27/03/2026
Isang matibay na pagpupugay sa Samahan ng Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL) para sa matagumpay na clean-up drive na isinagawa bilang bahagi ng mga layunin ng organisasyon!
Hindi lamang nito ipinaglalaban ang pagpapanatili at pagpapaunlad ng sariling wika at panitikan β ipinakita rin nito ang malasakit sa komunidad sa pamamagitan ng pagpapanatili ng malinis na kapaligiran. Pinili nilang gawing pokus ng kanilang clean-up drive ang lugar na tinatawag na "Hanel" β isang pook na madalas na pinagpi-picknikan ng mga mag-aaral at mga bisita.
Sa maingat na pagsasagawa ng aktibidad, malinis na muli ang Hanel! Kasabay nito, ibinigay din ng SAMAFIL ang mahalagang paalala sa lahat ng dumadayo at gumagamit ng lugar: Maging responsable sa mga basura ilagay lamang ito sa tamang lalagyan at isagawa ang "Bring In, Bring Out" na gawi para mapanatiling malinis at kaaya-aya ang ating kapaligiran.
to the owner of these photos.
27/03/2026