30/05/2026
“𝗦𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗴𝗼𝗹𝗮’𝘆 𝗹𝗶𝗹𝗶𝗽𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗵𝗲𝗹 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻
𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗻𝗮 𝗻𝗴𝗮 𝗯𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻
𝗡𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝘀𝗮’𝗻 𝗺𝗮𝗻 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗵𝗶𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝗺𝗶𝗵𝗮𝗻
‘𝗗𝗶 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻”🪁🌅🍂
Sa ikasampung araw at huling yugto ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐒, ang buong sesyon ay inilaan para sa recognition at pagbibigay-halaga sa ating mga munting mag-aaral sa elementarya. 🏅📜
Sa nagdaang sampung araw, hindi lamang nila ipinakita ang kanilang natatanging talento at determinasyon sa pag-aaral, kundi binigyan din nila tayo ng isang napakahalagang regalo. Kahit na tayo ang tumayong mga g**o, ang mga bata ang nagturo sa atin ng mga totoong aral sa buhay—ang pag-asa, ang sigla sa kabila ng pagod, at ang purong kaligayahan sa bawat simpleng tagumpay. 🥹✨
Ang bawat sulok ng silid-aralan ay naging saksi sa mga hindi malilimutang alaala, tawanan, at kuwentong magkasama nating binuo na hinding-hindi na mabubura ng panahon. 📸❤️
Sa pamamagitan ng bawat hawak sa lapis, bawat tinalakay na aralin, at bawat sandali ng asaran at yakap, unti-unting nabuo ang isang tapat at malalim na koneksyon sa pagitan ng mga mag-aaral at ng kanilang mga Ate at Kuya. Naging higit pa sa isang simpleng proyekto ang naganap; ito ay naging isang pamilya na binuo ng pagmamahal at pagtitiwala sa loob ng maikling panahon.
Kaya naman, alinsunod sa mga linya ng kanta sa itaas, sana ay huwag na huwag nilang malimutan ang mga aral at masasayang alaalang magkakasama nating binuo sa loob ng apat na sulok ng kwartong iyon. 🏫❤️
Mabigat man sa puso ang magpaalam, alam natin na ang pagtatapos ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐒 ay simula lamang ng mas mataas nilang paglipad patungo sa kanilang mga pangarap. 🚀🎈
𝗠𝗮𝗺𝗶𝗺𝗶𝘀𝘀 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗼𝗯𝗿𝗮, 𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗻𝘂𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝘁𝗮 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝗺𝗮𝗻𝗲𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝗮𝗹𝗮𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝘂𝗹𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗶𝗹𝗯𝗶 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻. 🌍🧒🌟
𝘗𝘢𝘳𝘵 2