01/06/2025
Tara, Brigada na! ๐ฃ๐
Inaanyayahan ng Malapag High School ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, alumni, at miyembro ng komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela ngayong taon na gaganapin mula HUNYO 9โ13, 2025.
Sa taong ito, hindi lang paglilinis at paghahanda ng silid-aralan ang ating binibigyang pansin, kundi pati na rin ang pagsusulong ng kultura ng pagbabasa at literasiya.
Ang taunang pagsasagawa ng Brigada Eskwela ay bilang preparasyon sa pagbubukas ng klase na tumutuon sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at pagpapatibay ng samahan sa pagitan ng mga DepEd stakeholders para sa mabisang paghahatid ng dekalidad na edukasyon.
Sama-sama nating buuin ang isang paaralang handa, maayos, at may malasakitโisang paaralang humuhubog sa mga kabataang magiging habambuhay na mambabasa at mag-aaral.
Tumulong sa paglilinis, pagkukumpuni, pag-aayos, at pagdo-donate ng mga babasahin at gamit-pampaaralan!
Magkaisa tayo para sa isang mas maliwanag at mas matalinong kinabukasan.
Sama-sama tayong muli sa bayanihan para sa ligtas na balik-aral!
Ang pagbubukas ng klase ay sa Hunyo 16, 2025.