Ubbog ni Pacio

Ubbog ni Pacio Bukal ng Katotohanan at Makabuluhang Impormasyon

Nagmarka ang Ubbog ni Pacio, opisyal na pahayagan ng Andres Bonifacio Elementary School matapos tanghaling ika-8 puwesto...
31/01/2026

Nagmarka ang Ubbog ni Pacio, opisyal na pahayagan ng Andres Bonifacio Elementary School matapos tanghaling ika-8 puwesto bilang Pinakamahusay na Pahayagan sa buong Rehiyon Dos sa katatapos na Regional Schools Press Conference sa Tumauini, Isabela.

Nasungkit din ng Ubbog ni Pacio ang ika-4 na puwesto bilang pinakamahusay sa pahinang editoryal, ika-6 na puwesto sa pahinang isports, at ika-10 na pinakamahusay sa pahinang lathalain.

Pagpupugay sa buong patnugutan at tagapayo ng Ubbog ni Pacio.

26/01/2026
26/01/2026

Championing values-based learning


PUBLIC SHOUTOUT ✨Buong galak na kinilala kaninang umaga ang mga mag-aaral na nagpakita ng pagkamatapat, pagkamasunurin, ...
26/01/2026

PUBLIC SHOUTOUT ✨

Buong galak na kinilala kaninang umaga ang mga mag-aaral na nagpakita ng pagkamatapat, pagkamasunurin, at pagkamatatag, bilang buhay na ehemplo ng I CHAMP sa ilalim ng Project BIDA TAYO. Ang pagkilalang ito ay patunay na ang mabuting asal at matibay na paninindigan ay patuloy na hinuhubog at pinayayabong sa paaralan, kaakibat ang pagsuporta sa 12 Ethical Values ng Region II Development of Noble and Exquisite Behavior (RDNEB)—isang hakbang tungo sa paghubog ng kabataang may puso, dangal, at pananagutan sa sarili at sa kapwa. 🌱




26/01/2026

WALANG EDAD ANG EDUKASYON

Sa pinalawak na Department of Education Alternative Learning System (ALS), mas pinapalakas natin ang flexible at lehitimong learning pathways para sa out-of-school youth at adults.

Inaayon ang ALS sa K to 12 curriculum at kinikilala ang dating kaalaman at karanasan ng learners.

May malinaw na landas mula ALS patungo sa trabaho, technical-vocational training, o pagpapatuloy ng pormal na pag-aaral.

Ang mga repormang ito ay nakaangkla sa malinaw na direksyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa bisyon ng Bagong Pilipinas: edukasyong inklusibo, may dangal, at may tunay na ikalawang pagkakataon para sa bawat Pilipino, kahit saan ka man nagsimula.

BASAHIN: https://www.deped.gov.ph/2026/01/22/pinalawak-na-alternative-learning-system-nagbubukas-ng-mas-flexible-na-learning-pathways-para-sa-out-of-school-learners/

Sa gitna ng mapanghamong lipunan, may sumasalamin sa payak na buhay, pagkalinga, at pag-asa ng kabataan, at tumitindig a...
26/01/2026

Sa gitna ng mapanghamong lipunan, may sumasalamin sa payak na buhay, pagkalinga, at pag-asa ng kabataan, at tumitindig ang Ubbog ni Pacio bilang tinig na humahabi ng katotohanan at pagpapahalaga—isang pahayagang naglalakbay kasama ang mga batang hinuhubog ng tahanan, paaralan, at komunidad, upang isiwalat ang mga usaping bumabalot sa kanilang mundo at ipaalala na sa bawat ngiti, yakap, at pangarap ng kabataan, naroon ang panawagan ng isang lipunang may malasakit, may paninindigan, at may tapang na itaguyod ang liwanag ng katotohanan.

Patuloy ang Ubbog ni Pacio na bukal ng katotohanan at makabuluhang impormasyon sa pagbabahagi ng tinig para sa mapusong pagkalinga.

Basahin ang buong pahayagan sa: https://tinyurl.com/UbbogNiPacio

Address

Andres Bonifacio Elementary School
Diffun
3401

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ubbog ni Pacio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share