Malupo Elementary School

Malupo Elementary School

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Malupo Elementary School, Elementary School, Sitio Malupo, Brgy. Anonang, Bansalan, Davao del Sur.

Photos from Malupo Elementary School's post 11/07/2023

Completion Rites and Recognition 2023
to the Graduates of Batch 2023, Honors and awardees!!!

11/07/2023

Congratulations Batch 2023! 🎓

Mainit na pagbati ang ipinaaabot ng buong Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa mga nagsipagtapos para sa School Year 2022-2023. Ang inyong ipinakitang pagsisikap at tatag upang makapagtapos ay tunay na maipagmamalaki.

Sa inyong pagharap sa panibagong yugto ng buhay, baunin ang karunungang nakamit at higit pa itong payabungin para sa patuloy na pag-unlad.

Hangad namin ang inyong tagumpay sa hinaharap!




22/06/2023

Malupo E S teachers celebrate the DepEd @ 125 Anniversary!!!
" Isang Pamilya para sa MATATAG na Kagawaran"


06/10/2022

Happy World Teachers' Day To All !!!

25/07/2022

Magpa-enrol na ta!

22/07/2022

Important dates to remember!

22/05/2022

RA 10173 DATA PRIVACY ACT

¨IWASANG MAG-POST NG SCHOOL CARD, ID AT CERTIFICATE NG INYONG MGA ANAK.

Sa mga Mahal naming magulang at mga mag aaral,

Buong galang na may pagmamalasakit po tayong pinaaalalahanan at hinihikayat ng DepEd na iwasan ang pagpopost ng buong larawan ng ID, Report Card o Certificate ng ating mga anak sa Facebook o sa anupamang social networking site platforms. Ang mga dokumentong ito, bagama’t karapatdapat ipagmalaki, ay naglalaman ng mga mahahalaga at sensitibong personal na impormasyong maaaring gamitin upang mambiktima at manlinlang ng kapwa kabilang na may ari ng mga dokumentong iyon kasama na rin ang kanyang mga kaanak.

1) Ang buong pangalan ng bata at buong pangalan ng kanyang paaralan na matatagpuan dito ay maaaring gamitin upang matukoy kung saan siya naroroon. Napakadali ngayong isearch at makita ang mga social media accounts ng mga bata gayundin makita sa mapa gamit ang internet ang kinaroroonan ng mga ito;

2) Ang Learner Reference Number (LRN) na natatangi sa isang maga-aral ay matatagpuan rin sa mga dokumentong ito. Nakaugnay sa LRN ng isang bata ang kanyang historical school records kasama ang kanyang mga marka gayundin ang mga personal na impormasyon gaya ng petsa ng kapanganakan, address, pangalan ng mga magulang, lahi, at iba pa, na pawang ginawa ng gobyerno bilang paghahanda sa National ID System. Isang hack ng database ng DepEd at tiyak na makikita ang mga impormasyong ito na magagamit sa Identity Theft o pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Nagagamit, halimbawa, ang apelyido ng nanay noong dalaga at petsa ng kapanganakan upang matukoy ang password ng isang tao sa kanyang mga accounts;

3) Ang lagda o pirma ng mga school administrators at principals gayundin ang mga logos at headers ng mga paaralan ay naroroon din. Ang mga ito ay maaaring makopya at maedit para makahingi ng donasyon at makapangikil;

4) Ang buong Diploma o Certificate ay maaaring makopya para magamit sa pansariling kapakanan. Napakadali na ngayong mag edit at makapandaya.

Bagama’t tunay na maipagmamalaki ang mga dokumentong ito at Tunay na Nakaka-proud ipost sa ating social media accounts, Mas makakabubuti pong unahin pa rin natin ang kapakanan ng ating mga anak at sarili. Mas mahalaga pa rin na maproteksyunan natin ang privacy natin at ng ating mga anak.

Maraming salamat po!

11/05/2022

𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚

Mayo 11, 2022 – Malugod kong tinatanggap ang anunsiyo ni Presidential frontrunner Bongbong Marcos na ang papasok na Bise Presidente na si Sara Duterte ay inaasahan na maninilbihan bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.

Handa ako at ang buong pamilya ng DepEd na magtrabaho kasama ang kanyang grupo para sa maayos na transisyon ng pamumuno sa DepEd. Gagawin natin ang turnover ng Basic Education Plan 2030, na siyang kauna-unahan sa isang papatapos na administrasyon na mag-iiwan ng medium-term plan. Kampante tayo na ang DepEd ay mapapangasiwaan ng mga mahuhusay at makakaasa sa pagpapatuloy.

LEONOR MAGTOLIS BRIONES
𝗞𝗮𝗹𝗶𝗵𝗶𝗺

[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2022/05/12/official-statement-25/]

06/05/2022

TO ALL VOTERS, hinaot inyohang respetuhon ang classrooms nga gigamit as precinct polls and waiting area.

❌Avoid lang ta sa pagpanghilabot sa mga modules, books, ug uban pa para himuong paypay or lingaw. Bring your own paypay (basta walay print sa kandidato).

❌Avoid also sa pag sibog2 sa mga bangko kay gi-arrange na nah.

❌Avoid pud ta ug vandalize sa mga armchairs samot na kay newly painted na sila kasagaran.

Pahabol:
❌Avoid sa pagpangutlo sa mga tanom nga gi decorate ni teacher 😅☺

❌Avoid lang pud ta ug bilin sa basura... dalha lang pauli imung basura kon wala kay higayun mangitag basurahan. If naa man gani, segregate lang ta sa basura nato. Naa nay label ang mga basurahan.

✅Magdala ug kaugalingong ballpen.

✅Still the Pandemic is Not Over, so always FOLLOW ALL THE MINIMUM HEALTH PROTOCOLS;

1. Always Wear PROPERLY THE FACE MASK;
2. Observe Social Distancing;
3. Sanitize always our hands

📌Please know that teachers have prepared the classrooms for the face-to-face classes and naa nay nagastos especially from own bulsa sa teachers.

Sabtanay lang ta palihog. Daghang salamat!




CTTO 😇

Want your school to be the top-listed School/college in Davao del Sur?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Sitio Malupo, Brgy. Anonang, Bansalan
Davao Del Sur