08/01/2021
Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 1: Kabihasnang Minoan, Mycenaean, at Ang Klasikong Kabihasnan ng Greece
Ang modyul na ito ay naglalaman ng kasaysayan ng daigdig na nakatuon sa klasikong kabihasnan sa Europa. Ikaw ay inaasahang malilinang ang kaalaman tungkol sa mga sinaunang kabihasnan umusbong sa Europa at ang impluwensiyang hatid nito sa kasalukuyan. Alamin mo kung paano nakaimpluwensya ang mga kaganapan ng bawat kabihasnan sa Greece. Mauunawaan mo din ang kahalagahan nito sa pag-usbong at pag-unlad ng bawat kabihasnang sumibol kasunod nito sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Ang aralin sa modyul na ito ay batay sa mga primarya at sekondarya na materyales at ang mga gawain ay inaasahang makatulong sa iyo upang mapalalim ang iyong kaalaman sa araling ito. Ito din ay maghahatid sa iyo ng makabuluhang pagpapahalaga ng kasaysayan na tutulong sa iyo upang magkaroon ng mas malalim na pang-unawa sa mga nagaganap sa kasalukuyan. Ang mga leksyon ay inayos sa paraan na madali mong maintindihan. Ang mga araling ito ay may layuning nakabatay sa Most Essential Competency para sa Baitang 8 na: Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenaean, at ang klasikong kabihasnan ng Greece (AP8 DKT-II-a-1/AP8 DKT-IIa-b-2) Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralin mo ang sumusunod na Paksa: Ang kabihasnang Minoan Ang kabihasnang Myceneaen Ang klasikong kabihasnan ng Greece Pagkatapos mong napag-aralan ang mga nabanggit na aralin, ikaw ay inaasahang: naisa-isa ang mga katangian at impluwensya ng mga Minoan, Mycenaean, at Klasikong Greece. natatalakay ang mga kaganapan tungkol sa pag-usbong at pag-unlad ng kabihasnang Minoan, Mycenaean, at Klasikong Greece; natutukoy ang mga naging kontribusyon ng kabihasnang Minoan, Mycenaean, at klasikong Greece sa kasalukuyang panahon.