17/08/2026
𝗗𝗜𝗣𝗠𝗖𝗜- 𝗗𝗘𝗣𝗔𝗥𝗧𝗔𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗞𝗢𝗡𝗗𝗔𝗥𝗬𝗔 𝗡𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗮𝘁 𝗞𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮 2026.
Naging makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa Departamento ng Sekondarya ng Datu Ibrahim Paglas Memorial College noong ika 13 ng Agosto sa taong kasalukuyan. Tampok ang pagpapahalaga sa wikang Filipino, kulturang Pilipino, at pambansang pagkakakilanlan.
Nakiisa ang mga mag-aaral at g**o sa iba’t ibang gawain at pagtatanghal bilang pagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling wika. Sa pamamagitan ng mga aktibidad, naipamalas ng komunidad ng Sekondarya ang kahalagahan ng wika bilang bahagi ng kasaysayan, kultura, at pagkakaisa ng mga Pilipino.
Higit pa sa isang taunang pagdiriwang, nagsilbing paalala ang Buwan ng Wika na ang wika ay mahalagang instrumento sa pagpapanatili ng pagkakakilanlan at pagpapasa ng yaman ng kulturang Pilipino sa susunod na henerasyon.
Sa patuloy na pagpapahalaga sa sariling wika at kultura, ipinakita ng Departamento ng Sekondarya ng DIPMC na ang pagkakaisa ay higit na napapalakas sa pamamagitan ng wikang nagsisilbing tulay sa bawat Pilipino.
✍️: 𝗠𝗮𝗵𝗶𝗿𝗮 𝗗.
📷: 𝗭𝗮𝗶𝗿𝗮𝗵 𝗚.