Opisina ng Faculty Regent

Opisina ng Faculty Regent This is the official page of the UP Office of the Faculty Regent.
(1)

๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ข๐œ ๐…๐ซ๐ž๐ž๐๐จ๐ฆ ๐…๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ˆ๐๐ข๐ง๐š๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‚๐ž๐›๐ฎKahapon, ika-12 ng Agosto, idinaos ng UP Office of the Faculty Regen...
13/08/2026

๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ข๐œ ๐…๐ซ๐ž๐ž๐๐จ๐ฆ ๐…๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ˆ๐๐ข๐ง๐š๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‚๐ž๐›๐ฎ

Kahapon, ika-12 ng Agosto, idinaos ng UP Office of the Faculty Regent, sa tulong ng All U.P. Academic Employees Union, All UP Academic Employees Union- UP Cebu Chapter All UP Academic Employees Union - Diliman Chapter, at Alliance of Concerned Teachers-Philippines, ang Academic Freedom Forum sa Performing Arts Hall, University of the Philippines Cebu.

Bilang panimula, nagbigay ng pambungad na pananalita si UP Cebu Vice Chancellor for Academic Affairs Palmy Pe-Tudtud, na sinundan ni Prop. Carl Ramota ng UP Manila para sa diskusyon ukol sa pagpupunyagi upang ipaglaban ang akademikong kalayaan. Nagsilbing tagapadaloy si Prop. Glory Dee Romo ng UP Mindanao.

Sa panel discussion naman, pinalawig nina Prop. W***y Alangui ng UP Baguio at Mr. Reemar Alonsagay ng Mindanao State University-Marawi ang hamong kinahaharap ng iba't ibang institusyong pang-akademiko sa bansa. Dagdag pa, binigyang-diin ni Ms. Lucky Loreen Legaspi ang kahalagahan ng regularisasyon at security of tenure para sa mga edukador at education support personnel bilang magkakawing na pangangailangan upang mapagtibay ang praktika ng akademikong kalayaan.

Panghuli, nagbigay ng diskusyon si Prof. Rommel Rodriguez sa kahalagahan ng mga unyon at organisasyon at hinikayat ang bawat isa na lalo pang pag-igtingin ang sama-samang pagkilos upang depensahan ang Academic Freedom. Nagsilbing tagapadaloy si Asst. Prof. Katrina Ortega ng UP Diliman.

Upang isarado ang programa, ibinahagi ni UP Faculty Regent Early Sol Gadong ang pangangailangan na malaman ang pananaw at paninindigan ng mga taga-Visayas at Mindanao sa usapin ng akademikong kalayaan. Nagbigay hamon din siya sa mga delegado na bitbitin ang mga aral na natutunan mula sa Forum.

Upang iugnay ang usapin ng akademikong kalayaan sa isyu ng masa, pagkatapos ng programa ay nagkaroon ng Basic Masses Integration na aktibidad sa Carbon Public Market, kung saan pinagtibay ang paninindigan laban sa komersiyalisasyon at para sa pagpapanatili ng public market bilang pampublikong serbisyo.

Bahagi ang Academic Freedom Forum ng ACT-SUC Visayas-Mindanao Summit at dinaluhan ng mga faculty regents, edukador, unyonista, mananaliksik, at mga kawaning pang-edukasyon mula sa iba't ibang State Universities and Colleges sa Luzon, Visayas, Mindanao.

Sa buong araw, pinagtibay na ang akademikong kalayaan ay karapatan ng bawat mamamayan at nararapat lamang depensahan at ipaglaban.


๐…๐š๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฒ ๐‘๐ž๐ ๐ž๐ง๐ญ, ๐๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ก๐จ ๐ง๐  ๐€๐ฅ๐ฅ ๐”๐ ๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ข๐œ ๐„๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐ž๐ž๐ฌ ๐”๐ง๐ข๐จ๐งPormal nang binuksan ngayo...
11/08/2026

๐…๐š๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฒ ๐‘๐ž๐ ๐ž๐ง๐ญ, ๐๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ก๐จ ๐ง๐  ๐€๐ฅ๐ฅ ๐”๐ ๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ข๐œ ๐„๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐ž๐ž๐ฌ ๐”๐ง๐ข๐จ๐ง

Pormal nang binuksan ngayong araw sa UP Cebu ang Pambansang Konseho ng All UP Academic Employees Union (AUPAEU), na nagtitipon sa mga lider at kinatawan ng unyon upang talakayin ang mahahalagang usapin at isyung kinakaharap ng mga g**o, kawani, at iba pang sektor sa loob at labas ng Unibersidad.

Nagbigay ng Pambungad na Pananalita si UP Faculty Regent Early Sol Gadong bilang pakikiisa sa pagbubukas ng Pambansang Konseho at sa patuloy na pagsusulong ng mga adhikain ng mga akademikong empleyado.

Kasama rin sa programa si AUPAEU National President Prof. Rommel Rodriguez na nagbigay din ng Pambungad na Pananalita, habang nagbigay naman ng Bating Pagtanggap si AUPAEU Cebu Chapter President Prof. Noe Santillan.

Bitbit ang temang โ€œKusog ug Panaghiusa, Asdang sa Pakigbisog: 25 Taon ng Militante, Progresibo, Makabayang Unyonismo,โ€ tampok sa pagtitipon ang diwa ng pagkakaisa, kolektibong pagkilos, at patuloy na pagsusulong ng kapakanan ng mga g**o at kawani ng pamantasan.

Sa paggunita sa 25 taon ng militante, progresibo, at makabayang unyonismo, patuloy na pinatitibay ang paninindigan para sa makatarungang kalagayan sa paggawa, akademikong kalayaan, at isang pamantasang tunay na naglilingkod sa bayan.

Kusog ug Panaghiusa. Asdang sa Pakigbisog! โœŠ


๐Ÿ“ฃ ๐Ÿ’ ๐๐š๐ฒ๐ฌ ๐ญ๐จ ๐ ๐จ, ๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ข๐œ ๐…๐ซ๐ž๐ž๐๐จ๐ฆ ๐…๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐ง๐š!Well-represented yern? ๐Ÿ‘€ Check this out mga bestie!Narito ang ating line-up of...
07/08/2026

๐Ÿ“ฃ ๐Ÿ’ ๐๐š๐ฒ๐ฌ ๐ญ๐จ ๐ ๐จ, ๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ข๐œ ๐…๐ซ๐ž๐ž๐๐จ๐ฆ ๐…๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐ง๐š!

Well-represented yern? ๐Ÿ‘€

Check this out mga bestie!

Narito ang ating line-up of speakers mula Luzon, Visayas, at Mindanaoโ€”iba't ibang karanasan, konteksto, at pagsusuri ang magtatagpo sa isang makabuluhang talakayan tungkol sa akademikong kalayaan.

At higit sa lahat, bukas ang forum para sa lahat.

Sa Martes, ika-12 ng Agosto, gaganapin ang Academic Freedom Forum mula 1:00 n.h. hanggang 5:00 n.h sa UP Cebu.

Kaya tara na, dumalo at magpadalo!

Kitakits sa UP Cebu!

๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ข๐œ ๐…๐ซ๐ž๐ž๐๐จ๐ฆ ๐…๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐ ๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ฉ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ ๐ง๐  ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐”๐ ๐‚๐ž๐›๐ฎYoohoo, dito ang tingin! ๐Ÿ‘€ Akademikong kalayaanโ€”ano...
04/08/2026

๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ข๐œ ๐…๐ซ๐ž๐ž๐๐จ๐ฆ ๐…๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐ ๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ฉ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ ๐ง๐  ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐”๐ ๐‚๐ž๐›๐ฎ

Yoohoo, dito ang tingin! ๐Ÿ‘€

Akademikong kalayaanโ€”ano nga ba ito?

Sa iba't ibang pagkilos at mobilisasyon, madalas nating marinig ang panawagang "Defend Academic Freedom!"

Ngunit ano nga ba ang akademikong kalayaan? Bakit mahalagang ipaglaban ito? At bilang mga estudyante, g**o, mananaliksik, kawani, at unyonista, paano natin mapangangalagaan ang karapatan sa malayang pagtuturo, pagkatuto, pananaliksik, at pagpapahayag?

Tatalakayin ang mga tanong na ito at iba pang mahahalagang usapin sa Academic Freedom Forum 2026, na gaganapin sa 12 Agosto 2026, 1:00โ€“5:00 PM, sa University of the Philippines Cebu.

๐Ÿ“ข Inaanyayahan ang lahat na makilahok sa mahalagang talakayang ito at makiisa sa pagtatanggol sa akademikong kalayaan.

Abangan ang iba pang detalye tungkol sa Forum sa aming mga susunod na post.
โ€”
Larawan mula sa UP System Media and Communication Office

๐Œ๐ž๐ง๐ฌ๐š๐ก๐ž ๐ง๐  ๐Š๐š๐ ๐ฎ๐ซ๐ฎ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐๐Œ ๐€๐๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐๐ฎ๐๐ ๐ž๐ญ ๐ฌ๐š ๐„๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ฌ๐š ๐Š๐จ๐ซ๐š๐ฉ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง!Sa ika-apat na State of the Nation Ad...
27/07/2026

๐Œ๐ž๐ง๐ฌ๐š๐ก๐ž ๐ง๐  ๐Š๐š๐ ๐ฎ๐ซ๐ฎ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐๐Œ ๐€๐๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐๐ฎ๐๐ ๐ž๐ญ ๐ฌ๐š ๐„๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ฌ๐š ๐Š๐จ๐ซ๐š๐ฉ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง!

Sa ika-apat na State of the Nation Address ni Ferdinand Marcos, Jr., nakikiisa ang Opisina ng Faculty Regent sa panawagan ng sangkaguruan na maglaan ng karampatang pondo sa edukasyon at iba pang batayang serbisyo.

Isang taon na ang nakalipas nang dramatikong binigkas ni Marcos Jr. ang linyang "Mahiya naman kayo" bilang patutsada sa mga sangkot sa flood control scandal. Ngunit matapos ang isang taon, walang pa ring tunay na pananagutan. Sa halip, lalong lumala ang kalagayan ng sangkaguruan at ng mamamayang Pilipino. Nananatiling kapos ang pondo sa edukasyon, overworked at underpaid ang mga g**o at kawani, at patuloy na nagsisiksikan ang mga mag-aaral sa kulang at lumulubhang mga pasilidad at silid-aralan.

Pilit mang pagtakpan ng administrasyong Marcos ang kapalpakan nito sa pamamagitan ng mga magagarbong talumpati at palabas, hindi nito maikukubli ang umaalingasaw na baho ng korapsyon, pagpapabaya sa batayang serbisyo, at patuloy na pagpapakatuta sa mga imperyalistang bansa.

Dagdag pa, sa kasalukuyan ay wala pa ring tiyak na kaliwanagan ang kahahantungan ng paglilitis kay Bise Presidente Sara Duterte, na dumanas ng kaliwaโ€™t kanang mga paratang ng korapsyon sa kanyang panahon bilang Kalihim ng DepEd.

Maituturing na bagsak ang administrasyong Marcos-Duterte sa pagtatanggol sa karapatan ng mga g**o at kawani, sa pagtiyak ng dekalidad at aksesibleng edukasyon para sa bawat Pilipino, at sa pananagutan sa sambayanan. Ang taunang kakulangan sa pondo sa edukasyon ay isang pampulitikang pasya na unahin ang interes ng iilan kaysa sa kinabukasan ng sambayanan.

Panahon nang itaas ang pondo para sa edukasyon at iba pang batayang serbisyo. Panahon nang dagdagan ang plantilla items, tiyakin ang makatarungang sahod at disenteng kondisyon sa paggawa, at wakasan ang sistematikong pagpapabaya sa pampublikong edukasyon.






โ€”
Basahin ang buong pahayag dito: https://facultyregent.up.edu.ph/mensahe-ng-kaguruan-sa-bbm-administration-budget-sa-edukasyon-hindi-sa-korapsyon/

23/07/2026

Watch Now: Midyear 2026

As President Marcos Jr. prepares to deliver his 5th SONA, the gap between official optimism and economic reality is even more pronounced. Meanwhile, elite political infighting increasingly overshadows urgent national concerns, while intensifying geopolitical rivalries draw the Philippines deeper into conflicts beyond its control.

Co-presented by:
UP School of Economics Student Council
UP Diliman University Student Council
UP Office of the Faculty Regent
UP Office of the Student Regent
All UP Academic Employees Union
All UP Academic Employees Union-Diliman Chapter

Official media partner:
Altermidya

ATM:Ngayong ika-22 ng Hulyo ang unang araw ng "Tambulan 2026: Malikhaing Teknolohiya at Estratehiya sa Pagtatambol ng Mi...
22/07/2026

ATM:
Ngayong ika-22 ng Hulyo ang unang araw ng "Tambulan 2026: Malikhaing Teknolohiya at Estratehiya sa Pagtatambol ng Militante, Progresibo, Makabayang Unyonismo" ng All UP Academic Employees Union para sa mga Public Relations Officer at representante ng ibaโ€™t ibang chapter sa buong UP System.

Nagbigay si Faculty Regent Early Sol Gadong ng Pambansang Kalagayan bilang pagtatalakay sa mga isyu na kinahaharap ng kaguruan at mga kawaning pang-edukasyon.

๐”๐ ๐๐†๐‡, ๐š๐ง๐  ๐ ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐จ!Alam niyo ba na nasa 25โ€“30% ng budget ng UP ang inilalaan sa pagpapatakbo ng UP-PGH?Mula sa pondon...
17/07/2026

๐”๐ ๐๐†๐‡, ๐š๐ง๐  ๐ ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐จ!

Alam niyo ba na nasa 25โ€“30% ng budget ng UP ang inilalaan sa pagpapatakbo ng UP-PGH?

Mula sa pondong ito, libo-libong Pilipino ang nakatatanggap ng libre o subsidized na serbisyong medikal.

Teaching hospital din ang UP-PGH, kung saan hinuhubog ang susunod na henerasyon ng mga health professionalsโ€”mga doktor, nars, psychiatrist, at iba pang manggagawang pangkalusuganโ€”na magsisilbi sa mga ospital at pamayanan sa buong bansa.

Sa kabila ng malaking ambag ng UP PGH sa kaayohan ng mamamayang Pilipino, hindi maikakailang severely underfunded ito.

Daan-daang pasyente ang napipilitang maghintay ng mahabang orasโ€”kung minsan ay inaabot pa ng ilang arawโ€”bago makatanggap ng kinakailangang serbisyo.

Overworked din ang napakaraming kawani ng ospital at marami rin sa kanila ang nananatiling kontraktwal sa mahabang panahon.

Tungkulin ng gobyerno na tiyaking ang pondo ng taumbayan ay napupunta sa mahahalagang pampublikong serbisyo tulad ng UP-PGH. Sa halip, bilyon-bilyong piso ng kaban ng bayan ang ninanakaw at pinaghahatian ng mga tiwaling opisyal.

Ang bawat pisong nawawala sa kaban ng bayan dahil sa korapsyon ay pisong pinagkakaila sa pagkakataong mabuhay nang may dignidad, ng karapatang makapagpagamot, at ng pagkakataong makapaglingkod nang may sapat na suporta. Kaya sa bawat usapin ng korapsyon, tungkulin nating tiyaking may tunay na pananagutan.

Panagutin ang mga tiwali. Ipaglaban ang serbisyong pampubliko. Ipaglaban ang karapatan sa kalusugan.

Lahat ng sangkot, dapat managot!
Kalusugan, karapatan ng mamamayan!
UP Budget dagdagan, huwag bawasan!
--
Photo reference:
[L] Sigales, J. Sandiganbayan orders Marcoletaโ€™s transfer to QC jail; facility inspected. Philippine Daily Inquirer. https://newsinfo.inquirer.net/2264006/sandiganbayan-orders-marcoletas-transfer-to-qc-jail-facility-inspected

[R] Mendoza, J. Marcoleta to be detained at Payatas jail over plunder case. Philippine Daily Inquirer. https://newsinfo.inquirer.net/2258243/marcoleta-to-be-detained-at-payatas-jail-over-plunder-case

[Background] UP-Philippine General Hospital from https://www.pgh.gov.ph/

Address

4/F Student Union Building, UP Diliman
Diliman

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Opisina ng Faculty Regent posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Opisina ng Faculty Regent:

Shortcuts

Share

Category