Lacaron National High School

Lacaron National High School The Official page of Lacaron National High School—where Journey to Competence Starts. ✨

08/06/2026

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘!

In view of the recent earthquake and the continuing aftershocks being experienced in various areas of the province, 𝗰𝗹𝗮𝘀𝘀𝗲𝘀 𝗶𝗻 𝗮𝗹𝗹 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗮𝗻𝗱 𝗽𝗿𝗶𝘃𝗮𝘁𝗲 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗮𝘁 𝗮𝗹𝗹 𝗹𝗲𝘃𝗲𝗹𝘀 𝗶𝗻 𝗗𝗮𝘃𝗮𝗼 𝗢𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗮𝗿𝗲 𝗵𝗲𝗿𝗲𝗯𝘆 𝘀𝘂𝘀𝗽𝗲𝗻𝗱𝗲𝗱 𝘁𝗼𝗺𝗼𝗿𝗿𝗼𝘄, 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝘂𝗻𝘁𝗶𝗹 𝗳𝘂𝗿𝘁𝗵𝗲𝗿 𝗻𝗼𝘁𝗶𝗰𝗲.

The safety and welfare of our students, teachers, school personnel and the general public remain our top priority.

Keep posted for further announcements regarding the resumption of classes.

𝐒𝐭𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐟𝐞, 𝐃𝐚𝐯𝐚𝐨 𝐎𝐜𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥.

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘! 𝐃𝐮𝐞 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐭𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐞𝐚𝐫𝐭𝐡𝐪𝐮𝐚𝐤𝐞 𝐞𝐱𝐩𝐞𝐫𝐢𝐞𝐧𝐜𝐞𝐝 𝐭𝐨𝐝𝐚𝐲, 𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐃𝐚𝐯𝐚𝐨 𝐎𝐜𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐚𝐫...
08/06/2026

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘!

𝐃𝐮𝐞 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐭𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐞𝐚𝐫𝐭𝐡𝐪𝐮𝐚𝐤𝐞 𝐞𝐱𝐩𝐞𝐫𝐢𝐞𝐧𝐜𝐞𝐝 𝐭𝐨𝐝𝐚𝐲, 𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐃𝐚𝐯𝐚𝐨 𝐎𝐜𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐚𝐫𝐞 𝐡𝐞𝐫𝐞𝐛𝐲 𝐬𝐮𝐬𝐩𝐞𝐧𝐝𝐞𝐝 𝐮𝐧𝐭𝐢𝐥 𝐟𝐮𝐫𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐧𝐨𝐭𝐢𝐜𝐞 𝐭𝐨 𝐞𝐧𝐬𝐮𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐞𝐯𝐞𝐫𝐲𝐨𝐧𝐞.

𝐑𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐚𝐫𝐞 𝐚𝐝𝐯𝐢𝐬𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐫𝐞𝐦𝐚𝐢𝐧 𝐜𝐚𝐥𝐦, 𝐬𝐭𝐚𝐲 𝐚𝐥𝐞𝐫𝐭 𝐟𝐨𝐫 𝐩𝐨𝐬𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐟𝐭𝐞𝐫𝐬𝐡𝐨𝐜𝐤𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐟𝐨𝐥𝐥𝐨𝐰 𝐭𝐡𝐞 𝐚𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝐥𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐚𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬.

𝐒𝐭𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐟𝐞 𝐞𝐯𝐞𝐫𝐲𝐨𝐧𝐞!

07/06/2026

𝗚𝗢𝗢𝗗 𝗠𝗢𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦! 😄

Maligayang pagbabalik sa paaralan! Simulan natin ang taong panuruan na may sigla at liksi.

Pumasok sa klasrum at i-greet na ang mga g**o at kaklase nang puno ng energy para tayo ay always happy.

Video clip from Tiktok page. Taken prior to the issuance of DepEd Order No. 006 series of 2026. No copyright infringement intended.


𝗣𝗔𝗦𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦, 𝗘𝗫𝗖𝗜𝗧𝗘𝗗 𝗡𝗔 𝗕𝗔 𝗨?Opo, yes po. Hindi na talaga mapipigilan pa. 🤣Bukas na talaga ang pag-arangkada ng pas...
07/06/2026

𝗣𝗔𝗦𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦, 𝗘𝗫𝗖𝗜𝗧𝗘𝗗 𝗡𝗔 𝗕𝗔 𝗨?

Opo, yes po. Hindi na talaga mapipigilan pa. 🤣

Bukas na talaga ang pag-arangkada ng pasukan. Maghanda na at ipasok na ang lahat ng mga school supplies sa bag, pakintabin ang sapatos at i-hanger na ang mga school uniforms.

Kitakits bukas 7:30 ng umaga para sa ating kauna-unahang Flag Raising Ceremony.

𝗔𝗿𝗮𝘁 𝗻𝗮! '𝗪𝗮𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗯𝘀𝗲𝗻𝘁 𝗵𝗮. 😁


07/06/2026

𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚! 😁

Ihanda na talaga ang mga sarili dahil bukas babalik na tayo sa mundo ng pagkatuto.

Video meme from Tiktok page. No copyright infringement intended.


𝙄𝘽𝘼’𝙏 𝙄𝘽𝘼𝙉𝙂 𝙎𝙀𝙆𝙏𝙊𝙍, 𝙉𝘼𝙆𝙄-𝘽𝙍𝙄𝙂𝘼𝘿𝘼Nagtulung-tulong ang mga stakeholders mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at priba...
06/06/2026

𝙄𝘽𝘼’𝙏 𝙄𝘽𝘼𝙉𝙂 𝙎𝙀𝙆𝙏𝙊𝙍, 𝙉𝘼𝙆𝙄-𝘽𝙍𝙄𝙂𝘼𝘿𝘼

Nagtulung-tulong ang mga stakeholders mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagsasaayos ng paaralan bilang paghahanda sa napipintong pasukan.

Nakisali sa taunang Brigada Eskwela ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection, Department of Public Works and Highways - Davao Occidental at 73rd Infantry Battalion Delta Force.

Samantala, nagpakita naman ng suporta ang mga Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) beneficiaries sa pamamagitan ng paglilinis ng school grounds.

Dumagsa rin ang mga mag-aaral, magulang at mga pribadong indibidwal upang mag-alay ng suporta at makilahok sa Oplan Balik Eskwela Program ng paaralan, programang nagtatala ng mga enrollees para sa kasalukuyang taong panuruan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan ng paaralan sa iba’t ibang sektor na nakiisa sa layuning maging handa ang paaralan sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo 8.

📸 Brigada Eskwela Documentation Committee


Salamat, Brigada Eskwela Heroes! ❤️Taos-pusong pasasalamat sa ating mga g**o, mag-aaral, magulang, local officials, gove...
05/06/2026

Salamat, Brigada Eskwela Heroes! ❤️

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga g**o, mag-aaral, magulang, local officials, government agencies, at education partners na boluntaryong nakibahagi sa .

Ang inyong oras, lakas, at malasakit ay patunay na kapag sama-sama, mas marami tayong magagawa para sa edukasyon.

Dahil sa ating bayanihan, mas ligtas, mas maayos, at mas handa ang ating mga paaralan para sa pagbabalik-eskwela.

05/06/2026

𝗕𝗔𝗖𝗞-𝗧𝗢-𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗡𝗔, 𝗘𝗫𝗖𝗜𝗧𝗘𝗗 𝗞𝗔 𝗡𝗔 𝗕𝗔?? 😁

Masyado nang mahaba ang bakasyon ng mga Lacaronians at kailangan na ninyong bumalik sa mundo ng ating paaralan! HAHAHA 🤣

Kaya naman, buong ipinagmamalaki naming ipinakikilala ang mga "sanggre" 😂😂 este ang mga 𝘁𝗲𝗮𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗻𝗼𝗻-𝘁𝗲𝗮𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗻𝗲𝗹 na gagabay sa inyong pag-aaral dito sa Lacaron National High School.

Tayo na at kitakits sa Lunes, 𝗛𝘂𝗻𝘆𝗼 8 para sa pagsisimula ng taong panuruan 2026-2027.

𝗟𝗮𝗰𝗮𝗿𝗼𝗻𝗶𝗮𝗻𝘀, 𝗮𝗻𝗼 𝘁𝗮𝗿𝗮𝗮𝗮?


𝙎𝙏𝘼𝙆𝙀𝙃𝙊𝙇𝘿𝙀𝙍𝙎, 𝙉𝘼𝙉𝙂𝙐𝙉𝘼 𝙎𝘼 𝘽𝙍𝙄𝙂𝘼𝘿𝘼 𝙀𝙎𝙆𝙒𝙀𝙇𝘼 Pinangunahan ng mga stakeholders ang pag-arangkada ng Brigada Eskwela 2026 ngay...
01/06/2026

𝙎𝙏𝘼𝙆𝙀𝙃𝙊𝙇𝘿𝙀𝙍𝙎, 𝙉𝘼𝙉𝙂𝙐𝙉𝘼 𝙎𝘼 𝘽𝙍𝙄𝙂𝘼𝘿𝘼 𝙀𝙎𝙆𝙒𝙀𝙇𝘼

Pinangunahan ng mga stakeholders ang pag-arangkada ng Brigada Eskwela 2026 ngayong araw.

Binuhos ni Analeah Duller, School Parent-Teacher Association (SPTA) President ang kanyang buong suporta at hinikayat pa ang kanyang mga kasapi na makisali sa nasabing programa.

Tinipon naman ni Eduardo Diamoda II, Supreme Secondary Learner Government (SSLG) President ang kanyang mga opisyal upang magbigay-tulong sa pagsasagawa ng Brigada at Balik Eskwela 2026.

Samantala, nag-ikot kanina ang mga kaguruan ng paaralan upang manghikayat pa ng suporta at pakikisali sa taunang pagkukumpuni at pagsasaayos ng mga kagamitan at pasilidad ng paaralan.

Layunin ng mga nasabing stakeholders ang pagkakaisa ng bawat kasapi ng paaralan upang mapaigting ang paghahanda ng paaralan para sa pasukan.

📸 Lacaron NHS SSLG Officers, Brigada Eskwela Documentation Committee


𝘽𝙍𝙄𝙂𝘼𝘿𝘼, 𝘽𝘼𝙇𝙄𝙆 𝙀𝙎𝙆𝙒𝙀𝙇𝘼 𝙐𝙈𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝙆𝘼𝘿𝘼 𝙉𝘼! Pormal nang binuksan ng paaralan ang Brigada at Balik Eskwela 2026, bilang hudyat...
01/06/2026

𝘽𝙍𝙄𝙂𝘼𝘿𝘼, 𝘽𝘼𝙇𝙄𝙆 𝙀𝙎𝙆𝙒𝙀𝙇𝘼 𝙐𝙈𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝙆𝘼𝘿𝘼 𝙉𝘼!

Pormal nang binuksan ng paaralan ang Brigada at Balik Eskwela 2026, bilang hudyat ng pagsisimula ng paghahanda para sa darating na pasukan.

Isang taimtim na Flag Raising Ceremony ang ginanap at sinundan ng isang simpleng programa na dinaluhan ng mga magulang, mag-aaral at mga teaching & non-teaching personnel ng paaralan.

Magtatagal ng isang linggo ang malawakang Brigada at Balik Eskwela ng paaralan.

📸 Brigada Eskwela Documentation Committee


Address

Lacaron, Malita
Davao Occidental
8012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lacaron National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Lacaron National High School:

Shortcuts

Share

Category