23/11/2025
Alhamdulillah! Ang mga mag-aaral ng Danao Madrasah Center ay nakatanggap ng 65 pagbaBAGo bags.
Isang makulay na araw ng pag-asa at inspirasyon ang naranasan ng mga mag-aaral ng matapos silang mapabilang sa mga benepisyaryo ng PagbaBAGo: A Million Learners Campaign ng Office of the Vice President.
Sa pangunguna ng OVPโSouthern Mindanao Satellite Office (OVPโSMSO) at katuwang ang MCDPU-Madrasah Comprehensive Development and Development Unit, ipinamahagi ang mahigit kumulang na 65 PagbaBAGo Bags na naglalaman ng kumpletong school supplies, raincoat, at dental kit โ mga simpleng handog na magagamit ng mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay tungo sa mas magandang kinabukasan.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na malasakit ng Office of the Vice President sa mga kabataang Pilipino, lalo na sa mga liblib na lugar ng bansa. Sa bawat PagbaBAGo Bag na naipamamahagi, dala nito ang mensahe ng pagkalinga, pag-asa, at inspirasyon upang ipagpatuloy ng mga bata ang kanilang edukasyon sa kabila ng mga hamon sa buhay.
ALHAMDULILLAH MARAMING MARAMING SALAMAT PO!