RVAlbay Talahib ES

RVAlbay Talahib ES Discover the joy of learning at Talahib Elementary School!

Isang taos-pusong pasasalamat sa mga g**o ng Talahib Elementary School! ❤️🍎Saludo kami sa inyong sipag, tiyaga, sakripis...
05/10/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa mga g**o ng Talahib Elementary School! ❤️🍎

Saludo kami sa inyong sipag, tiyaga, sakripisyo, at pagmamahal sa pagtuturo. Sa bawat aral, payo, at oras na inyong inilalaan, may mga batang natututo, nangangarap, at nagkakaroon ng pag-asa.

Hindi lamang kayo nagtuturo ng mga aralin—humuhubog kayo ng mga pangarap at kinabukasan.
Maraming salamat sa inyong pusong laging handang maglingkod. Kayo ang tunay na inspirasyon at bayani ng edukasyon!

Happy Teachers’ Day, dear teachers of Talahib Elementary School! 🌷📚❤️
Mabuhay kayong lahat! 🎉🎊



Happy Teachers’ Day to all our amazing teachers! 🍎📚Thank you for your dedication, patience, love, and hard work in shapi...
04/10/2026

Happy Teachers’ Day to all our amazing teachers! 🍎📚

Thank you for your dedication, patience, love, and hard work in shaping the minds and hearts of our learners. May you always be blessed with strength, joy, and inspiration as you continue to make a difference, one learner at a time. You are truly appreciated and valued. Happy Teachers’ Day! 💐❤️



18/09/2026

🧹 Sama-sama sa Kalinisan, Sama-sama Laban sa Dengue🦟🚫

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng g**o, magulang, mag-aaral at stakeholders na nakiisa sa isinagawang Clean-Up Drive Kontra Dengue ngayong Setyembre 18, 2026, bilang tugon sa panawagan ng LGU Daraga at Department of Health.

Ang inyong oras, sipag at pakikiisa ay malaking tulong upang mapanatiling malinis, ligtas at malusog ang ating paaralan at komunidad. Sama-sama nating labanan ang dengue sa pamamagitan ng kalinisan at pagkakaisa💪🧹
Maraming salamat sa inyong pakikiisa, malasakit at suporta!💚


🧹🧹 SAMA- SAMA PARA SA LIGTAS AT MALINIS NA PAARALAN❤️🌳Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa paglilinis ng paaralan kontra...
17/09/2026

🧹🧹 SAMA- SAMA PARA SA LIGTAS AT MALINIS NA PAARALAN❤️🌳

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa paglilinis ng paaralan kontra DENGUE ngayong Setyembre 18, 2026.

Sa sama -samang pagkilos, pagtutulungan at pagpapanatili ng kalinisan, makakatulong tayo upang maiwasan ang pagdami ng lamok na nagdudulot ng Dengue.🌿🦟

Bawat walis, bawat hakbang, ambag sa kalusugan ng bawat batang Talahibnon🥰





Congratulations to our amazing athlete, Kian Jay L. Urbano for winning 2nd Place in the 100-Meter Run at the Daraga Sout...
09/09/2026

Congratulations to our amazing athlete, Kian Jay L. Urbano for winning 2nd Place in the 100-Meter Run at the Daraga South District Meet and a well-deserved spot of Jemrey B. Barariza as Qualifier 🎉 with their coach Ma'am Rose Ann B. Jaranilla✨

Your speed, determination, discipline and hard work have truly paid off. Keep running toward your dreams and continue to make the Talahib ES family proud!💪🏆

Congratulations! The journey to greater victories continues❤️🏃‍♂️🏃✨

Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa Triskelion Grand Fraternity & Sorority – Talahib Community-Based C...
02/08/2026

Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa Triskelion Grand Fraternity & Sorority – Talahib Community-Based Chapter at sa Talahib Camp Patrol sa inyong boluntaryong pagtutulungan na mabuo ang Feeding Room ng Talahib Elementary School.

Ang inyong oras, sipag, at malasakit ay malaking ambag sa paglikha ng isang maayos at ligtas na lugar para sa ating school feeding program. Sa pamamagitan ng inyong kabutihang-loob, mas mapapalakas natin ang suporta sa kalusugan at kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Ang proyektong ito ay patunay na kapag
nagkakaisa ang komunidad, maraming magagandang bagay ang naisasakatuparan.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon at malasakit sa edukasyon at sa kinabukasan ng mga batang Talahib!

"Alone we can do so little; together we can do so much."






BRIGADA ESKWELA PLUS07/31/2026 Maraming salamat po sa lahat ng mga magulang na nakilahok at tumulong ngayong araw! Dahil...
31/07/2026

BRIGADA ESKWELA PLUS
07/31/2026

Maraming salamat po sa lahat ng mga magulang na nakilahok at tumulong ngayong araw! Dahil sa inyo, mas napapanatili nating malinis, maayos, at ligtas ang ating paaralan. Mabuhay po kayo! 🫡🫡


06/29/2026📣 Taos-pusong Pasasalamat! 💙🦅Lubos na nagpapasalamat ang Talahib Elementary School sa sumusunod na kolaborasyo...
03/07/2026

06/29/2026

📣 Taos-pusong Pasasalamat! 💙🦅

Lubos na nagpapasalamat ang Talahib Elementary School sa sumusunod na kolaborasyon ng mga organisasyon at indibidwal na nagkaisa upang maipagkaloob ang sampung (10) ceiling fan para sa aming paaralan.

Ang inyong kabutihang-loob ay malaking tulong sa paglikha ng mas komportable at maayos na kapaligiran sa pagkatuto ng aming mga mag-aaral at g**o.

Taos-puso naming kinikilala at pinasasalamatan ang aming mga sponsors at partners:

Integrated Grand Line Eagles Club
Integrated Northern Eagles Club
Integrated Northeastern Eagles Club
New Malasiqui Eagles Club
Victory Builder Eagles Club
Mab Fabtech Services OPC
M-General Aluminium
Expedition Riders Inc.
Icy Zone Ice Tube Manufacturing
AlJams Janitorial and Maintenance Services

Lubos din po ang aming pasasalamat kay Ms. Maria Lourdes Andes g**o sa Tabon -tabon Elementary School sa kanyang suporta at pagmamalasakit na naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito.

Mula sa pamunuan, mga g**o, mag-aaral, at buong komunidad ng Talahib Elementary School, maraming salamat po sa inyong malasakit at walang sawang pagsuporta sa edukasyon. Nawa'y patuloy kayong pagpalain at gabayan sa inyong mga adhikain.

Maraming salamat po sa inyong lahat! 💙🦅

School

Taos-pusong pasasalamat mula sa Talahib Community-Based Chapter Triskelion sa lahat ng nakiisa at tumulong sa matagumpay...
07/06/2026

Taos-pusong pasasalamat mula sa Talahib Community-Based Chapter Triskelion sa lahat ng nakiisa at tumulong sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela sa Talahib Elementary School.

Kasama na rin ang Guardians Grace, Talahib Chapter sa Pamumuno ni Mr. Rowel Madronio..

Lubos rin naming pinahahalagahan ang suporta at pakikiisa ng Barangay Counci sa pamumunp ni Brgy Captain Cimanes lalo na Brgy Commitee on Education Kagawad Nikki Advincula at Kagawad Mila Espinas, na nagbigay ng kanilang oras at tulong para sa ikabubuti ng ating paaralan at mga mag-aaral.

Saludo kami sa inyong dedikasyon, malasakit, at patuloy na pagsuporta sa mga programang pang-edukasyon ng ating komunidad. Ang inyong pakikiisa ay patunay na sa pamamagitan ng bayanihan at pagtutulungan, mas marami tayong magagawang mabuti para sa kinabukasan ng ating kabataan.

Maraming salamat sa lahat ng volunteers, stakeholders, at mga miyembro ng Talahib Community-Based Chapter na naging bahagi ng gawaing ito.

Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026, buong pusong nakibahagi ang Talahib Camp Patrol sa paglilinis at paghahanda ng...
07/06/2026

Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026, buong pusong nakibahagi ang Talahib Camp Patrol sa paglilinis at paghahanda ng paaralan upang maging ligtas, maayos, at handa para sa pagbubukas ng klase.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan, boluntaryong serbisyo, at malasakit sa edukasyon, naipakita namin ang tunay na diwa ng bayanihan. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Address

Purok 5 Talahib
Daraga
4501

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RVAlbay Talahib ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share