DepEd RXII Nes ES

DepEd RXII Nes ES Public School

Isang makabuluhan at punong-puno ng pagmamahal na programa ang isinagawa sa pagdiriwang ng Teachers' Day sa NES ES na pi...
05/10/2026

Isang makabuluhan at punong-puno ng pagmamahal na programa ang isinagawa sa pagdiriwang ng Teachers' Day sa NES ES na pinangunahan ng ating masisipag at mahusay na SELG Officers.

Sa espesyal na okasyong ito, naghandog ng mga mensahe, pagbati, at munting pagpapakita ng pasasalamat ang mga mag-aaral bilang pagkilala sa walang sawang dedikasyon at sakripisyo ng ating mga g**o sa paghubog ng kaalaman at mabuting pagkatao ng bawat mag-aaral.

Lalo pang naging makahulugan ang programa nang magbigay ang mga dati nilang mag-aaral ng isang taos-puso at napakaantig na mensahe para sa ating mga g**o. Marami ang naantig at napaluha sa kanilang mga salitang puno ng pagmamahal, pasasalamat, at pagkilala sa mga g**ong nagsisilbing gabay at inspirasyon sa kanilang buhay.

Maraming salamat sa ating mga SELG Officers sa matagumpay na pangunguna sa programang ito. Higit sa lahat, isang taos-pusong pagbati at pagpupugay sa lahat ng g**o ng NES ES.

Happy Teachers' Day sa lahat ng g**o ng Paaralang Elementarya  ng NesπŸ“šοΏ½Maraming salamat sa inyong walang sawang pagtutur...
04/10/2026

Happy Teachers' Day sa lahat ng g**o ng Paaralang Elementarya ng NesπŸ“šοΏ½Maraming salamat sa inyong walang sawang pagtuturo, paggabay, at pagmamahal sa inyong mga mag-aaral. Kayo ang inspirasyon at dahilan kung bakit maraming pangarap ang natutupad. Nawa'y pagpalain pa kayo ng Panginoon at suklian ang lahat ng inyong sakripisyo. πŸ’–πŸ‘©β€πŸ«πŸ‘¨β€πŸ«οΏ½ ’sDay

NES Elementary School successfully conducted its 2-Day In-Service Training (INSET), bringing together dedicated educator...
11/09/2026

NES Elementary School successfully conducted its 2-Day In-Service Training (INSET), bringing together dedicated educators committed to continuous professional growth and excellence in teaching.

Throughout the two-day training, teachers gained valuable insights into innovative teaching strategies, effective classroom management, learner-centered approaches, assessment techniques, and the integration of technology in education. These learnings will help create more engaging, inclusive, and productive classroom environments that support the diverse needs of learners.

The INSET also provided an opportunity for teachers to reflect on their practices, enhance their pedagogical skills, and strengthen their commitment to deliver quality education. By applying these new knowledge and strategies in their classrooms, teachers can improve student participation, foster critical thinking, and promote meaningful learning experiences.

As educators, we continue to embrace lifelong learning and professional development to become better facilitators of learning and positive role models for our students.

πŸ‘ Congratulations to all NES Elementary School teachers for their active participation and dedication to growth and excellence!

CONGRATULATIONS, MOHAMIN M. BLAH! πŸŽ‰Ang Paaralang Elementarya ng NES ay lubos na ikinararangal ang iyong natatanging tagu...
31/08/2026

CONGRATULATIONS, MOHAMIN M. BLAH! πŸŽ‰

Ang Paaralang Elementarya ng NES ay lubos na ikinararangal ang iyong natatanging tagumpay sa ginanap na Congressional Athletic Meet 2026 na ginanap sa Pigcawayan Central Elementary School.

πŸ₯ˆ Silver Medal - High Jump
πŸ₯‰ Bronze Medal - Long Jump
πŸ₯‰ Bronze Medal - Triple Jump

Ang iyong mga tagumpay ay nagbibigay ng karangalan hindi lamang sa iyong sarili at pamilya kundi maging sa buong komunidad ng NES Elementary School. Ikaw ay isang inspirasyon sa kapwa mag-aaral na patuloy na magsikap at mangarap upang makamit ang kanilang mga layunin.
Nawa'y magsilbi itong motibasyon upang lalo pang paghusayin ang iyong talento at makamit ang mas marami pang tagumpay sa hinaharap.
πŸ‘ Muli, binabati ka ng buong Paaralang Elementarya ng NES! πŸ‘




#πŸ₯ˆπŸ₯‰βœ¨

22/08/2026

Isang taos-pusong pagbati sa ating 42 Student Leaders na matagumpay na nakiisa sa MIDSAYAP SOUTHWEST DISTRICT LEARNERS' AND ADVISERS' CONVERGENCE 2026 na ginanap mula Agosto 21-22, 2026.

Sa loob ng dalawang araw na makabuluhang pagtitipon, nagkaroon ng pagkakataon ang ating mga mag-aaral na mapalawak ang kanilang kaalaman, kakayahan, at pananaw bilang mga lider. Marami silang natutunan tungkol sa pamumuno, responsibilidad, pakikipagtulungan, at pagiging mabuting halimbawa sa kapwa mag-aaral. Ang mga mahahalagang aral na ito ay kanilang babaunin at isasabuhay sa kanilang paglilingkod sa paaralan at komunidad.

Lubos din kaming nagpapasalamat sa walang sawang suporta at paggabay ng ating School Head, Ma'am Jelyn D. Soliza, na patuloy na nagbibigay inspirasyon at oportunidad para sa paglinang ng kakayahan ng ating mga batang lider.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat kina Ma'am Arlene A. CaΓ±ete (SELG Adviser), Ma'am Monabai B. Ducan (Assistant), at Ma'am Anna Virginia N. Gonzales sa kanilang dedikasyon, pag-aalay ng oras, at paggabay upang maging matagumpay ang partisipasyon ng ating mga mag-aaral sa nasabing gawain.

Espesyal na pasasalamat din kay Ma'am Sylvia B. Barcebal para sa ipinagkaloob na snacks ng ating mga mag-aaral. Ang inyong kabutihang-loob at suporta ay tunay na pinahahalagahan.

πŸ‘ Mabuhay ang ating mga student leader! Nawa’y patuloy nilang gamitin ang kanilang mga natutunan upang maging ehemplo ng mahusay na pamumuno, disiplina, at paglilingkod.





Disclaimer:
I do not own the rights to this music. All credit goes to the respective copyright owners. This content is not intended to infringe upon any copyright.

Muli na namang nakapagsungkit ng medalya ang ating atletang  si Mohamin M. Blah, sa larangan ng athletics sa ginanap na ...
15/08/2026

Muli na namang nakapagsungkit ng medalya ang ating atletang si Mohamin M. Blah, sa larangan ng athletics sa ginanap na Midsayap Municipal Meet 2026.

πŸ₯ˆ Silver Medal - Long Jump
πŸ₯ˆ Silver Medal - Triple Jump

Ipinakita ni Mohamin ang kanyang dedikasyon, sipag, at husay sa palakasan na naging dahilan upang muling maitaas ang karangalan ng ating paaralan.
Malugod naming binabati si Mohamin M. Blah sa kanyang natatanging tagumpay. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang mag-aaral na patuloy na magsikap at abutin ang kanilang mga pangarap.
Congratulations, Mohamin! We are proud of you! πŸŽŠπŸ‘πŸ’™πŸ’›

13/08/2026

Ang NES ES SELG ay nakikiisa sa pagsusulong ng isang ligtas, masaya, at mapayapang paaralan sa pamamagitan ng ating Anti-Bullying Campaign: "Pass Tayo sa Bully!" dance.
β€Žβœ‹ Sabihin ang PASS sa:
β€ŽβŒ Pang-aasar
β€ŽβŒ Pananakot
β€ŽβŒ Panlilibak
β€ŽβŒ Pambubully sa personal man o online
β€Ž
β€Žβœ… Sa halip, piliin natin ang:
β€ŽπŸ’™ Paggalang sa isa't isa
β€ŽπŸ’™ Kabutihan at Pagkakaibigan
β€ŽπŸ’™ Pag-unawa at Pakikipagkapwa
β€ŽπŸ’™ Pagiging Mabuting Halimbawa
β€Ž
β€ŽTandaan: Ang isang simpleng mabuting salita o gawa ay maaaring makapagbigay ng saya at inspirasyon sa iba. Sama-sama nating itaguyod ang isang paaralang walang puwang para sa bullying at puno ng pagmamahalan at paggalang.
β€Ž
β€Ž Maging kaibigan, hindi bully! Maging bahagi ng solusyon, hindi ng problema!
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€ŽπŸ“Œ Copyright Disclaimer
β€ŽNo copyright infringement intended. Music and other materials used in this campaign belong to their respective owners. This content is created solely for educational, awareness, and advocacy purposes in support of the NES ES SELG Anti-Bullying Campaign: "Pass Tayo sa Bully."

πŸ…πŸŽ‰ DISTRICT MEET 2026 πŸŽ‰πŸ…Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng atleta ng NES Elementary School na buong pusong lumahok at...
08/08/2026

πŸ…πŸŽ‰ DISTRICT MEET 2026 πŸŽ‰πŸ…

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng atleta ng NES Elementary School na buong pusong lumahok at nagpakita ng husay, disiplina, at sportsmanship sa ginanap na District Meet 2026 sa Agriculture Central Elementary School.
Lubos naming ipinagmamalaki ang inyong dedikasyon at pagsisikap sa pagrepresenta sa ating paaralan. Ang bawat atleta na lumahok ay tunay na panalo dahil sa kanilang tapang at determinasyong ibinigay sa bawat laban.

πŸ₯‡ Long Jump (1st Place)
β€’ Mohamin Blah

πŸ₯‡ 100m Relay (1st Place)
β€’ Renhar Tsajili
β€’ Mohamin Blah
β€’ Alsatar Esmael
β€’ Alonzo Mangansakan

β™ŸοΈ Chess (4th Place)
β€’ Regan Zainal

πŸ₯ˆ100m Relay (2nd place)
β€’ Raiza Dimaloloy
β€’ Norhuda Mangadta
β€’ Nadine Dimaloloy
β€’ Jhorhanna Akil

🫳 Javelin Throw (3rd place)
β€’ Renhar Tsajili

Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at pagsasanay. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang mag-aaral na patuloy na paunlarin ang kanilang talento.

Taos-pusong pasasalamat kay Coach Glyndel Litz M. Quijada sa walang sawang paggabay, pagsasanay, at paghubog sa ating mga atleta.

Maraming salamat din sa ating School Sports Coordinator Jonar Philip L. Tolin sa kanyang suporta at mahusay na pangangasiwa sa ating mga programang pampalakasan.

Lubos din naming pinasasalamatan si mam Jelyn D. Soliza sa patuloy na suporta at pamumuno para sa ikauunlad ng ating paaralan at mga mag-aaral.

At higit sa lahat, maraming salamat sa mga magulang na naging katuwang sa paghubog at pagsuporta sa ating mga atleta. Ang inyong pagmamahal, sakripisyo, at walang sawang paghimok ang naging inspirasyon ng kanilang tagumpay.

πŸ‘ Congratulations, Team NES ES! Patuloy nating itaguyod ang diwa ng pagkakaisa, disiplina, at kahusayan sa larangan ng palakasan.



03/08/2026

🌟 SBFP Central Kitchen Kick-Off 2026 🌟

Masustansyang pagkain para sa mas maliwanag na kinabukasan!

Ngayong Agosto 3, 2026, matagumpay na inilunsad ng NES Elementary School ang School-Based Feeding Program (SBFP) Central Kitchen Kick-Off. Isang hakbang tungo sa mas malusog, mas masigla, at mas handang mga mag-aaral.

🍎πŸ₯—πŸ“š
Sa SDO Cotabato, Bata ang Numero Uno! ❀️

Sa araw na ito, buong pusong ipinagdiriwang ng Nes Elementary School ang retirement program ni Mam Leonila V. Alar bilan...
25/07/2026

Sa araw na ito, buong pusong ipinagdiriwang ng Nes Elementary School ang retirement program ni Mam Leonila V. Alar bilang pagkilala sa kanyang 20 taong tapat, masipag, at dedikadong paglilingkod sa Department of Education .

Sa loob ng dalawang dekada, naging inspirasyon siya sa kanyang mga kasamahan, mag-aaral, at sa buong komunidad sa pamamagitan ng kanyang malasakit, sipag, at pagmamahal sa edukasyon. Ang kanyang hindi matatawarang kontribusyon ay nagbigay-liwanag at gabay sa maraming henerasyon ng mga mag-aaral.

Maraming salamat, Mam Leonila, sa inyong walang sawang paglilingkod at sakripisyo para sa kapakanan ng edukasyon. Ang inyong mga alaala, karunungan, at mabuting halimbawa ay mananatiling inspirasyon sa amin.

Nawa'y maging masaya, payapa, at puno ng biyaya ang panibagong yugto ng inyong buhay. Karapat-dapat lamang na inyong tamasahin ang bunga ng inyong mga pinaghirapan.

πŸ’ Congratulations on your retirement, Mam Leonila V. Alar!πŸ’



πŸ’™πŸ’›

Address

Nes, Midsayap
Cotabato

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd RXII Nes ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category