21/09/2025
[πππππππππ ππ ππππ πππππππππππ ππ
πππ πππππππππππ ππ
πππππππ πππ]
Sa Ilog at Lawa lamang ba Matatagpuan ang mga Buwaya?
Ika-53 taon nang nakalilipas mula ideklara ang Batas Militar sa bansa sa ilalim ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. Ilang taon na ang nakararaan at tiyak ang bansa ay lugmok pa rin sa kahirapan at may kinakaharap na matinding korapsyon. Bakas pa rin ang sugat ng kahapon, patuloy pa rin ang kinakaharap na delubyo ng sambayanang Pilipino hanggang sa kasalukuyang administrasyon. Marcos noon at Marcos ulit ngayon. Mga buwayang likas lamang sa ilog at lawa, nagsulputan na sa kamara. Wala pa ring ipinagbago sa kalagayan ng ating bansa.
Sa rehimeng Marcos Sr., nagmarka ng sandamakmak na kalupitan sa bansa: 3,257 ang biktima sa pagpapahirap ng mga militar; 737 ay biktima ng biglaang pagkawala o forced disappearances; 35,000 na kaso ng pagpapahirap o torture ang nadokumento; at 70,000 naman ang arestado dahil lamang sa pagiging saksi ng mga anomalya at paglabag sa mga karapatang pantao [3]. Samantala sa ilalim ni Pangulong Marcos Jr., mula 2022 hanggang 2024, naitala naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mahigit 212 ang namamatay kada taon bunsod ng kalamidad mula sa mga bagyo, baha, at matinding pag-ulan [2]. Mga proyektong kontra baha at makapagbibigay sana ng ginhawa para sa mga mamamayan, nauwi lamang sa kapahamakan at kasakiman. Buhay ang naging kapalit noon, buhay rin ang nagiging kapalit ngayon. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Kailan kaya matututo mula sa nakaraan para matamo ang totoong kalayaan?
Kaya naman, ang University of the Philippines Mathematics Majorsβ Circle (UPMMC) ay tumitindig muli laban sa katiwalian at bulok na sistema ng gobyerno. Naniniwala at pinapahalagahan ng organisasyon ang integridad, katarungan, at pananagutan. Walang anomang pagkiling o pagpabor ang organisasyon sa anomang partido politikal, bagkus naninindigan lamang sa kung ano ang tama para sa sambayanan. Makakamit lamang ang totoong kaunlaran at pribilehiyo para sa mga mamamayan kung mayroong tapat na panunungkulan.
Samakatuwid, hinihikayat ng aming organisasyon ang lahat ng mag-aaral, kapwa kabataan, at ang masa na sumapi at makibaka laban sa katiwalian. Maraming mga Pilipino na ang naghirap mula sa mga palpak at mala-multong proyekto kontra baha at ang mga anomalyang pamamalakad ng mga kontraktor at Department of Public Works and Highways (DPWH) [1]. Kung kayaβt, nararapat lamang na harapin at panagutin ng mga tiwaling opisyales ang darating na baha sa Luneta. Tayo naβt kumilos sa Trillion Peso March sa EDSA ngayong Linggo, Setyembre 21. Ang pagkilos ay para sa bansa at boses ng mamamayan ang dapat marinig at mamayagpag.
NEVER FORGET, NEVER AGAIN!
NEVER AGAIN TO MARTIAL LAW!
MARCOS SINGILIN, DUTERTE PANAGUTIN!
References:
[1] Abanto, R. (2025, August 19). DPWH chief admits existence of βghostβ flood control projects, vows probe | ABS-CBN News. ABS-CBN. https://www.abs-cbn.com/news/nation/2025/8/19/dpwh-chief-admits-existence-of-ghost-flood-control-projects-vows-probe-1233
[2] Mangaluz, J. (2025b, August 20). Philippines spends billions on flood projects, but disasters keep killing. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2025/08/20/2466670/philippines-spends-billions-flood-projects-disasters-keep-killing
[3] S, D. D. E., Maria, S. G., & Punongbayan, J. C. (2021). Martial law and the Philippine economy. https://hdl.handle.net/10419/266061
Statement writer: Koshin Cy Ubaldo