06/07/2026
Taos-Pusong Pasasalamat! ๐๐
Ang buong LEPAGA High School Faculty and Staff, kasama ang aming mga mag-aaral, ay taos-pusong nagpapahayag ng aming lubos na pasasalamat sa Touching Hearts For Jesus Ministry, sa pangunguna ni Ma'am Weng Bruner at ng kanyang mga kasamahan mula sa Baptist Church, sa kanilang matagumpay na pagsasagawa ng isang makabuluhang outreach activity para sa aming mga mag-aaral.
Maraming salamat sa inyong mapagpalang pagbabahagi ng mga school bag na may kasamang school supplies, food packs, at higit sa lahat, sa pagbibigay ng makapangyarihang mensahe ng pag-ibig, pag-asa, at pananampalataya sa ating Panginoon. Ang inyong kabutihang-loob ay naging malaking inspirasyon at pagpapala sa aming mga mag-aaral at sa buong komunidad ng paaralan.
Lubos din naming kinikilala at pinasasalamatan ang suporta ng aming Barangay Officials, na naging katuwang sa matagumpay na pagsasakatuparan ng makabuluhang gawaing ito. Ang inyong pakikiisa ay patunay ng tunay na diwa ng bayanihan at malasakit sa edukasyon at kapakanan ng kabataan.
Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal at pagkalooban ng lakas at higit pang pagkakataon upang maipagpatuloy ang inyong ministeryo at paglilingkod sa kapwa.
Maraming salamat sa inyong pagmamahal at kabutihang-loob.
To God be all the glory! ๐โค๏ธ