسان في القرون المفضلة، وهم أعلم الناس بالسنة، وأكمل حبًا لرسول الله ﷺ ومتابعة لشرعه ممن بعدهم.
وقد ثبت عن النبي ﷺ أنه قال: «من أحدث في أمرنا هذا ما ليس منه فهو رد»، وقال في حديث آخر: «عليكم بسنتي وسنة الخلفاء الراشدين المهديين من بعدي، تمسكوا بها وعضوا عليها بالنواجذ، وإياكم ومحدثات الأمور، فإن كل محدثة بدعة، وكل بدعة ضلالة».