11/05/2026
Hello, MonSay!
Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang skill test para sa Dance, Music, at Media Arts. Sa darating naman na Mayo 14, mula ika-9 ng umaga hanggang ika-11 ng umaga, ay gaganapin ang skill test para sa Visual Arts, Theater Arts, at Creative Writing.
Inaanyayahan ang lahat ng incoming Grade 7 learners na may talento, hilig, at pangarap sa larangan ng sining na sumali at maging bahagi ng RMCHS SPA Family. Huwag matakot ipakita ang inyong kakayahan sapagkat dito sa SPA, hinuhubog hindi lamang ang talento kundi pati ang kumpiyansa, disiplina, at pagmamahal sa sining.
Ito na ang pagkakataon ninyo upang mas mapalawak ang inyong kakayahan at maipakita ang natatangi nyong galing. Sama-sama nating ipagpatuloy ang paglikha, pagganap, at pagbibigay-inspirasyon sa pamamagitan ng sining.
See you, SPA learners!