25/09/2026
BUWAN NG WIKA 2026 SA DATU DALANDAG NHS, MATAGUMPAY NA IPINAGDIWANG! 🇵🇭
Sa temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon," matagumpay na isinagawa ng Datu Dalandag National High School ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong Setyembre 9, 2026.
Naging makulay at makabuluhan ang selebrasyon na naglalayong ipakita na ang Wikang Filipino ay nananatiling buhay at makabago - katuwang ang Artificial Intelligence sa paghahanap ng wastong kaalaman at sa paglikha ng mga bagong ideya nang hindi kinakalimutan ang ating kultura at pagka-Pilipino.
Tampok sa pagdiriwang ang iba't ibang patimpalak na nilahukan ng ating mga mag-aaral:
✍️ Pagbuo ng Slogan
🎨 Pagbuo ng Poster
🎤 Isahang Awit
Ipinamalas ng mga mag-aaral ng Datu Dalandag NHS ang kanilang husay, talino, at pagmamahal sa sariling wika sa pamamagitan ng kanilang malikhaing obra at tinig.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng g**o sa Filipino, mga hurado, mga mag-aaral, at sa pamunuan ng paaralan na naging katuwang upang maging matagumpay ang gawaing ito.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Datu Dalandag NHS!